(Help) Ang pagsasabit ng accounts ay kasalanan?

Para sa akin kasalanan..pero diba di natin afford kaya nga nakikilibre lang tayo kasi wala tayong pera pang load araw-araw..no choice, isa pa nakakaintindi naman siguro ang Diyos sa sitwasyon natin kasi lubos Siyang Maawain..(ArRahman) pangalan Niya yan
Maawain..
 

ledin

Elite
Hindi ako religious pero para sa 'kin kung hindi legally paid o walang consent mula sa totoong may-ari kahit maganda pa intensyon natin o sa mabuti natin gagamitin, maaari. Pati rin yung pamimirata at pandaraya. Hindi ako magmamalinis. Hahaha.

Amazed nga ako sa mga ubod ng relihiyoso kuno na magaling manita na makasalanan yung ganito gan'yan tapos magbabanggit pa ng sandamakmak na verses pero makikita mo kung hindi sila mismo ang nangunguna e isa sila sa mga nakikinabang at sumusuporta sa pamimirata, pandaraya, at panlalamang. Hindi nila maamin na kasalanan din yung ginagawa nila. Maraming justifications. Hindi na lang umamin. 🤣

Mas madali kasi talagang punain ang isang kasalanan kapag hindi natin mismo ginagawa. Maraming justifications kapag ikaw mismo ginagawa mo rin. Pakiramdam mo mas magaan yung kasalanan mo kumpara sa ibang kasalanan kasi ginagawa rin ng karamihan yung ginagawa mo pero sa totoo lang, sa huli, pare-pareho lang naman na kasalanan. Hahaha.
 
Last edited:

SprigCosmic

Contributor
Pamimirata rin yan. Isa lang yang klase ng ganyan. Kahit anong justification, hindi mababago ang katotohanan. Choice mo na lang yan
 
Top