What's new

Help Help Converge payment issue

Nagbayad kami ng bill namin nung november, bill for 2 months. Akala namin ok na. Pagdating ng Dec naging 4k+ yung bill, may mali palang last digit sa account number nung nilagay ng pinagbayaran namin sa Cebuana. Saka lang namin nasabi nung pagdating ng december bill. Sabi ng Cebuana ninotify na daw nila converge, at pinuntahan narin namin sa converge office sila na daw makikipagcoordinate. more than 1 week na no news parin nakailang balik na kami sa Cebuana at Converge magantay lang daw ng 24-48 hours. Nagemail ticket, at message narin sa Fb customer service pero walang nagrereply. Binayaran na rin namin yung december bill kasi yung bill na may mali is for oct-nov. tuwing tumatawag ako sa click2call sinasabi na disconnected parin at bayaran daw namin yung balance na 3k+. May makakatulong ba kung pano maresolve or mapabilis yung action dito?
 
Tingin ko manpower ang kulang kaya mabagal ang Converge when comes to service. Di nila makaya ang volume ng mga clients nila unlike sa PLDT and Globe they have a lot of manpower kaya kahit papano may aksyon agad.
 

Similar threads

Back
Top