What's new

Help Help dog experts (please 🙏)

Ts painumin mo ng tubig na may asukal isubo mo paunti unti sa bibig niya sa ayaw at sa gusto
 
Okay boss pinainom ko na nga yun kanina nung una isang kutsara sa pangalawa lumalaban na sya isang kutsara padin then sa pangatlo ibinuhos ko talaga sa baba nya haha...sana walang mangyaring masama sa kanya
 
Ganyan kinamatay ng shtzu namin wag mo pinapakain ng mga ulam na may vetsin, chocolate, pati mga bbq dugo mga lamanloob.

Namatay aso namin dahil sa pagkain ng kung ano ano dapat pala dogfood lang na may tubig o gatas Pinapakain pag ganyang breed
 
Lods sign yan ng parvo. Hmmm
Sayang gabi kana nag post ng ganyan sarado na mga poultry shop.. Kung may syringe ka i force feed mulang.. Sa ngayon bantayan mo magdamag kasi ganyan talaga.. Lalaban yan paramdam mo lang sakanya na mahal nyo sya.. Force feed mo ng cerelac na banana flavor. Then bukas bili ka sa poultry shop ng SMP500 TYAKA DEXTROSE POWDER.
yung smp 500 lods gamot yon need mo syringe kasi dudurugin mo yun haluan mo konti tubig konti lang.. Tyaka mo lagay sa syringe. Yung 1 tablet hahatiin mo yun tas durugin mo haluan mo 1ml na tubig saka mo higop syringe tyaka mo ipasa sa bibig nya yung derekta lalamunan agad. Every 12 hrs yung painom. Then yung dextrose powder naman may instruction yun sa lagyanan kung gano kadami tubig at dextose powder. Tas i force feed mo lang sya kung ayaw kumain at apainom mo din yung dextrose powder nayun kasi titimpla mo yun sa tubig. I force mo din painom dalasan mo kasi pampalakas yon. Yung smp 500 naman anti bacterial yun gamot din yun sa lagnat pampalinis ng katawan nila..
Gagaling yan loda manalig kalang lalo pag napainom mo yan gamot nayan. Sana makatulong lods mura lang mga yan wala pa 100 pesos magagastos mo. Yung syringe pala tatanggalin mo yung tumutusok dun ah. Yun lang lods effective yan..
 
Lods kapag medyo lumakas na sya pakainin mo ng atay ng baboy. Pang pa linis yun saka pang palakas kapag kinain nya yun ibigsabihin malaki na chance nya maka survuve
 
Gamitan mopo ng syringe kasi mahirap kapag walang ganun para rekta na agad sa lalamunan nya. Yung gilid ng bunganga dun mo sasapak syringe
 
Most Likely Parvo Virus.
Bili ka ng Dextrose Powder halo mo sa tubig nila, dalhin mo na din sa Vet. Nasa puppy na talaga kung kakayanin nya yung virus or hindi
 
Dextrose powder binili namin nong nagkasakit puppy namin. Pinilit namin tlga ipa inom yun para gumaling. Bili ka ng pang syringe para mapa inom mo.
 
PARVO VIRUS HOME REMEDY
with or without Parvo Vaccines
💡marami narin pong nka subok nito hindi lang ako gusto ko lang makatulong.
SIGNS:
😖 Pagsusuka ng yellowish until parang tubig na sinusuka
😢 Panghihina, Pamamayat
🤒 High Fever
🤐 Ayaw kumain ng isang araw at sa mga susunod na araw
😭 Pag tatae ng mabaho or may halong red spot/dugo yung poopo

Ilang beses ng naka encounter ako nito at effective parin naka survive sila kaya ishare ko ulit. Tatlong puppies ko ang tinamaan ng virus na ito, c BAWNE, SNOWPE and WHITEY, ang hirap, kasi tatlo sila pag gumaling na ang isa, dapat ilayo mo sya para hindi ma infect uli, pero naka ligtas sila dahil sa gamot na ito.

All you have to do is to give all your :
Time, Attention, Even your Sleep hours, you have to sacrifice it kung gusto mo pang mabuhay puppy/dog mo, Pray always , maniwala na gagaling sya, at mag tiwala sa gamot.

Ingredients:
✅ Turmeric "Luyang Dilaw" make it sure hindi powder yan
✅ Egg Yolk
✅ Brown Sugar
✅ Dextrose pero if hindi marunong mag turok gaya ko mag Distilled Water at Oral Rehydration Salts "ORS"
✅ Metoclopramide syrup "pagsusuka"
✅ Metronidazole syrup "pagtatae"
✅ Cotrimoxazole syrup
✅ Syringe 5ml or 10ml

Procedure:
1. Hiwain at durogin ang Luyang dilaw habang dinudurog lagyan ng 5ml water. Better if may blender pero wala kami kaya yung katas ng luya ang gamitin.
2. Ihalo ang Egg yolk at 1/2 ts sugar. Haluin ng mabuti.

Every:
  • 30mins - 5ml Distilled Water + ORS huwag hayaang ma dehydrate ang aso, pinaka importante ang tubig sa katawan
  • 3hours - 5ml Turmeric formula
  • 5 hours - 5ml Meto after 30mins mag Metro na
  • 12 hours - 5ml Cotrimoxazole

☝🏻mag try kayo pakain
ng Pinakuloang manok , walang halong asin o iba pa, huwag ipakain ang buto nito. If hindi sya kumain okay lang ipag patuloy lang ang gamutan.

☝🏻Better na hindi hintayin na mag tae ang aso painumin agad ng Turmeric Formula.

☝🏻️Pag mainit sya masyado punasan nio ng basang tuwalya na nakababad sa chlorine

☝🏻️Kahit na kumain na huwag ihinto ang pag gagamot kasi maari itong babalik agad agad.

☝🏻️Pagmag tae sya bigyan nio agad ng METRO kahit wala pa sa oras na naka saad

☝🏻️Lagi niyong kausapin ang aso wag niyong hayaan sa gilid lang.

☝🏻️Bigyan ng maayos na hihigaan.

☝🏻️Palagi bigyan ng water +ORS para lumakas sya lalo huwag ito kalimutan

☝🏻️If kumain na sya dapat bigyan muna ng METO bago pakainin para hindi nia masuka.

Signs na gumagaling na ang puppy/dog sa Parvo:
1. Kumain na hindi masusuka
2. Kaya ng mag lakad na hindi matutumba
3. Uminom ng tubig na sya lang
4. Hindi na mag tatae ng reddish
5. Wala ng fever
6. Kaya ng tumakbo makipag laro
7. Hanggang sa maging normal ang lahat.

☝🏻️Kung nakita nio na ito ng mga signs i 3 times a week nalng ang Turmeric formula 5ml a day hanggang 1 month.

Please share para matulongan ang mga ibang FurMommy at FurDaddy.

For more info mag search sa GOOGLE and YøùTùbé
 
Parvo virus yan paps ganyan din yung puppy ko buti nalang nakasurvive. Ang ginawa ko is painumin mo ng tubig na may dextrose powder baka makasurvive pa, 50/50 na kasi buhay nyan paps.
 
Last edited:
sana nalaman ko kagad toh, baka sakaling buhay pa aso namin 🥺 thanks anyway, alam ko na gagawin sa susunod
 
Sir parvo yan nakapag trabaho na ako sa vet clinic ganyan yung mga sign na may virus yung aso. Kailangan mo talaga dalhin sa veterinarian yan delikado po kase tsaka kung may iba pa kayong aso ilayo niyo po sa may sakit mahahawa po kase sila
 
Try mo palasahin ng ice cream, konti lang para magkagana kumain. Ilagay mo sa bibig at malapit sa ilong niya para mapilitan dilaan. Binalutan ko rin siya ng tela. Sa loob ng bahay niyo din siya ilagay, bahala na kung tatae sa loob, pwede namang linisin. Ang pagkain na nagustuhan niya ay inun-unan, basta yung linutong isda na amoy suka. Ilagay mo lang sa tabi niya palagi. Tubig o gatas din. Yan ginawa ko sa amin nung nagkasakit. Laking ligaya ko nung pag gising ko, naubos konti ang pagkain. Tuloy-tuloy na rin nagkaganang kumain simula nun. Ewan ko kung may problema sa paraan ko, pero yan ang gumana sa akin.
 
We have a puppy die last week T_T and mukhang ganto symptoms nya nanganak kasi ung inadopt naming aso 8 puppies and kami begginers palng ang alam lng naman kasi namin pakainin sila. Nakka sad lng pag nakkita mo ung puppy gusto na namin sya pa vet kaso di na sya umabot :(
 

Similar threads

About this Thread

  • 60
    Replies
  • 12K
    Views
  • 26
    Participants
Last reply from:
rneworder

Online statistics

Members online
845
Guests online
4,856
Total visitors
5,701
Back
Top