What's new

Help. Itutuloy ko pa ba o hindi na?

Hindi pa sya ready. Hindi nya kayang pantayan yung pagmamahal and effort na ibinibigay mo.
Kung may insecurities sya, he has to work on that, hindi ikaw, ang kaya mo lang gawin, is bigyan sya ng assurance.
Sya lang makakapag pabago sa sarili nya.

And ikaw, TS, ikaw yung tipo ng tao na bibigay lahat when it comes to relationships, and you expect your partner to do the same. And dahil hindi ma-reach ni partner yung expectations mo, you end up getting hurt and disappointed. And maybe betrayed, kasi bakit nga naman di nya kayang gawin yung nagagawa mo diba? Ang unfair naman nun.

But then again, you have to question yourself din. Unfair nga bang talaga? Mahirap mag expect. Ikaw sa sarili mo alam mo sa kung saan yung makakaya mo, pero di mo alam sa dun sa ibang tao.

Lagi ko nalang sinasabi. If you're both happy and content with each other, di mo ku-kwestyunin yung lagay ng relationship nyo.

Yung actions nya towards you, TS. Do you think you deserve that? Yung pagmamahal na pinapakita/ramdam nya sayo, sa tingin mo ba hanggang dun lang yung pagmamahal na deserve mong matanggap? If hindi, then let him go.

One day, mami-meet mo rin yung taong kayang pantayan yung level ng pagmamahal mo.

Duper agree with this one. Ganyan din ako nung nagsisimula pa lang ako sa lovelive ko. I tend to compare my effort with his effort. You'd really feel disappointed pag nag set ka ng expectations. Been there. Done that. Gusto ko yung sinabi ni paps dito regarding contentment. Appreciate the little stuffs. Wag ka, ilang "Break na tayo" din ang pinagdaanan ko sa partner ko, may pa"ibabalik ko na tong mga pinamigay mo para di na kita maalala" kemekeme pa haha... Pero at the end of the day, kung mahal ka talaga nung tao, di ka niyan matitiis.
 
aw hirap ng stiwasyon mo mam, pero payo ko lang as kaibigan, dapat parehas kayong may feeling sa isat isa kung ipagpapatuloy pa pero kung lumalamig na mahirap na yan, ibigsabhin may something na dapat ayusin at kung hindi maayos better na lumayo na kaysa lumala pa
 
Saklap naman nian. Hehe

Kidding aside, sa tingin ko lng mejo mataas ung expectations mo te sa kanya. Gusto mo is lambingin ka ng todo? Or ibigay sau lahat ng attention nia? Or sa palagay mo nagbago na sia?

Isa lang masasabi ko, mag break kau at malalaman mo kung anong gagawin nia. Kung susuyuin at liligawan ka nian ulit, dun mo makikita na sincere sia sau at praning ka lng ng slight ✌️😁 pero (but) pag hindi sia gumawa ng kahit anong paraan para magkabati ot maging kau ulit then move on. Hindi talaga kau para sa isa't isa. Makakahanap ka rin ng taong makakapantay ng expectations mo te. Go lang ghurl! 💪💪😂😂😂 Di po ako babae hah. 🤣🤣🤣
 
Tigil mo na yan TS, hindi sapat na dahilan yung kawalan ng pera, kung gusto maraming paraan pag ayaw maraming dahilan.
 
sa tingin ko lang bumaba ang self esteem nya dahil dun sa nasabi mo nung first night na makikipagbreak ka na sakanya gusto ka pa nun kaso sympre napanghinaan nadin ng loob at duda.
yung sa pagpunta nya na sana kamo nagmrt sya umm sa tingin ko di rin kasi advisable pagalagala ngaun.
ilan taon naba kau i mean age? matanong ko lang
 
marami din kasi pwedeng scenario kung bakit nagiging cold minsan ang tao. diba hindi naman mahal nyo ang isat isa dahil lang masaya kayo? kung wala nang kilig, wala nang spark e yun na ang solusyon? how much more kung mag asawa na kayo diba. assume natin na walang 3rd party pano natin ihahandle yung ganung part. baka naman may problema lang na ayaw nyang problemahin mo dino baka naman napagalitan ng boss. kasi pag lalaki usually ayaw nyan nagpapatalo sa mga ganyang bagay. kung talagang ready na kayo na magmahalan talaga. yung totoong pagmamahal dapat ready na kayo sa mga cold moments, empty conversation, no more spark, happy moments lahat yan mawawala pero you both choose to stay kasi that is the real meaning of love for me. i dont think masasagot yung tanong mo dito. pag usapan nyo ts kung dapat pa bang ituloy or hindi na.
 
normal lang yung paminsan minsan hindi ngkakaintindihan pero hindi dahilan na break kaagad ang option., pro kung yun lagi ang ginagawa tapos pag nakaisip eh babalik ulit. wag na. ksi hindi laging option ang break pra masolve ang isang bagay.
 
Time will heal, as of now the best way is to focus on your self and improve yourself muna. Then the right person will come for you as God will bless your life more.
 
Wag kasing basta basta magbibitaw ng salita ts kapag upset ka or galit ka tingnan pinanghinaan ng loob bf mo. Saka iwas na masyado sa drama TD hahaha
 
Base lang ito sa kwento mo idol ah.
At pawang opinion ko to.

Base sa simula mo, ganun ganun na lang kaya mong bitawan yung relasyon niyo. Kahit naman sino mawawalan ng gana sa ganung set-up. Ang laging issue nun kasi siya ang unang makakaramdam na pinaplastic siya kasi parang gamit na.lang siya na kung kelan mo ramdam itapon ay kaya mong gawin. Wag mong iparamdam yun sa partner mo babae ka man o lalaki. Binabaan mo yung worth niya sa simul pa lang. Oo may nagawa siyang mali na upset ka. Ganun na lang dapat hindi aabot sa hindi pinag-isipang desisyon. Think before you act po. Hindi naman isipin mo kung saan ng simula para malinis lahat ng sama ng loob. Para maplantsa lahat ng gusot sa pagitan niyo. Ikaw po ang magpakumbaba at dagdagan ang tiwala sa partner mo. Hindi yung ikaw na nga ang nakagawa ng pinagmulan ng lahat ayan ka nagdadalawang isip na ulitin yung pagkakamaling una mong ginawa.

Ikaw ang umintindi. Hindi porke babae ay sila na lang lagi yung bini-"baby" o palaging "mas" importante sa relasyon. Dalawa kayo dyan. Patas lang dapat.

Opinion ko lang naman po 'to. Buhay niyo pa rin yan. Nakikisawsaw lang naman ako. Think before you act po.
 
ginagamit ka lang nya daoat pina priority kanya mismo yong may physically na gawa .

may iba nayan or may iba ng ginagawa yan or nililigawan yan mga top 123 na reason
 
alam mo, dimo naman kaylangan maki seat-in sa ugali nya. Kasi kung mahal ka nung boy, he will do better. I encountered once. Ika nga, "I'm just giving the favor you were asking" yong tipong ganyan. dimo na kaylangan makipag-areglo kung hindi namn ikaw yong problema. Try to make a way. It's like keeping yourself as a better person. Kesa naman, i-force na maayos kayo kahit ambigat na ng pakiramdam mo.

OR,

Makipag-usap ka sa kanya, if you felt he's not sincere, it's time for you to end things up. Find someone who can accept the real you not the once who sees you because you have something to be taken for granted.
 
Wag na yan TS parang bata lang yang bf mo.. May ipapakilala na lang ako sayo sigurado magiging masaya ka sa kanya, Paps copro14 pasok... Time mo ng magpakitang gilas Paps... Hahahahaha :)
 

Similar threads

Back
Top