What's new

Help Gusto kong mag aral ulit. Pero di ko alam kung paano.

sunheepark

Addict
Joined
Apr 23, 2017
Posts
38
Reaction
9
Points
72
Graduate ako ng High school. Yung last batch bago mag k12. Ang case ko is nag take ako ng entrance exam sa university tapos nakapasa ako. na submit ko na lahat ung requirements ko pero nung magbabayad na ng tution fee is bigla akong umatras kasi kulang yung pera ko. Yung dala kong 5k na akala ko pwedeng pang down ay kulang pala. sobrang sungit pa nung nasa counter kaya di ko alam sasabihin ko. laking paghihinayang ko kasi gusto ko talaga makapag aral that time. kaso lang hindi natuloy kaya nag work nalang ako.
Ngayon gusto ko sana ulit mag aral kaso di ko alam kung paano mag umpisa.
Need ko ba ulit kunin yung school card ko sa dati kong school? or pupuntahan ko yung university na pinagpasahan ko nun tas dun ko kunin? or pwede kunin online? pls guys help me kasi diba sobrang tagal na. at nandun din ung takot sa sarili ko na mag umpisa ulit. kasi sabi nga nila once na nagka trabaho kana at nakahawak kana ng sariling pera ay di mo na maiisip mag aral ulit.
Need ko ba mag k12? or college na? kasi graduate ako last batch ng highschool.

Sana may makasagot. Need ko lang talaga kung ano dapat kung gawin. Pls respect guys.
Gusto ko lang po ulit talaga bumalik sa pag aaral. 😢
 
i'm not sure. pero tapos na ang old curriculum sa mga colleges.
mas mabuti na tanong nalang sa dating high school at mag request kana rin ng documents. mas alam nila ang sagot jan.
 
Try ETEEAP program. Design siya para sa mga nag work na ng matagal. Week ends lang pasok for 1 year meron ka ng bachelor's degree
 
inquire mo sa school registrar nang current school na natitipuhan mobg pag enrollan and ask them about your current status since batch 2014 ka pala and di ka nakapasok sa old curiculum classes dahil umatras ka kaya possible makapag enroll ka under new curiculum and in my opinion don ka mag enroll sa school na makakaya mo para di ka mahirapan and at the same time andon rin course na gusto mo also during inquiry ask them about scholarship program na pwede ka nilamg maipasok para mas makaless ka pa at the same time☺️
 
state university ka paps no tuition fee pilitin mo makapasok dun then mag apply ka sa mga scholarships para may pang gastos ka din sa mga pangangailangan mo sa school or part time jan( di ko nirerecomend kasi mahirap din talaga mag college) based on my exp graduate sa state u kaya naman ma sustain ng scholarship yung buong pag aaral ng college basta tipid tipid lang.
 
Same case pero Yung akin pumasok pa Ako sa school pero mga 3 weeks lang guru, .. then di na Ako pumasok.. pero this Opening gusto ko mag aral ulet .. need ko din ba bumalik sa K-12? Or need ko lang bayaran Yung mga credentials ko para Maka enroll again
 
Same case pero Yung akin pumasok pa Ako sa school pero mga 3 weeks lang guru, .. then di na Ako pumasok.. pero this Opening gusto ko mag aral ulet .. need ko din ba bumalik sa K-12? Or need ko lang bayaran Yung mga credentials ko para Maka enroll again
Kung graduate kana sa SHS 'di kana babalik syempre, kelangan mo lang bayaran yung sa previous school kung saan ka nag drop
 
Di Po Ako nag SHS .. pagka graduate ko ng High school,college Po agad Ako. The. Nag stop.. 2014 Po yun..
Ngayon ko sana gustong mag aral ulet.
 
Di Po Ako nag SHS .. pagka graduate ko ng High school,college Po agad Ako. The. Nag stop.. 2014 Po yun..
Ngayon ko sana gustong mag aral ulet.
Ah ganun ba, sa case mo siguro babalik ka sa 1st yr. college under new curriculum na. Wala na kasing old curriculum ngayon dahil ended na. Better ask mo ang registrar's office kung san ka last nag enroll at kung san naka submit yung mga credentials mo.
 
Last edited:
Back
Top