What's new

Help Gaming Laptop vs Gaming PC

Derpmon

Honorary Poster
Saan mas maganda gaming Laptop or Gaming PC. Ano ba mga titignan pag bibili baguhan kasi ako maganda na ba makukuha kung budget under 50k. Open for suggestions.

Di ko alam kung alin titignan sa mga specs para maganda yung experience sa game.
 
Kung games lang talaga and nasa bahay kalang po, go for PC, ang bibilihin po kasi talaga sa Laptop is yung kanyang portability. tapos po mas makakamura ka pag PC po mas makaka focus ka sa higher specs.
 
gaming desktop/PC mas flexible at easy to upgrade. lalo na kapag mag upgrade ng CPU at GPU unlike sa laptop na naka fixed na yung CPU at GPU.
 
Its like Performance VS Portability lods, Desktop maganda performance pero bulky at hindi madaling dalin sa byahe, Gaming laptop portable, pero hindi kasing kasing hign end ng performance ng desktop. Merong mga Gaming Laptop na beast talaga performance pero yari ka naman sa price. Then mas ready for future upgrades and desktop, upgradable din naman ang laptop pero limited.
 
Sa ngayon 52k budget mas better mag laptop ka na lang like acer nitro 5 11400h 8gb, 512 NVME SSD, 3050 ti 4gb.

Dati dapat sa 50k mas better ang makukuha mo na parts kapag desktop. Ngayon mahal na mga presyo ng video card.

Ngayon ung 42k pa lang i5 11400, 16gb, 144hz monitor, 1TB HDD 256gb SSD wala pang GPU yan. Unless plano mo magdagdag ng video card later.
 
kung 24/7 ka mag lalaro pc ka.. saka yung pc mas madali i upgrade at mas madali ibenta pag hindi mo na need.. base lang sa experience ko.. advantage lang laptop less hassle at pwede kahit san mo dalin..
 
Sa akin lang is much better ang gaming pc, why? kasi pag may nasirang parts sa desktop PC ay madali mo mapalitan ang sira. While sa gaming laptop, madalas nasisira nyan ang GPU. Sa desktop PC naman madali lang mag upgrade in the near future kasi mostly standard ang mga parts nya. Advantage naman sa gaming laptop ay portability. DI ko naman sinasabing hindi portable ang gaming desktop pero bulky at ma-setup siya if needs ilipat ng puwesto. Kung sa pricing naman, depede na yan sa budget mo. Ang gaming laptop kasi mahal, di ko naman sisasabing mahal rin ang gaming desktop pc pero when it comes to chop2x ang pag uusapan, mapapamura ka dun while ang gaming laptop hindi mo ma chop2x. So nasa saiyo pa rin ang desisyon.
 

Similar threads

Back
Top