What's new

Closed Gusto Ko Nang Mamatay—Matutulungan Ba Ako ng Bibliya Kapag Naiisip Ko Ito?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
1599793787767.png


Ang sagot ng Bibliya
Oo! Ang Bibliya ay galing sa “Diyos, na umaaliw sa mga nalulungkot.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kahit ang Bibliya ay hindi isang aklat para sa kalusugang pangkaisipan, marami itong natulungan na mapaglabanan ang pagnanais na magpakamatay. Matutulungan ka rin ng praktikal na payo nito.
Anong praktikal na payo ang ibinibigay ng Bibliya?
  • Sabihin ang nararamdaman mo.
    Ang sabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Kailangan natin ang suporta ng iba kapag naghihirap ang ating kalooban.
    Lalo ka lang mabibigatan kung sasarilinin mo ang nararamdaman mo. Pero kung sasabihin mo ito sa iba, gagaan ang pakiramdam mo at puwedeng maging positibo ang pananaw mo.
    502019178_univ_cnt_1_lg.jpg
    Subukan ito: Makipag-usap ka ngayon sa isang kapamilya o sa mapagkakatiwalaang kaibigan mo. You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. Puwede mo ring isulat ang nararamdaman mo.
  • Magpatingin sa doktor.
    Ang sabi ng Bibliya: “Ang malulusog ay hindi nangangailangan ng manggagamot, kundi ang mga maysakit.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Dapat tayong magpatingin sa doktor kapag may sakit tayo.
    Posibleng sintomas ng mental o emosyonal na karamdaman ang pag-iisip na magpakamatay. Tulad ng ibang sakit, hindi mo ito dapat ikahiya. Nagagamot ang mental o emosyonal na karamdaman.
    Subukan ito: Magpatingin agad sa kuwalipikadong doktor.
  • Tandaang nagmamalasakit ang Diyos.
    Ang sabi ng Bibliya: “Hindi ba ang limang maya ay ipinagbibili sa dalawang barya na maliit ang halaga? Pero walang isa man sa mga ito ang nalilimutan ng Diyos. . . . Huwag kayong matakot; mas mahalaga kayo kaysa sa maraming maya.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Mahalaga ka sa Diyos.
    Baka nadarama mong nag-iisa ka, pero nakikita ng Diyos ang pinagdaraanan mo. Nagmamalasakit siya sa iyo—kahit wala ka nang ganang mabuhay. “Ang pusong wasak at durog, O Diyos, ay hindi mo itatakwil,” ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Gusto ng Diyos na mabuhay ka dahil mahal ka niya.
    Subukan ito: Suriin sa Bibliya ang katibayan na talagang mahal ka ng Diyos. Halimbawa, tingnan ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng pantulong sa pag-aaral sa Bibliya na Maging Malapít kay Jehova.
  • Manalangin sa Diyos.
    Ang sabi ng Bibliya: “[Ihagis] ninyo sa [Diyos] ang lahat ng inyong álalahanín, dahil nagmamalasakit siya sa inyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Inaanyayahan ka ng Diyos na ipagtapat sa kaniya ang anumang ikinababahala mo.
    Bibigyan ka ng Diyos ng kapayapaan ng isip at ng lakas para magpatuloy sa buhay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Aalalayan niya ang mga humihingi sa kaniya ng tulong sa panalangin.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    502019178_univ_cnt_2_lg.jpg
    Subukan ito: Manalangin ka ngayon sa Diyos. Gamitin mo ang pangalan niya, You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., at sabihin ang iyong nararamdaman. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hilingin sa kaniya na tulungan kang makapagtiis.
  • Bulay-bulayin ang pag-asang sinasabi ng Bibliya para sa hinaharap.
    Ang sabi ng Bibliya: “Ang pag-asa nating ito ay nagsisilbing angkla ng buhay natin; ito ay tiyak at matatag.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Gaya ng barkong taas-baba sa malalaking alon ng dagat, baka pabago-bago rin ang emosyon mo. Pero tutulungan kang maging matatag ng pag-asang nasa Bibliya.
    Ang pag-asang ito ay hindi kathang-isip lang. Nakabatay ito sa pangako ng Diyos na aalisin niya ang mga dahilan ng pagdurusa.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Subukan ito: Basahin ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. ng brosyur na Magandang Balita Mula sa Diyos! para matuto pa nang higit tungkol sa pag-asang sinasabi ng Bibliya.
  • Gawin ang mga bagay na nae-enjoy mo.
    Ang sabi ng Bibliya: “Ang masayang puso ay mabisang gamot.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Kapag masaya tayo sa ginagawa natin, malamang na bubuti ang ating mental o emosyonal na kalagayan.
    502019178_univ_cnt_3_lg.jpg
    Subukan ito: Gawin ang mga bagay na nagpapasaya sa iyo. Halimbawa, makinig ng masayang musika, magbasa ng mga bagay na nakakapagpatibay, o magkaroon ng hobby. Sasaya ka rin kung tutulong ka sa iba, kahit sa simpleng paraan.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Ingatan ang iyong kalusugan.
    Ang sabi ng Bibliya: “May . . . pakinabang sa pisikal na pagsasanay.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Makikinabang tayo sa pag-eehersisyo, sapat na tulog, at masusustansiyang pagkain.
    Subukan ito: Maglakad-lakad nang kahit 15 minuto lang.
  • Tandaan na nagbabago ang mga bagay-bagay, pati na ang nadarama natin.
    Ang sabi ng Bibliya: “Hindi ninyo alam ang magiging buhay ninyo bukas.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    Ibig sabihin: Pansamantala lang ang mga problema—kahit ang inaakala nating wala nang solusyon.
    Gaano man kadilim sa tingin mo ang sitwasyon mo ngayon, puwede itong magbago kinabukasan. Kaya gumawa ng paraan para makayanan ito. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Malamang na magbago ang sitwasyon mo, pero kapag nagpakamatay ka, tapos na ang lahat.
    Subukan ito: Magbasa ng mga ulat sa Bibliya tungkol sa mga pinanghinaan ng loob at gusto nang mamatay. Tingnan kung paano unti-unting bumuti ang kalagayan nila—madalas sa paraang hindi nila inaasahan. Isaalang-alang ang ilang halimbawa.
May sinasabi ba ang Bibliya tungkol sa mga taong gusto nang mamatay?
Oo. Binabanggit ng Bibliya ang tungkol sa ilan na halos magsabi, “Gusto ko nang mamatay.” Hindi sila sinaway ng Diyos, kundi tinulungan sila. Ganiyan din ang gagawin niya para sa iyo.
Elias
  • Sino siya? Si Elias ay isang matapang na propeta. Pero may panahong pinanghinaan din siya ng loob. “Si Elias ay isang taong may damdaming tulad ng sa atin,” ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Bakit gusto na niyang mamatay? Minsan, nakadama si Elias ng takot, na siya’y walang halaga, at nag-iisa. Kaya nagsumamo siya: “Jehova, kunin mo na ang buhay ko.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Ano ang nakatulong sa kaniya? Ibinuhos ni Elias sa Diyos ang nararamdaman niya. Paano siya pinatibay ng Diyos? Ipinakita ng Diyos ang kaniyang pagmamalasakit at kapangyarihan. Tiniyak niya na mahalaga pa rin si Elias at binigyan siya ng mapagmalasakit at may-kakayahang kasama.
  • Basahin ang tungkol kay Elias: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Job
  • Sino siya? Si Job ay mayaman at may malaking pamilya. Tapat siyang mananamba ng tunay na Diyos.
  • Bakit gusto na niyang mamatay? Biglang-bigla, dumanas siya ng sunod-sunod na trahedya. Nawala ang lahat ng pag-aari niya. Namatay sa sakuna ang lahat ng anak niya. Pinahirapan siya ng malubhang sakit. At panghuli, inakusahan siya na kagagawan niya ang mga nangyayari sa kaniya. Sinabi ni Job: “Kinamumuhian ko ang buhay ko; ayoko nang mabuhay pa.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Ano ang nakatulong sa kaniya? Nanalangin si Job sa Diyos at nakipag-usap siya sa iba. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Pinatibay siya ng mabait niyang kaibigan, si Elihu, na tumulong sa kaniya na maituwid ang kaniyang pananaw. Higit sa lahat, tinanggap ni Job ang payo at tulong ng Diyos.
  • Basahin ang tungkol kay Job: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Moises
  • Sino siya? Si Moises ay lider ng sinaunang Israel at isang tapat na propeta.
  • Bakit gusto na niyang mamatay? Mabigat ang pananagutan ni Moises, lagi siyang pinupuna, at pagod na pagod na siya. Kaya dumaing siya sa Diyos: “Patayin mo na ako ngayon.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • Ano ang nakatulong sa kaniya? Sinabi ni Moises sa Diyos ang nararamdaman niya. Pinagaan ng Diyos ang trabaho ni Moises para mabawasan ang kaniyang alálahanín.
  • Basahin ang tungkol kay Moises: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Anong mga teksto sa Bibliya ang tutulong sa iyo na mapaglabanan ang pagnanais na magpakamatay?
Mga tekstong nagpapakitang nagmamalasakit ang Diyos sa iyo:
  • “Si Jehova ay malapit sa mga may pusong nasasaktan; inililigtas niya ang mga nasisiraan ng loob.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Noong maraming gumugulo sa isip ko, pinayapa mo ang kalooban ko at pinaginhawa mo ako.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    (Tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..)
Mga tekstong nagpapakitang naiintindihan ng Diyos ang kirot na nararamdaman mo:
  • “Nakita mo ang pagdurusa ko; alam mo ang paghihirap ng kalooban ko.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Sa lahat ng paghihirap nila ay nahihirapan siya. . . . Dahil sa pag-ibig at habag niya . . . binuhat niya sila.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Mga tekstong nagpapakitang gusto ng Diyos na mapalapít ka sa kaniya at ibuhos sa panalangin ang iyong niloloob:
  • “Huwag kayong mag-alala sa anumang bagay; sa halip, ipaalám ninyo sa Diyos ang lahat ng pakiusap ninyo . . . at ang kapayapaan ng Diyos na nakahihigit sa lahat ng kaisipan ang magbabantay sa inyong puso at isip.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Lumapit kayo sa Diyos, at lalapit siya sa inyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    (Tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..)
Mga tekstong nagpapakitang palalakasin ka ng Diyos:
  • “May lakas akong harapin ang anumang bagay dahil sa kaniya na nagbibigay ng kapangyarihan sa akin.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
  • “Huwag kang matakot, dahil kasama mo ako. Huwag kang mag-alala, dahil ako ang Diyos mo. Papatibayin kita, oo, tutulungan kita.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
    (Tingnan din ang You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..)
Paano kung sabihin ng kaibigan mo, “Gusto ko nang mamatay”?
  • Huwag itong bale-walain. Himukin ang kaibigan mo na magsabi ng kaniyang nararamdaman. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kapag naikukuwento ng isa na gusto niyang magpakamatay, mas malamang na hindi niya ituloy iyon.
  • Makinig nang may empatiya. “Maging mabilis sa pakikinig, mabagal sa pagsasalita.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Tandaan na puwedeng ‘magpadalos-dalos sa pagsasalita’ ang isang nadedepres, kaya unawain siya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya huwag mag-overreact o magdamdam kapag may nasabi siyang masakit o hindi maganda.
  • Maging nakakapagpatibay. Pinapayuhan tayo ng Bibliya: “Patibayin ang mga pinanghihinaan ng loob.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Huwag iparamdam sa kaibigan mo na hindi makatuwiran ang nararamdaman niya. Igalang ang damdamin niya at kung bakit ganoon ang nararamdaman niya. Sabihing nagmamalasakit ka sa kaniya.
  • Hikayatin siyang humingi ng tulong. “Ang marurunong ay humihingi ng payo,” ang sabi ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.. Kung may malubhang sakit ang kaibigan mo, pipilitin mo siyang magpatingin sa doktor. Ang pagnanais na magpakamatay ay maaaring sintomas ng mental o emosyonal na karamdaman, kaya sabihan mo siyang magpatingin sa doktor. Puwede mo pa nga siyang samahan.
  • Magpakita ng pag-ibig. Sinasabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang kapatid na maaasahan kapag may problema.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Hindi mo maaalis ang problema ng kaibigan mo o ang pagnanais niyang magpakamatay. Pero kung titiyakin mo sa kaniya na mahal mo siya at gusto mo siyang alalayan, matutulungan mo siyang makayanan ang isang araw sa buhay niya—at baka mas gumanda na ang mga susunod na araw.
Paano kung nagtangka akong magpakamatay noon?
Normal lang na makonsensiya ka o mahiya dahil dito. Baka iniisip mo rin na walang nakakaintindi kung bakit ka nagtangkang magpakamatay o sa bigat ng pinagdaraanan mo.
Kinikilala ng Bibliya na hindi talaga natin lubusang maiintindihan ang damdamin ng iba. “Ang puso ang nakaaalam ng sarili nitong kirot,” ang sabi ng Bibliya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kaya kahit pinapatibay ka ng mga mahal mo sa buhay, limitado lang ang magagawa nila. Pero makakatiyak ka na hindi ka nag-iisa.
Alam ng Diyos ang nasa puso ng tao.
(You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alam ni Jehova kung bakit mo inakalang pagpapakamatay lang ang solusyon sa problema mo. Naiintindihan din niya ang nadarama mo—na baka nakokonsensiya ka o nahihiya, gaya ng nabanggit na.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
Mataas ang pagpapahalaga ng Diyos sa buhay, pero handa siyang patawarin ang isa na nagtangkang magpakamatay. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Alam niya na marami sa mga ito ang hindi naman talaga gustong mamatay—gusto lang nilang wakasan ang paghihirap nila. Kaya kahit hatulan tayo ng ating puso, matutulungan tayo ni Jehova, dahil “ang Diyos ay mas dakila kaysa sa puso natin at alam niya ang lahat ng bagay.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Oo, gusto niyang maging “Ama na magiliw at maawain” para sa iyo at maging “Diyos na nagbibigay ng kaaliwan.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..
 

Attachments

Status
Not open for further replies.
Back
Top