What's new

Gusto mo pumunta sa langit pero takot kang mamatay? What's your thought?

Cerebellum

Established
Joined
Oct 31, 2021
Posts
454
Reaction
233
Sabi sa isang kanta ni Marlon Peroramas, also known as, Loonie, in their song HIRAM, sinabi ng liriko:

"Subalit aking napuna, ang gusto ng karamihan ay sa langit mapunta, ngunit bakit walang nais mauna?"

Halos lahat ng relihiyon, though hindi naman lahat, eh nagtuturo na kapag namatay tayo na mabait tayo or mabuti, eh sa langit daw ang punta natin. May iba namang nagsasabi na basta magsisi tayo sa mga kasalanan natin, pag namatay tayo, makakasama na natin ang Diyos.

Napapaisip lang din ako, kung lahat ng mga relihiyong iyan ay sa langit pupunta, kahit iba-iba sila ng religion, ano ng gagawin ng Diyos sa lupang nilikha Niya kapag wala ng tao dito sa lupa? Kasi lahat nasa langit na eh .. Sisirain na Niya? Ano ba yung Diyos, walang permanent na layunin sa lupa? Hmmm .. Kumbaga, temporary place lang yung Earth? 🤔

Anong opinyon ninyo tungkol sa bagay na ito?

Hindi ako makikipag-argue sa inyo. Busy akong tao. May time lang talaga ako ngayon para magpost ng mga thread dito sa phcorner. HAHAHAHAHAHA !

Maybe I'm just a thoughtful person pagdating sa ganitong mga paksa.
 
Wuff

Elite
Kumbaga darating ang paghuhukom at pag natapos na, etong earth ay masusunog ng buo at gagawa ulit si God ng bagong earth kung saan ay may eternal life, ang mga karapat dapat
 
Halos lahat ng relihiyon, though hindi naman lahat, eh nagtuturo na kapag namatay tayo na mabait tayo or mabuti, eh sa langit daw ang punta natin. May iba namang nagsasabi na basta magsisi tayo sa mga kasalanan natin, pag namatay tayo, makakasama na natin ang Diyos.

biblically, pag namatay ang isang tao, mamatay rin ang kaluluwa nya then ang Espirito ay babalik sa Diyos Ecles. 12:7, MB. Ezek. 18:4

kung saan inilibing ang isang patay, mananatili sya doon sa libingan (kaya hindi totoo ang mga multo) hindi rin totoo na kapag namatay ang tao ay hahatulan ito [pag mabait, rekta sa langit, pag masama, rekta sa impyerno, pag alanganin naman sa Purgatoryo] hindi totoo ang purgatoryo sapagkat wala ito sa biblia)
Mat. 25:31-34,41

? Ano ba yung Diyos, walang permanent na layunin sa lupa? Hmmm .. Kumbaga, temporary place lang yung Earth? 🤔
Yes, Temporary lang po ang lahat rito sa mundo. wawakasan nya ang mundo dahil ito ay itinakda sa apoy
2 Pedro 3:10,7
 
Lahat naman gusto mapunta sa langit eh yung gusto mauna?
Duh! Syempre may mga pangarap ka pang gustong makamit .ano ba purpose mo dito sa earth mamatay agad syempre i enjoy mo muna yung buhay mo bago ka mamatay
 
May punto. Ok. Thank you po sa kasagutan.
 
Asherah Goddess

Established
Ang pagkakaintindi ko ay extremely attach ang mga tao sa concrete world so kahit sabihin natin na ang mga tao ay gusto pumunta sa langit pero ayaw nais mauna, hindi priority ng mga tao ang unahin makarating sa langit. Diba? Mas maraming ipinagkakaabalahan ang mga tao dito sa lupa katulad ng kailangan magtrabaho upang kumita ng pera, kailangan makasama ang mahal sa buhay, ano pa? Kung baga mas nagpapakasarap ang mga tao sa earth na kahit alam nila na mahirap din mabuhay at hindi maisip ng mga tao na ang langit ay ma sarap at panghabang buhay. Dagdag ay hindi pa ready ang mga tao dahil alam nila sa sarili na meron pang unfinished business sa lupa at ang ibang tao ay alam nila na meron sila kasalanan kaya hindi pa sila handa mauna sa langit.

Ang alam ko na tao na gusto pumunta sa langit at gusto mauna talaga ay ang mga taong sobra maka Diyos na hindi attach sa concrete world. Tipong wala sila iniisip kungdi ang pananampalataya at paniniwala nila sa Diyos na kahit ultimong mahal sa buhay at kung ano man na nasa earth ay meron abilidad iwan ito.

Iyon ang alam ko na ready na makarating at mauna sa langit. Hindi sila natatakot malamang.

But ang comedy nga lang minsan na ang gusto makarating at mauna sa langit ay iyon ang hindi pa mamatay-matay. O-ha? Mas humahaba pa ang buhay. Haha 😅
 
Last edited:

Hahahahaha .. Okay okay .. Alright .. Hahhahahaha
 
Katipunero-

Honorary Poster
biblically, pag namatay ang isang tao, mamatay rin ang kaluluwa nya then ang Espirito ay babalik sa Diyos Ecles. 12:7, MB. Ezek. 18:4
You don't take those verses literally.

YOU ONLY DIE ONCE​

Ezek. 18:4
Behold, all souls are mine; the soul of the father as well as the soul of the son is mine: the soul who sins shall die.

Hindi po namamatay ang kaluluwa. Kapag namatay ang isang tao PHYSICALLY, humihiwalay ang Spiritual dito para mapunta sa tinatawag na Sheol or Hades (Luke 16:19-26).
Yung context po about sa Death na tinutukoy dyan sa Ezekiel ay kung namamana ba ng anak ang kasalanan from magulang or vice-versa so mahinang argumento sya kung gagamitin mo about sa DEATH.

kung saan inilibing ang isang patay, mananatili sya doon sa libingan (kaya hindi totoo ang mga multo) hindi rin totoo na kapag namatay ang tao ay hahatulan ito [pag mabait, rekta sa langit, pag masama, rekta sa impyerno, pag alanganin naman sa Purgatoryo] hindi totoo ang purgatoryo sapagkat wala ito sa biblia)
Mat. 25:31-34,41

So dito kinontra mo yung sinabi mo sa unang paragraph (which is mali din) na pupunta kay Lord yung soul kasi mag-stay ang soul sa libingan?

Mat. 25:31-34 talks about Judgement and the return of Jesus on earth with His angels as the King and the Judge.
 
mturaji

Established
Nice question! Eto po ang sagot ko...yung word na GUSTONG PUMUNTA SA LANGIT..sila po ang tunay na religious. Opkors yung gumagawa ng mga masasama...kahit alam nila na masama..tapos ginagawa parin nila...eh sila yung may ayaw pumunta sa langit. NOW...pero TAKOT MAMATAY...ganito yan..yung mga religious..naniniwala sila sa DESTINTY ng kamatayan nila.hindi sila takot mamatay.handa nila harapin at tanggapin ang kanilang hangganan dito sa mundo.opkors naman..God made us brain para sa tamang pag-iisip atska kumpletong katawan...alangan naman hindi ka aalis kung malapit ang sunog sa inyo.sana po nagets nyo.
 
Cerebellum
opo temporary lang kaya nga lahat ng tao may destination yun ang kamatayan lahat may hangganan

eh tanong ko lang din ts anu purpose ng thread na to? hindi naman debate no siguro entertainment lang n?

Nice question! Eto po ang sagot ko...yung word na GUSTONG PUMUNTA SA LANGIT..sila po ang tunay na religious. Opkors yung gumagawa ng mga masasama...kahit alam nila na masama..tapos ginagawa parin nila...eh sila yung may ayaw pumunta sa langit. NOW...pero TAKOT MAMATAY...ganito yan..yung mga religious..naniniwala sila sa DESTINTY ng kamatayan nila.hindi sila takot mamatay.handa nila harapin at tanggapin ang kanilang hangganan dito sa mundo.opkors naman..God made us brain para sa tamang pag-iisip atska kumpletong katawan...alangan naman hindi ka aalis kung malapit ang sunog sa inyo.sana po nagets nyo.
tanong ko lang po kuya sure po ba sila na hindi sila takot mamatay? alam na po ba talaga nila yung sakit?
 
Last edited:
Top