What's new

Tutorial Gusto mo ba magkakaroon ng Sapat na Tulog? Alamin kung paano.

IM Smash

Eternal Poster
Established
Joined
Jul 9, 2016
Posts
1,019
Reaction
309
Points
334

Bakit kailangan mong matulog?​

Ayon sa mga eksperto, karamihan sa mga tin-edyer ay nangangailangan ng 8 hanggang 10 oras na tulog gabi-gabi. Bakit mahalaga ang sapat na tulog?
  • Tumutulong ito para maging matalas ang isip mo. Ang pagtulog ay tinatawag na “pagkain ng utak.” Tutulong ito para maging mahusay ka sa paaralan, sa sports, at sa paglutas ng mga problema.
  • Tumutulong ito para gumanda ang iyong disposisyon at mood. Ang mga taong kulang sa tulog ay mas malamang na maging sumpungin, malungkot o madepres, at mahirapang makisama sa iba.
  • Tumutulong ito para maging mas maingat ka sa pagmamaneho. Ipinapakita ng pag-aaral sa United States na ang mga drayber na edad 16 hanggang 24 ay “halos dalawang beses na mas malamang na inaantok sa panahong nabangga sila” kung ikukumpara sa mga drayber na edad 40 hanggang 59.
  • Tumutulong ito para maging mas malusog ka. Nakakatulong ang pagtulog para mapanatili at maayos ng katawan mo ang mga selula, tisyu, at mga ugat. Liliit din ang tsansa mong tumaba nang husto, magka-diabetes, at ma-stroke.

Read More at You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

 

Similar threads

Back
Top