What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Help Help dog experts (please 🙏)

MrLieutenant

Elite
Joined
Apr 15, 2020
Messages
3,065
Solutions
1
Reaction
1,957
Age
15
Help mga lods yung puppy namen
  • matubig yung tae nya💩
  • nag susuka🤮
  • ayaw kumain
  • Nanghihina na po sya
Ano po ba ang gamot nito baka mamamatay nato bukas dahil di talaga sya kumakain niluluwa lang nya....please mga boss anong gagawin ko?😵
 

Wized

Elite
Dito sa probinsya namin sa bohol lods, superscent hinahaplos namin sa tyan or sa buong katawan ng aso, tas gagaling na siya overnight. Di ko guaranteed na effective pero so far 2 aso at isang pusa namin gumaling lang dahil sa superscent. Ganyan din yung kaso nila, ayaw kumakain, pumapayat, basa yung poopoo hanggang sa naging dugo na yung dinudumi nila. Monitor mo lang yung dumi niya, tsaka yung gums niya pag naging grey-ish ibig sabihin anemic na. ts best pa din na dalhin na lang sa vet.
 
M
mizsann22
sana nalaman ko kagad toh, baka sakaling buhay pa aso namin 🥺 thanks anyway, alam ko na gagawin sa susunod
 

FeedOne1

Established
Ganyan kinamatay ng shtzu namin wag mo pinapakain ng mga ulam na may vetsin, chocolate, pati mga bbq dugo mga lamanloob.

Namatay aso namin dahil sa pagkain ng kung ano ano dapat pala dogfood lang na may tubig o gatas Pinapakain pag ganyang breed
 
Comment

Sockshell

Addict
Lods sign yan ng parvo. Hmmm
Sayang gabi kana nag post ng ganyan sarado na mga poultry shop.. Kung may syringe ka i force feed mulang.. Sa ngayon bantayan mo magdamag kasi ganyan talaga.. Lalaban yan paramdam mo lang sakanya na mahal nyo sya.. Force feed mo ng cerelac na banana flavor. Then bukas bili ka sa poultry shop ng SMP500 TYAKA DEXTROSE POWDER.
yung smp 500 lods gamot yon need mo syringe kasi dudurugin mo yun haluan mo konti tubig konti lang.. Tyaka mo lagay sa syringe. Yung 1 tablet hahatiin mo yun tas durugin mo haluan mo 1ml na tubig saka mo higop syringe tyaka mo ipasa sa bibig nya yung derekta lalamunan agad. Every 12 hrs yung painom. Then yung dextrose powder naman may instruction yun sa lagyanan kung gano kadami tubig at dextose powder. Tas i force feed mo lang sya kung ayaw kumain at apainom mo din yung dextrose powder nayun kasi titimpla mo yun sa tubig. I force mo din painom dalasan mo kasi pampalakas yon. Yung smp 500 naman anti bacterial yun gamot din yun sa lagnat pampalinis ng katawan nila..
Gagaling yan loda manalig kalang lalo pag napainom mo yan gamot nayan. Sana makatulong lods mura lang mga yan wala pa 100 pesos magagastos mo. Yung syringe pala tatanggalin mo yung tumutusok dun ah. Yun lang lods effective yan..
 
Comment

Sockshell

Addict
Lods kapag medyo lumakas na sya pakainin mo ng atay ng baboy. Pang pa linis yun saka pang palakas kapag kinain nya yun ibigsabihin malaki na chance nya maka survuve
 
Comment
Most Likely Parvo Virus.
Bili ka ng Dextrose Powder halo mo sa tubig nila, dalhin mo na din sa Vet. Nasa puppy na talaga kung kakayanin nya yung virus or hindi
 
Comment

Skwel

Established
Dextrose powder binili namin nong nagkasakit puppy namin. Pinilit namin tlga ipa inom yun para gumaling. Bili ka ng pang syringe para mapa inom mo.
 
Comment

Skwel

Established
PARVO VIRUS HOME REMEDY
with or without Parvo Vaccines
💡marami narin pong nka subok nito hindi lang ako gusto ko lang makatulong.
SIGNS:
😖 Pagsusuka ng yellowish until parang tubig na sinusuka
😢 Panghihina, Pamamayat
🤒 High Fever
🤐 Ayaw kumain ng isang araw at sa mga susunod na araw
😭 Pag tatae ng mabaho or may halong red spot/dugo yung poopo

Ilang beses ng naka encounter ako nito at effective parin naka survive sila kaya ishare ko ulit. Tatlong puppies ko ang tinamaan ng virus na ito, c BAWNE, SNOWPE and WHITEY, ang hirap, kasi tatlo sila pag gumaling na ang isa, dapat ilayo mo sya para hindi ma infect uli, pero naka ligtas sila dahil sa gamot na ito.

All you have to do is to give all your :
Time, Attention, Even your Sleep hours, you have to sacrifice it kung gusto mo pang mabuhay puppy/dog mo, Pray always , maniwala na gagaling sya, at mag tiwala sa gamot.

Ingredients:
✅ Turmeric "Luyang Dilaw" make it sure hindi powder yan
✅ Egg Yolk
✅ Brown Sugar
✅ Dextrose pero if hindi marunong mag turok gaya ko mag Distilled Water at Oral Rehydration Salts "ORS"
✅ Metoclopramide syrup "pagsusuka"
✅ Metronidazole syrup "pagtatae"
✅ Cotrimoxazole syrup
✅ Syringe 5ml or 10ml

Procedure:
1. Hiwain at durogin ang Luyang dilaw habang dinudurog lagyan ng 5ml water. Better if may blender pero wala kami kaya yung katas ng luya ang gamitin.
2. Ihalo ang Egg yolk at 1/2 ts sugar. Haluin ng mabuti.

Every:
  • 30mins - 5ml Distilled Water + ORS huwag hayaang ma dehydrate ang aso, pinaka importante ang tubig sa katawan
  • 3hours - 5ml Turmeric formula
  • 5 hours - 5ml Meto after 30mins mag Metro na
  • 12 hours - 5ml Cotrimoxazole

☝🏻mag try kayo pakain
ng Pinakuloang manok , walang halong asin o iba pa, huwag ipakain ang buto nito. If hindi sya kumain okay lang ipag patuloy lang ang gamutan.

☝🏻Better na hindi hintayin na mag tae ang aso painumin agad ng Turmeric Formula.

☝🏻️Pag mainit sya masyado punasan nio ng basang tuwalya na nakababad sa chlorine

☝🏻️Kahit na kumain na huwag ihinto ang pag gagamot kasi maari itong babalik agad agad.

☝🏻️Pagmag tae sya bigyan nio agad ng METRO kahit wala pa sa oras na naka saad

☝🏻️Lagi niyong kausapin ang aso wag niyong hayaan sa gilid lang.

☝🏻️Bigyan ng maayos na hihigaan.

☝🏻️Palagi bigyan ng water +ORS para lumakas sya lalo huwag ito kalimutan

☝🏻️If kumain na sya dapat bigyan muna ng METO bago pakainin para hindi nia masuka.

Signs na gumagaling na ang puppy/dog sa Parvo:
1. Kumain na hindi masusuka
2. Kaya ng mag lakad na hindi matutumba
3. Uminom ng tubig na sya lang
4. Hindi na mag tatae ng reddish
5. Wala ng fever
6. Kaya ng tumakbo makipag laro
7. Hanggang sa maging normal ang lahat.

☝🏻️Kung nakita nio na ito ng mga signs i 3 times a week nalng ang Turmeric formula 5ml a day hanggang 1 month.

Please share para matulongan ang mga ibang FurMommy at FurDaddy.

For more info mag search sa GOOGLE and YôùTùbé
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,680
Guests online
1,001
Total visitors
2,681

Forum statistics

Threads
827,631
Messages
16,374,577
Members
1,445,057
Top