Tingin ko pwede naman, lods. Kasi may data naman na yung GOTSCOMBOGBF121 na pwedeng patungan ng data ng GO50.
Pero kung sakaling pure na data lang talaga habol mong i-extend, medyo mahal since mas mura yung GO50 + GOSURFBE34. Sa last hour before expiry ng promo mo, i-register mo yung GOSURFBE34 para yung 3 days GO50 mo ma-eextend pa nang 15 days dahil sa GOSURFBE34. So bale 3 + 15 = 18 days. Tapos after 15 days kung may natitira ka pa rin na data, mag-register ka ulit ng GOSURFBE34 sa last hour before expiry ng naunang GOSURFBE34 mo para plus 15 days ulit. Mas mura kasi 118 Pesos lang lahat kung tutuusin.