What's new

Tutorial Gusto mo na ba mag Quit sa Gaming World?

Curiosi Ty

Forum Guru
Joined
Dec 30, 2017
Posts
3,088
Reaction
7,333
Points
1,455
Dahil pumasok ka sa Thread na ito, interested ka.
Kung alam mo sa sarili mo na hindi na tama at unti-unti ka na nilalamon ng sistema at hindi na pang past time ang paglalaro mo. Bibigyan kita ng ilang Tips para unti-unti mo layuan ang paglalaro.

Wala ng paligoy-ligoy pa

Tip #1: Maghanap ng bagay o gawain na pwede mo paglaanan ng oras kumbaga investment ng time and knowledge for your future.

Tip #2: Maglaro ng offline games yung tipong pang bata, pag medyo alam mong hindi mo nanaman mapigilan sarili mo, humanap ka ng modded na games, yung mga modded na games ito yung magsisilbing "Atsara" sa paglalaro mo. Unti-unti ka mauumay sa nilalaro mo kasi mawawala yung thrill na hinahanap mo sa nilalaro mo before.

Tip #3: Ang pinaka effective na paraan para sa akin, isipin mo yung future mo, makunsensya ka sa hinaharap na pupuntahan mo kung patuloy mo parin gagawin ang bagay na ito. Hindi na tayo bata, unti-unti na tayong patungo sa pagtanda.

Yun lamang po marming Salamat.
Nawa'y mag silbing gabay ito sa mga taong hinahanap ang kanilang sarili sa paglalaro.


Lahat ng sobra ay masama.
Ingat po sa ating lahat.
Nicolotesla
01/04/21​
 
Madali lang po talaga 'yan pero kailangan nila po kasi ng gabay at pang unawa para malaman nila kung ano ginagawa nila.
 
200.gif
 

Attachments

Realtalk to paps halos lahat yan ginagawa or iniisip ko, lalo na yung #3 like paano na sarili ko kung puro laro nalang inaatupag... Hayss
 
Last edited:
sakin din mahilig din ako maglaro. pero sa tingin ko hindi ko na tatanggalin to hanggang sa pagtanda ko. kailangan lang naman ibalance yung mga bagay bagay
 
Gr. 7 to Gr. 10 adik na adik ako sa mga online games mapa pc or mobile........Gr. 9 to gr. 10 panahong batak na batak ako sa ml walang tulugan😂😂......ngayong gr.11 nako bigla na lang nawala pag-kaadik ko sa mga laro ewan ko na lang kung bakit😂.........tama yung #3 habang tumatanda ka maiisip mo yung future mo kaya bigla ka na lang mawawalan ng gana sa mga games.......from my own experience hehe
 
Ako nag quit na lang kasi nakakaumay na yung mga cancer. Kahit saang mobile game moba madami na sila, hindi tulad ng dati na konti pa lang ang nakakapaglaro. 😂
 
[XX='Dattebayo, c: 643621, m: 982637'][/XX] yun na nga ginagwa ko minsan after 4 games nawawala na gana ko tapos napapaisip ako ano bang klaseng buhay to kuntento na ba ako sa ganito . araw.x tanong lage sa sarili haha
 

Similar threads

Back
Top