What's new

Stories Friendship Ended

kepzie

Addict
Joined
Jan 23, 2021
Posts
31
Reaction
25
Points
73
FB Messenger ringing...
Kim: Hoy Ran gising na!

Ran: Good morning papasok kana ba?(Sinagot ang tawag kahit wala pang tulog)

Kim: Oo papasok nako. Sorry nga pala kagabi nakatulog nako habang kausap ka.

Ran: Ok lang nag-enjoy naman akong kausap yung hilik mo habang tulog ka.

Kim: (ayaw tanggapin na humihilik sya at medyo nahihiya ng kaunti) pagod kasi ako sa work kagabi marami akong tinapos na report kaya nakatulog na.

Ran: Ok lang ingat ka sa byahe mo. magkacall lang ba tyo habang nagdadrive ka papunta sa office mo?

Kim: Oo sige teka i-on ko lang yung music ko. (Playing It must have been Love - Roxette)

Kim: Ran bakit ang tahimik mo dyan?

Ran: Ah palagi naman akong tahimik, nakikinig lang ako sa music mo habang sinasabayan mo ng pagkanta.

Kim: Kamusta kana pala, wala ka bang naalala kung anong meron today?

Ran: Wala naman akong naalala, ano bang meron?

Kim: Ngaun lang naman ang last day na pwede tayong magkausap

Ran:(Lalong tumahimik kahit tahimik na kanina pa)

Kim: Nakikinig kaba? Until 11:59 PM lang tayo pwede mag usap after that hindi na pwede.

Ran: Oo naalala ko na, pero nakalimutan ko kung bakit kailangan nating huminto

Kim: Darating na yung Boy Friend ko na galing sa ibang bansa so, dapat lang na hindi na tayo pwedeng mag usap hindi po ba? alam mo na baka pagselosan ka pa nun hindi naman kita karelasyon

Ran: Hindi naman talaga (bulong nya sa sarili) Pwede bang palitan mo yang song mo magPlay ka nalang ng Rock Music kung meron

Kim: Okay sige ito na papalitan ko na po (Playing the song of collide- Howie Day). May gusto ka bang sabihin sakin bago tayo abutan ng dead line natin?

Ran: Marami sana kaso lang baka kulangin ako ng oras at baka kayakap mo na yung Boy Friend mo nun bago pako matapos, saka sinabi ko na lahat sayo kagabi kaso lang tinulugan mo ko.

Kim: Wala naman akong narinig kagabi kundi mga storya mo sa online games, pero pwede po bang pakiulit?

Ran: Pwede naman pero paiksiin ko nalang. (sabay hinga ng malamin at tumahimik ng saglit) May sasabihin ako sayo Kim,pero gusto ko hwag kang makinig..

Ran: "Mahal kita"

Kim: (Napapikit ng sandali sa salitang narinig)

Ran: Hindi ko alam kung kailan ito nagumpisa, pero sigurado ako sa sarili ko na masaya ako kapag kausap ka.
Hindi ito yung isang gising lang na Mahal na agad kita, kundi'y unti-unting napuno ang puso ko hanggang sa umapaw na at ito na nga Mahal na kita. Sa mga sandaling magkausap tayo at tanging boses mo lang ang naririnig ko, pakiramdam ko ang lapit mo lang sa puso ko. May mga oras na gusto ko na talagang aminin ito sayo eh pero hindi ako makakuha ng tamang tyempo.

Kim: Ran, alam mo naman diba na may Boy Friend nako? Bakit mo yan sinasabi sakin? sana sinekreto mo nalang. Akala ko ba hindi ka maFaFall sa tulad ko at sabi mo pa na pipigilan mo kung sakali man dahil nga diba magkaibigan tayo?

Ran: Isipin mo nalang na wala kang narinig, Saka hindi rin naman ako umaasa na sasagutin mo ako na kaparehas ng nararamdaman ko sayo

Kim: Sana nga ganun lang yun kadali pagkatapos kong marinig mga sinabi mo?

Ran: Ano ba narinig mo?

Kim: Sabi mo na Mahal mo ako.

Ran: Weh? hindi nga sinabi ko yun? (Awkward moment)

Kim: Pussa! Hwag mo ng baguhin ang atmosphere, tatakas kapa sa mga sinabi mo eh. Alam ko na mahirap sayo na aminin yang nararamdaman mo pero meron bang mangyayari na maganda kung sakaling mang maging tayo?

Ran: Meron syempre siguro magiging masaya ako.. tayo. Teka bakit dyan na napunta? hindi ko sinabi na maging tayo, Umamin lang ako sa feelings ko pero wala akong balak na baguhin kung ano man ang meron ka ngaun, I know that you have a lot of plans together with him and i don't want to ruin that. sinabi ko lang yan para lumuwag ang damdamin ko.

Kim: Okay sige wala ka pala talagang balak eh Paano kung sabihin kong may.. Wait i will call you back andito nako sa office I will talk to you later.

Ran: Hello Kim! Hello! Hello!

(Call Ended) Please rate the quality of this call *****


FB Chat**

Kim: Ran sorry kanina naputol usapan natin

Ran: Ayos lang kamusta ka naman dyan? Lunch Time nyo na?

Kim: Oo kumakain atm,kain ka narin (sent a gif ng Pusa na kumakain ng noodles)

Ran: Tapos nako kanina pa eatwell
Oo nga pala hindi narin ako magchachat sayo mas maigi na siguro na any kind of communications putulin ko narin

Kim: Seen mode..(nahinto sa pagkain)

Ran: Tama ka nga na dapat sinikreto ko nalang. Hindi ko na pala hihintayin ang 11:59 PM na dead line, i will stop my clock right now. Please just enjoy your life with him, this is my last message. Ran is now signing off.

Kim: (nagtatype ng mahabang messages pero pagkabasa ng messages sa taas hindi na sinend at agad ding binura)


Chat ended**

Ito ang binurang messages ni Kim.

"Oo nga pala, hindi ako tulog kagabi narinig ko lahat ng mga sinabi mo gusto ko lang ipaulit sayo kanina mga narinig ko, hindi kasi ako makapaniwala na ganun din ang nararamdaman mo para sakin. Mahal din kita pero hindi ko alam kung paano ko sisimulan at tatapusin ito."


-FRIENDSHIP ENDED-
 

Similar threads

Back
Top