Handa

CYBERX22

Established
Joined
Nov 7, 2018
Posts
206
Solutions
1
Reaction
69
Age
23
Hello.

1 week bago ko po nalaman kung ano nangyari sa aso ko.
Aspin lang po yun. Pero sobrang mabait, yung kahit inaaway po sya ng mga bata okay lang. Takot din yun sa pusa o daga tapos hindi kumakain ng food sa mesa.
Kulay brown po sya na may white spots tapos yung tenga nya may butas kasi kinagat sya ng mama nya nung puppy pa sya.
Bale sa June yun magbibirthday kaso wala.. di ko na mahanap. Never ko na mahahanap yun..

Alam nyo kung bakit?

Yung mga tito ko, kinatay nila habang wala ako sa bahay. Yung mother ko kasi nagwowork din sya so bale mga younger sisters ko lang yung nasa bahay. I remember pag-uwi ko iyak sila ng iyak. Tina-try daw nila itago si patty, yung dog ko, sa kusina kasi nga kukunin daw nila tito, pero kinuha pa din daw.

Nagtatrabaho po ako as cashier pansamantala, nakakatuwa nga kasi madaming bonus. Ako yung nakaassign bumili ng ingredients pang- bulalo, so may mga buto yun which is maeenjoy ni patty- yung dog ko. Kaso.. kala ko wala na ko mapipiga sa mata ko meron pa pala.. hahaha

So yun po, kinain nila aso ko. They even had the audacity to give us a bowl. And laugh as if joke joke lang yung ginawa nila.

Gets ko naman kung wala sila pang-ulam, lagi naman kami nagbibigay! Di na namin sinisingil sa utang kasi kawawa naman. Pamilya diba..
Nakakainggit nga yung mga post sa facebook na super saya yung new year nila.. Sana kami din next year.
 

gneve

Established
Grabe naman kamag-anak mo sir! Andami daming pwedeng kainin, pwede naman sila mag asin, yung aso pa talaga pinagtripan nilang kainin. 😕 Hirap nang ganyan, walang respeto sa hayop, pati sa inyo, hindi na kayo nirespeto.. hayst..
 
May kulong 'yan kung gusto mo bumawi. Search at kontakin mo yung Philippine Animal Welfare Society. Ewan ko kung dun pa rin sa Recto yung address nila. Yun nga lang kamag-anak mo so ikaw na bahala.
 
Top