What's new

Closed Gaano Kalapit sa Iyo ang Diyos?

Status
Not open for further replies.

Gentleman007

Forum Expert
Elite
Joined
Sep 19, 2016
Posts
3,556
Reaction
7,216
Points
2,570
GANITO sinimulan ng 3-anyos na si Raphael ang kaniyang panalangin: “Komusta ka, Jehova?” Bagaman hindi ganiyan mananalangin ang mga adulto, mangingiti tayo sa kataimtiman ng batang ito. Nadama ni Raphael na kaylapit-lapit niya sa Diyos. Sa kaniya’y hindi isang malabong puwersa ang Diyos kundi isang tunay na persona. Ganiyan ba katunay, kalapit sa iyo ang Diyos?


Kataka-taka na may mga nagsasabing naniniwala sila sa Diyos nguni’t hindi nagsisikap na matuto nang higit tungkol sa kaniya o makalapit sa kaniya! Ang matayog na kaisipan ang hadlang sa iba. Ang “mga mata [ng Diyos] ay laban sa mga mapagmataas,” ang sabi ni Haring David. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang iba’y napakahinhin at mayumi upang isipin ang pagkakaroon ng kaugnayan sa Diyos. Ang kailangan ng mga mapagmataas ay maging katulad ng isang bata. Sinabi ni Jesus: “Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang kayo’y magbalik-loob at maging gaya ng maliliit na bata, sa ano mang paraan ay hindi kayo makapapasok sa kaharian ng langit.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) At ang labis na mahinhin ay baka kailangang tumulad sa kataimtiman ng munting si Raphael.


Gayunman, higit pa ang kailangan. Una, kailangang may kaalaman ka sa kaniya. Malasin mo ang kahanga-hangang mga paglalang ng Diyos at hindi ba mahihikayat kang purihin at pasalamatan siya gaya ng ginawa ng salmistang si David? Ang tanong niya: “Pagka natatanaw ko ang iyong mga langit, ang mga gawa ng iyong mga daliri, ang buwan at ang mga bituin na iyong inihanda, ano baga ang taong mortal upang iyong alalahanin siya, at ang anak ng makalupang tao upang iyong pangalagaan siya?” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang pagbubulay-bulay sa mga paglalang ng Diyos ay magpapatibay ng buklod ng pag-ibig mo sa Diyos.


“Magsilapit Kayo sa Diyos”


May atraksiyon ang dalawang magneto kung nasa wastong puwesto. Mientras magkalapit ang dalawa, lalong malakas ang atraksiyon. Ganiyan din ang maaaring mangyari sa ating kaugnayan sa Diyos, gaya ng sabi ng alagad na si Santiago, “Magsilapit kayo sa Diyos, at siya’y lalapit sa inyo.”—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Ang pagkatuto tungkol sa Diyos ang isang paraan upang ‘makalapit tayo’ sa kaniya. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa pag-aaral ng Bibliya, na Salita ng Diyos, mapapag-alaman mo ang kaniyang pangalan, na Jehova, at ang kaniyang mga layunin at mga katangian, na pag-ibig, karunungan, katarungan at kapangyarihan. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) ‘Pero,’ baka sabihin mo, ‘alam ko naman na ang Diyos ay makapangyarihan sa lahat, lubos na matuwid, at marunong at maibigin.’ Nguni’t, patotoo ba iyan ng tunay at tapat na kaalaman sa Diyos? Hindi.


Kung basta mga pangungusap lamang tungkol sa Diyos at sa mga katangian niya baka wala ring kabuluhan iyon, lalo na kung walang kaugnayan sa iyong mga karanasan. Halimbawa, paanong ang taong bingi na mula’t-sapol ay makakaintindi kung ano ang ibig sabihin ng “malakas” at “mahina”? Paano niya malalaman ang pagkakaiba ng huni ng maya sa huni ng kalapati kung wala siyang paraan ng paghahambing ng dalawang ito? Gayundin, kung iyon lamang ay basta pangungusap lamang “Ang Diyos ay pag-ibig.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Upang lubusang maunawaan ang pag-ibig ng Diyos kailangang pag-isipan ng isa kung paano ipinahayag sa sangkatauhan ang pag-ibig na iyon. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kailangang maiugnay niya sa kaniyang sariling karanasan ang pag-ibig ng Diyos. “Inyong tikman at tingnan na si Jehova ay mabuti,” ang sabi ng salmista. (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Sa paggawa nito, ang isang tao’y mapapalapit sa Diyos.


Minsan ay itinanong sa kaniyang tatay ng munting si Larry: “Alam ko po na dapat kung mahalin si Jehova nang higit sa lahat, pero paano ko po maiibig siya nang higit sa inyo? Nakikita ko kayo, pero hindi ko nakikita si Jehova.” Sinabi ng ama sa bata na ang gayong damdamin ay karaniwan lamang sa primero. At siniguro sa bata na matapos niyang matutuhan ang tungkol sa mga katangian at gawa ni Jehova, at malasap ang pangangalaga sa kaniya ni Jehova, mapauunlad niya ang matalik na kaugnayan kay Jehova higit kaninuman! (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Bawa’t isa rin sa atin na gumugugol ng panahon upang makakilala sa Diyos na Jehova.


Kung Ano ang Kahulugan ng “Pagkakilala” sa Diyos


Malimit na ginagamit natin ang salitang “makilala” sa pagtukoy sa sandaliang pagkakilala sa isang tao. ‘Kung hindi ako nagkakamali, kilala ko siya,’ ang sasabihin natin. Baka dito’y nasulyapan lamang natin ang taong iyon sa kung saan o minsan ay ipinakilala tayo sa kaniya.


Ipinauunawa sa atin ni apostol Juan na ang “pagkakilala” sa Diyos ay hindi lamang ang saglit na makilala Siya at pagkatapos ay wala na. Narito ang ilan sa mga punto sa unang liham niya. Ang pinaka-buod: Ang pagkakilala sa Diyos ay pag-ibig sa Diyos. Ito naman ay yaong pagsunod sa kaniyang mga utos. Huwag nang lumakad sa kadiliman at sundin ang katotohanan. Sundin ang patnubay ng Salita at espiritu ng Diyos at huwag hihiwalay sa katotohanan. Kaya naman malaya tayong nananalangin sa kaniya, at nananalig na tayo’y dinirinig at ibibigay sa atin ang mga kinakailangan upang maganap natin ang kaniyang kalooban.—You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now..


Samakatuwid, hindi kusang dumarating ang pagkakilala sa Diyos. Kailangan ang malaking pagsisikap upang makilala ang Diyos na Jehova at tamasahin ang matalik na kaugnayan sa kaniya. Higit ang kailangan kaysa pagganap lamang ng mga ilang rituwal ng relihiyon. Hindi rin ito isang biglaang pagsilakbo ng damdamin gaya ng umano’y nadarama ng “born again” na mga “Kristiyano.” Sinabi ng salmista: “Ituro mo sa akin ang iyong mga daan, Oh Jehova; ituro mo sa akin ang iyong mga landas. Patnubayan mo ako sa iyong katotohanan at turuan mo ako, sapagka’t ikaw ay Diyos ng aking kaligtasan. Sa iyo naghihintay ako buong araw.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Ang “pagkakilala” sa Diyos ay isang buong paraan ng buhay!


Matapos ipayo na “tikman at tingnan na si Jehova ay mabuti,” sinasabi ng salmista: “Lumayo ka sa kasamaan, at gumawa ka ng mabuti; hanapin mo ang kapayapaan at itaguyod iyon.” (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) Kung minsan, kailangan ang dagling pagkilos upang ‘makalayo sa kasamaan.’


Nariyan si Mari, isang hippie noong 1960’s, na naging drug addict. Ito ang nagtaboy sa kaniya sa pagnanakaw, sa imoralidad, sa aborsiyon—at sa pagpapatutot. Samantala, kaniyang nakilala ang mga Saksi ni Jehova at nakilala niya na upang makalapit siya sa Diyos ang kailangan ay magbago siya. “Tinalikdan ko ang bisyong paninigarilyo, na noo’y nakakatatlong kaha ako maghapon, pati ang pagdodroga, at ipinasiya ko na sundin si Jehova sa pagbabawal ng pakikiapid. Ipinagtatapon ko ang lahat ng aking aklat sa panaginip, astrolohiya at espiritismo, pati aking mga idolo, kandila at mga estampa.” Siya’y nag-alay ng sarili sa Diyos at naglilingkod sa kaniya hangga ngayon.


Nguni’t magsisikap ka ba gaya ng kinakailangan upang makilala ang Diyos? Bagaman marahil ang iyong pamumuhay ay hindi kasingpangit ng kay Mari, kailangan ang pagbabago. Matitiyak mo na hindi bibiguin ng Diyos ang mga taimtim na humahanap sa kaniya upang sila’y matuto at makagawa ng kaniyang kalooban.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top