What's new

Gusto ko lang malaman mga advice nyo.

T O J i

Nöté Deóbfuscâte♎
Elite
Joined
Jul 21, 2016
Posts
11,659
Solutions
8
Reaction
45,989
Points
7,772
May kapatid kasi ako sa Ama bali 7 kasama na ko, Ganito kasi yan Maaga sila nagsiasawahan at nagkapamilya bali si papa sa mga pagkakataon na yun wala ng kinakasama si papa kasi yung asawa niya sumama na sa iba. tapos si papa naman medyo kaedaran na rin nagkaroon pa ng pangalawang asawa tapos ako naging anak tuwing wala akong trabaho tinatrato nila ako ng iba parang dinadown ba na dapat si papa wag na nagtrabaho kasi may edad na tama naman sila pero kapag may trabaho ako tapos di sila binabigyan trato sakin mayabang daw.

Napapaisip tuloy ako bakit noong nasa edad ko sila hindi nila naisip yun? Kanya kanya silang asawahan wala man lang pasabi kay papa, Nag abroad nipiso hindi nakatikim si papa (Hindi pa ko buhay noon kwento lang sakin ito ni papa) tapos pati yung pamilya ng pamangkin ko hinihimasok kaya umalis tuloy sila dun sa tinitirahan nila.

Nakitira na rin ako sa bahay ng ate ko gusto nya sunod sunoran ako sa mga utos niya parang boy kumbaga maya maya utos tapos may kasama ka pa na walang pakialam marami kayo kunti lang nagalaw nakahiga pa pero ayos lang sakin yun ayun yung kahit nandoon ako hindi man lang niya sabihin na dapat tulungan mo si papa natutuwa pa siya kasi siya nakikinabang sakin eh kaya nga simula noon tinamad na ko, nung nandito na ko kina papa ayun todo concern siya na dapat ganun ganun si papa hindi na nagtatrabaho btw tinutulungan ko tatay ko ah sa trabaho niya
 
Last edited by a moderator:
Kaya mo yan lods tulungan mo ang papa mo hanggat kaya mo at hanggat nandyan pa sya .. wag mo isipin ang sinasabi ng mga kapatid mo sayo ang mahalaga nakakatulong ka sa papa mo .. ako nga maaga nawalan ng ama .. pero ngayon nag pipilit ako mag trabaho di lang matanggap sa ngayon kasi 20 palang ako bawal pa ang 20 dahil ng pandemic .. nung trabaho ko nung nakaraan ay halos 2 Weeks lang ako kasi nalaman nila ang edad ko .. basta lods tulungan mo lang papa mo 😘
 
Yan ang mahirap sa tinatawag na Blended family :) Respect should be given not just based on age, but also based on the fact that you are all family members now. Members of your blended family may be at various life stages and have different needs (teens versus toddlers or gaya ng kalagayan mo now na may asawa na yung mga unang anak sa unang asawa for example). They may also be at different stages in accepting this new family. Family members need to understand and honor those differences. You can’t insist on people liking each other, but you can insist that they treat one another with respect. Gawin mo na lang pang araw-araw na motivation yan para mas umangat ka sa buhay. Pero wag na wag kang mag tatanim ng sama ng loob:) magsumikap ka pa ng husto o sa tamang panahon.
 
That's some real shit going on fam, my advice for you is always stay positive and ignore toxic people even if his/her a member of a family, cause those kind of people thinks that they're always right but aren't, Don't let those people rule you because that's your life. Believe in yourself, trust your judgements, prove that they're wrong and don't make yourself look like a slave and also you gotta prove yourself that you can do sht that will change their perspective on ya. Aight! Just always remember always stay positive at all cost, don't let every negative energy&thoughts rule over you, cause if you do the situation will just be worsen, you feel me? Aight! Hope you'll be better now.
 
Last edited:
Kapag umangat ako di na ko papakita sa kanila. bubuo ako sariling pamilya ko.
 
Ganyan talaga tol ang mga ibang anak kinalilimutan na ang ama or ina nila alang respeto hehehe wag kang mawawalang ng pagasa tol ikaw nalang inaasahan ng tatay mo kaya mo yan surpass your limit right now right here
 
Kaya ko pre kahit hindi ako tinuruan, Kaya ko gampanan lahat ng ginagawa katulad ni papa. Ang problema yung trabaho wala pa ko mahanap ngayon kasi pandemic.
 
[XX='U r e k, c: 279964, m: 573400'][/XX] Wag ganun, kapag umangat ka kung may itutulong ka tulungan mo sila, para mas lalo nila marealize na sa kabila ng lahat ng nagawa nila ay tinutulungan mo pa din sila. Yun ang mas sweet at ok na revenge ;) at mas lalo kang magiging matagumpay
 
Yami be like, Haha Darating din sa point na tatawanan ko na lang yung sitwasyon ko ngayon ksi nalagpasan kona.
 
Ang tatay mo ang nakakakita sa kung sino totoong may malasakit sa pamilya ninyo ts, kaya wala kang dapat na patunayan sa mga kapatid mo, kasi nga alam ng tatay mo ang totoo, huwag ka lang magsawa na makisama ng mabuti ts, sabi nga eh, Ang paggawa ng mabuti ay hindi magdudulot ng masama
 
iba sa sitwasyon mo pero ganyan po talaga mahal ko yung pamilya ko pero may mangingialam na kamaganak, tagal ko na po kinalimutan lahat ng kamaganak ko

ibig sabihin ko lang din po wag mo na lang sila papansinin, pag sa oras kaylangan nila tulong mo hayaan mo sarili mong maging masama katulad ng iniisip nila.
 
Wala paps kumbaga sa tong-its puro butaw napuntang baraha sa 'yo. Basta 'wag ka lang sumuko at unawain mo na lang parents mo. Tuloy mo lang pagsisikap mo. Madiskarte ka naman so sure na aangat pamumuhay mo. JAV lang ng JAV kapag feeling mo down ka na.
 
Gawin mo lang kung ano ang tama,wag kang mag isip ng pagganti sa mga kapatid mo,tandaan mo di naman natutulog ang God,sigurado pagpapalain ka niya kasi mabait kang anak,maging positive ka lang sa kabila ng mga negative na nangyayari at pinapakita sayo,igalang mo parents mo hanggat nandito pa sila sa mundo,kaya mo yan.
 

Similar threads

Back
Top