What's new

Halimbawa ng Parliamentary Debate

Masked Rider Black

Forum Guru
Elite
Joined
Nov 8, 2016
Posts
4,080
Solutions
11
Reaction
2,926
Points
1,348
Makikita sa video ang debate ng oposisyon at Prime Minister at Health Minister ng Canada tungkol sa pagpapatupad ng COVID mandates ng gobyerno nila. Tinanong at sumagot din si Trudeau tungkol sa protesta ng mga truck drivers sa Ottawa.

Sa Parliamentary system of government, iisa ang gumagawa ng batas (legislative) at nagpapatupad ng batas (executive).

Kung ganito ang sistema ng gobyerno sa Pilipinas, pwede tanungin halimbawa ng direkta ni Gordon o ni Colmenares si Duterte, Duque o Tugade halimbawa tungkol sa No Vaccine No Ride Policy. Wala ng Senate o House investigation pa kasi pare-pareho silang Members of Parliament (parang congressman natin ngayon).

Mapapansin din na mas may boses ang oposisyon at mas naiimpluwensyahan nila ang pagpapatakbo sa gobyerno.

Sa Parliamentary system uusbong ang maraming Miriam Santiago. Kailangan lang ma-elect kang Member of Parliament sa distrito mo at kumbinsihin mo mga kasama mong MPs na magaling ka at kaya mo gampanan ang tungkulin ng Prime Minister o hawakan ang iba pang top government posts. Kailangan lang din handa ka sa mga tanong at pambabatikos ng oposisyon.

Good luck lang halimbawa sa mga taga-Saranggani kung ipapadala nila si Manny Pacquiao sa Parliament tapos makipag-debate kay GMA tungkol sa economic at trade policies ng Pilipinas.


 

Attachments

Eto yung disadvantage ng parliamentary kasi ang head of executive is a member of legislative kaya meron incomplete separation of powers.

The prime minister (head of government) in parliamentary gov't is more powerful than the president (head of government and state) in presidential gov't kasi executive at legislative ang function niya (a single parliament as a whole).

Oo nga the opposition can question directly but who are they (the minority). Wala pa din sila voice kasi ang nagpapatakbo ng parliament is the majority. The prime minister has the power to dismiss the ministers including the health minister na nasa video.

Though pwede sibakin ang prime minister once nag shift na ang majority within the parliament. Another advantage is mas madali gumawa ng batas kasi wala ng veto power ang head of the state (president, queen, king).

Si GMA nag ambition na last time ng ganitong gov't pero di ganoon kadali isulong kasi may disadvantages din.

Kaya ako payag ako maging parliamentary basta si Queen Elizabeth II ang head of state naten tulad ng Canada, UK, Australia, at iba pang mayayamang bansa.
😅
 
"Oo nga the opposition can question directly but who are they (the minority). Wala pa din sila voice kasi ang nagpapatakbo ng parliament is the majority."

Yung pag-question na nga nila directly sa ruling coalition ang voice nila eh. Sasagutin rin sila agad during inquiry sa Parliament. Kumpara mo naman sa sitwasyon ngayon na kailangan pa magpa-Senate o House hearing in aid of legislation kuno. Yung ginagawa rin ng ibang senador at congressmen nagsasalita lang sa media kapag mambabatikos. Sa Parliamentary system regular na may mga question hours para dun sila magsagutan sa mga issues at malalaman agad ng tao ang sagot directly sa Prime Minister o ministers niya. Mas may transparency at accountability

"Si GMA nag ambition na last time ng ganitong gov't pero di ganoon kadali isulong kasi may disadvantages din."

Si FVR din dati at pati si Duterte nung simula ng term niya nag-attempt rin ng charter change. Mahirap talaga magpalit ng current Constitution natin ngayon kung walang overwhelming support ng tao. Kaya nahirapan si GMA noon sobrang unpopular niya.

Excited ako ngayon kasi mukhang magkakaroon ng overwhelming support sa magiging presidente at mga kakampi niya sa Congress. Magandang timing yung simula ng term nila para i-amend o totally baguhin na yung 1986 Constitution.

"Kaya ako payag ako maging parliamentary basta si Queen Elizabeth II ang head of state naten tulad ng Canada, UK, Australia, at iba pang mayayamang bansa.
😅"


Pwede naman magkaroon ng titular President parang sa Germany, India at Singapore. Sa France ang presidente yata nila humahawak sa foreign affairs. Yung Malaysia may rotation ng mga Sultan ng mga tribo dun para sa head of state. Depende iyan kung anong setup mangyayari kung magkaroon ng pagbabago sa form of government.
 
Sa Parliamentary system regular na may mga question hours para dun sila magsagutan sa mga issues at malalaman agad ng tao ang sagot directly sa Prime Minister
eto din isang advantage ng parliament kasi pwede agad sibakin ang prime minister once hindi niya na ma-maintain ang trust ng tao sa government since he/she's only elected to a legislative seat but only appointed to the prime minister seat

pero yun nga eh meron mga rich countries for both republic and paliamentary system, consider natin US at UK pareho sila mayayaman

siguro mas madali pa isulong yung federal republic ni duterte basta selected regions lang muna ang mag sarili kasi federalism is existing na sa kanila like in cebu island the city is no longer controlled by the governor, highly urbanized cities are already independent from the provincial government, kailangan nalang natin sagadin na maging independent na din from national government
 
eto din isang advantage ng parliament kasi pwede agad sibakin ang prime minister once hindi niya na ma-maintain ang trust ng tao sa government since he/she's only elected to a legislative seat but only appointed to the prime minister seat

pero yun nga eh meron mga rich countries for both republic and paliamentary system, consider natin US at UK pareho sila mayayaman

siguro mas madali pa isulong yung federal republic ni duterte basta selected regions lang muna ang mag sarili kasi federalism is existing na sa kanila like in cebu island the city is no longer controlled by the governor, highly urbanized cities are already independent from the provincial government, kailangan nalang natin sagadin na maging independent na din from national government
Yes yes. At least kahit yung federalism lang muna yung ma-realize. Ganda ng pinapakita ng BARMM na pwedeng example ng regional federal government. Sana mapag-usapan na ng mas pormal yung charter change after elections.
 

Similar threads

Back
Top