What's new
  • Welcome to PHCorner Forums. Take a moment to Sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Tutorial GENERAL ANDROID OS INFORMATION

PHC-Noypi

Addict
Joined
Apr 12, 2016
Messages
291
Reaction
121
Share ko lang po ito for new user in Android here in PHC.
Credits goes from PD,Symb,and XDA-Developer Forum.



A n d r o i d
Ito ay isang Mobile Operating System based sa Linux system na dinevelop ng Google. Ang mga mobile devices na meron nito ay smartphones at tablets.
Rooting
Ito ay isang paaran para ma-access ang unix system at makapagbigay ng permiso para ma-access ito upang ma-modify. Katulad sa Windows pc na na maaccess mo ang admin kung saan maaring mo ma-modify ang system information ng computer.
Flashing
Ito ay paraan upang ma-laod o mainstall ang isang OS, Custom ROM, modified application, Kernel at ibang system requirements through Recovery (CWM) and Flashing tools (eh. ODIN, HEIMDALL)
Bootloader
Ito yung code na nagrurun bago magstart ang OS. Parang sa PC meron din bootloader or startup boot. May mga manufacturer na locked ang bootloader tulad sa HTC merong Hboot.

Pagkakaiba ng unlocking bootloader sa rooting:
Ang rooting ay isang proseso upang magbigay ng permiso para i-modify ang system katulad nito ang permiso ng admin sa pc.
Ang pag unlock ng bootloader ay pagpasok sa system ng phone, (hindi mismo ang OS). Bali tinatanggal lang natin ang harang na nilagay ng manufacturer para magalaw ang phone sa anumang kaparaanan. Hindi ka makakapag root o makakapag-flash kung hindi pa unlock ang bootloader.

Ang Samsung ang isa sa mga tanging Android phone na hindi lock ang bootloader.

R O O T I N G
Quote:
Ano ang root? Paano malalaman kung rooted na ang device mo?
Ang root ay parang isang command system na administrator. Ito ang nagbibigay ng permission kung may gagalawin sa system ng Android. In general, dapat may makita ka sa appdrawer na SUPERUSER app.
Ito ang icon ng superuser app:



Paano mo i-root ang phone/tablet? Pwede mo ba magamit yung method ng root ng ibang device?
Iba iba ang paraan ng pagroot sa bawat android devices. Dapat -isearch mo sa google kung ano ang method ng rooting sa device mo.


Masisira o ma bbrick ba ang phone mo pag nag root?

Wala pa naman pong nabrick dahil sa pag root lang. Pero may posibilidad ito kung hindi maayos ang pagkakasunod mo sa instruction ng rooting para dito. Para safe umiwas po sa copy-paste instruction.

Kailangan po ba talaga mag root?
Hindi naman kailangan kung kontento ka na sa performance ng Android phone mo.

Anu-ano po ba magagawa ng root?
Makakapag install ka ng CWM Recovery (see above for more info)
Makakapag install ka ng apps for tweaks.(eg. GPU modding, CPU acceleration, memory boost,camera enhancer, command scripting, theming)
Ma view/modify ang mga system files at magtheme bukod pa sa launcher
Makapag install ng vpn for faster net connection and unlimited bandwith o free net
Mag install ng apps para iextend ang function, tulad ng usb tunneling at iba pang apps na need ng root access(share net)

Paano mo pala i-unroot ang rooted android phone mo?
Alinman sa paraang ito:
-Update ka ng official firmware
-Flash ka ng Stock ROM (hindi stock Kernel) thru ODIN; o
-Gumamit ng one click root. (eg. doomlord's)


B A C K U P & R E S T O R E
Quote:
Ano po ang Nandroid Backup?
Ito ay pag back up ng buong imahe ng iyong phone, kasama na ang system, apps/games, contacts, messages, settings, lahat

Paano po ba makakapunta sa (CWM)
Recovery?

Option 1
1. Open mo ang CWM Manager,
2. Tap Reboot into clockworkmode recovery

Option 2:
1. Turn off mo ang phone.
2. Press volume up + home button + power


Posible po bang makapag backup kahit hindi rooted?
HINDI. Kailangan rooted ang device.

Bakit kailangan mag back up?
Kung sakaling magka problema sa pag flash o sa pagpalit mo ng ROM o para mapa-warranty mo pa ang yung phone, ma rerestore mo orihinal mong ROM.


Ano po ang stock?
Stock = out-of-the-box, original, official.

Paano po ba magrestore (bumalik sa) ng stock ROM.Alinman sa paraang ito:
Mag-flash ng Stock ROM
Mag restore ng backup na stock rom using CWM
Para gawin:
Reboot to Recovery
Select Backup & Restore
Restore
Restore from internal sdcard (hanapin at piliin ang backup file)

MawaWALA po ba sa pagka ROOT pag nagrestore ng Stock ROM?
HINDI mawawala sa pagkaroot KUNG mag rerestore ka sa backup mong stock ROM.
Pero kung magflash ka ng Stock ROM sa nabanggit na paraan, ang root ay mawawala

Ano po ba ang kaibahan ng Nandroid Backup sa Titanium Backup?
Nababackup lahat ng Titanium maliban ang kernel, ROM (OS), modem. Samantalang ang Nandroid backup literal na naback up niya lahat.

Nababack up din po ba ang mga file sa sdcard mo?
Kung ang tinutukoy mo ay backing up gamit ang CWM o TB ang sagot ay HINDI. Kung gusto mo pong iback-up yang mga file na yan, gawa ka ng kopya at ilagay mo sa pc o kahit sa flash drive.

Ano ang mas magandang gamitin?
Mas magandang gamitin ang TB kung magpapalit palit ka ng ROM.
Mas mainam naman gamitin ang Nand Kung sakaling magka problema sa pag flash o sa pagpalit mo ng ROM o para mapa-warranty mo pa ang yung phone.


F L A S H I N G

Quote:
Ano po ba yung flashing?
Basically, para ka na ring nag install. Pero mas angkop ng gamitin ang terminong ito kung nag load ka ng ROM (OS), modified application,Kernel, at firmware.

A History of Android OS Version (update!)
.
.
 

PHC-Noypi

Addict
COMMONLY USED TERMS AND ABBREVIATIONS

adb - Android Debug Bridge, isang paraan upang magbigay ng control o command

ADK - Android Development Kit, isang program upang makabuo tulad ng ROM

BOOT LOOP - estado kung saan hindi ma-open ng tuluyan ang phone/tablet.

BRICK or BRICKED- terminong ginagamit kung saan ang phone ay hindi na gumagana.

BUG OR SOFTWARE BUG-Ito'y di maayos na pag run ng isang application o software dahil sa mali o kulang pag input ng "code" ng developer.

BUSYBOX: tinaguriang "The Swiss Army Knife of Embedded Linux"

CLOCKWORKMOD - isang Recovery program kung saan ginagamit para magback-up/restore ng Stock ROM (OS), mag-flash ng ROM, kernel, modded app at tweaks.

(F)OTA - (Firmware) Over The Air; isang wireless na paraan para makapag update ng Firmware version. Hindi na kailangan ng pc sa pag update.

kernel - Ito ang nagsisilbing tulay sa pagitan ng software at hardware. Sa Android pwede ka magflash ng custom kernel kung saan maaaring maboost ang ram memory, makontrol ang CPU(OC/UC/UV) at iba pang software at hardware functions.

OS: Operating system.

OVERCLOCKING - pagdagdag ng speed ng CPU.

ROM (Read Only Memory - Terminong ginagamit sa Android para sa software/firmware/OS. Nakapa-loob dito ang Kernel, Themes, OS version at modem.


Stock - ibig sabihin ay "out-of-the-box", default.

SU: "Super user", or root permissions

UNDERCLOCKING (UC) - pagbagal ng speed ng CPU upang maka save pa ng battery life.

FILE TYPE

.apk or APK's - ito ay file extension ng Android package. Installer ng application

.sbf: Summation Briefcase File

.tar: Similar to a zip file, dito nakapaloob ang ibat iabng file. Kalimitang gamit sa pagflash sa ODIN. (Phone/Modem, PDA)


FREQUENTLY ASKED QUESTIONS (FAQ)

G E N E R A L
Quote:
Saan nagdodownload ng apps para sa phone/tablet ko?
Sa Market app. Para maopen ito, kelangan may gmail account ka at internet connection ng phone/tablet. Ang mga apps na nandito ay filtered para sa model ng phone/tablet mo.

Wala akong internet sa phone, paano ako makakadownload ng apps?
Pwede ka mag download ng installer (.apk ang file extension) sa computer. Copy mo lang at ilagay sa sdcard mo. Set mo sa Settings-->Applications-->Tick Unknown Sources. Then tap mo lang yung installer na nadownload mo.

Paano ikonek ang phone/tablet ko sa pc?
-Enable usb debugging mode. Settings-->Applications-->Development-->Tick USB debugging . Konek mo gamit usb connector
-Kapag hindi nadetect ang phone mo, mag install ka ng usb driver sa pc. Search mo sa google ang driver para sa device mo.

Paano ko ishare ang internet ng phone ko?
Note: Ang may ganitong feature ay nasa Android 2.2 + (Settings->About Phone).

WIFI HOTSPOT (share internet wirelessly)
1. Make sure may naka naka activate ang 3G/G/H o Data connection mo. Go to Settings-->Wireless and Network-->Mobile Network-->Tick Packet Data.
2. Settings-->Wireless and Network-->Tethering and portable hotspot
3.Tick portable wifi hotspot.

USB TETHERING (gawing modem ang phone/tablet)
1. Follow mo yung 1-2 sa taas.
2. Tick usb tethering
3. Connect mo ang device mo sa pc.
4. Set mo sa pc ang internet connection, select mo ang phone as modem.

Nag upgrade ako ng memory card. Paano ilipat lahat ng apps sa bago kong sdcard?
I-reformat mo ang bagong sdcard sa phone. Sa pc,copy mo lahat ang laman ng LUMA mong sdcard at ilagay sa BAGO mong sdcard.

Gusto ko sana magpalit ng theme. Paano ba?
Maginstall ka ng launcher from market. Pagkatapos search ka rin sa market ng theme para sa launcher na nainstall mo. Pag aralan mo kung paano ang pasikot sikot ng launcher na nainstall mo para maaply ang theme na napili mo. Read instruction sa market.

Paano kumuha ng screenshot para sa phone?
-Press hold down home button (don't release )>>press back >>press power button
-Sa mga naka-Cynogenmod na custom rom, press hold down power button and select screen shot.
-Kung hindi man magawa ang ilanman, pwede kang maginstall ng app tulad ng shootme
 
Comment

Online statistics

Members online
883
Guests online
1,393
Total visitors
2,276

Forum statistics

Threads
810,280
Messages
16,027,509
Members
1,435,267
Top