What's new

Freelancing Story (My bread and butter - How I Earn Money Online)

Pag basic mga 1 week lang yan. Aralin mo lang muna yung theme/plugin basics, etc. Mas madali kung may local dev ka sa PC para pwede ka mag-practice/prototype ng themes at plugins na gusto mo i-code. Install ka lang ng Laragon/XAMPP. Ako gumagawa ng sariling plugins/themes ko noon nung active pa ako sa wordpress dev. Pwede mo rin pagkakitaan through freelance/custom dev or magbenta ng self-made themes/plugins sa sites tulad ng codecanyon.

Pero mas prefer ko na ngayon kumita sa paggawa ng sariling webistes through other frameworks. Mas malaki kita tapos ikaw ang sarili mong boss lalo na kung marunong ka gumawa ng custom automations/scrapers at SEO. Pero sa wordpress talaga ako nagsimula ng self-study webdev dati, kaya recommended pa rin siya as a low-barrier entry kahit na sa mga di IT-related ang tinapos.
 
Nakakaiyak nakita ko lahat ng pinagdaanan mo sa simpleng thread lang ts. 🥺 Maraming salamat inspirasyon ko talaga mga taong tulad mo nakakatuwa lang na nagsimula ka sa maliit talagang tuloy tuloy na yung progress mo at tumaas pa kita.

Gusto ko maging tulad mo, gusto kong tumaas din confidence ko. Ang hirap labanan ng katamaran bakit ba ako kinapitan ng ganto gusto ko rin kumita kaso may pasok din ako.

Ano po ba magandang part time ngayon may online class din po kasi baka may masusuggest po kayo... At ano na po pala trabaho niyo ngayon ts? Since matagal na rin po kayo at madami nang experience alin po dun yung mas napagtuunan niyo ng pansin.
 
Kudos sayo! Alam naman natin mahirap ang buhay so nasa mindset na lang ng tao yan. More blessings to come!
 
Wow Sir dkjj03 2 years vocational din ako though 2011-2013 ako. While sa school nag hiram lang ako ng globe tattoo hahaha. May PC lang kami sa family since 2007. Heheh
Na try ko dun dati yang NeoBux without success though :D :D :D
Then apply2x ng marami, naka help din ng konti yung YøùTùbé channel ko as portfolio ko since wala akong experience.
Maswerte lang ako may tumanggap sa akin kahit entry level pa ako. Tapos job hopping din pa increase ng expected salary everytime. :D

Ayus ka naka 40K dollars ka? Wow hahaha
 
Wow Sir dkjj03 2 years vocational din ako though 2011-2013 ako. While sa school nag hiram lang ako ng globe tattoo hahaha. May PC lang kami sa family since 2007. Heheh
Na try ko dun dati yang NeoBux without success though :D :D :D
Then apply2x ng marami, naka help din ng konti yung YôùTùbé channel ko as portfolio ko since wala akong experience.
Maswerte lang ako may tumanggap sa akin kahit entry level pa ako. Tapos job hopping din pa increase ng expected salary everytime. :D

Ayus ka naka 40K dollars ka? Wow hahaha
nag iimprove lang po ako ng skills ko.

Yung SMM or Social media marketing mabenta yan sa mga client na gusto magparami ng followers, likes or mag market ng product nila. Kung pag aaralan nyo yun kahit ngayon mabenta yun. napaka raming guides nyan sa utube, di mo mauubos isang araw kapapanuod ng tutorials. 😂
 
akaLa ko sa first part Lang ako magbabasa. hanggang sa tinuloy tuLoy ko. nakaka inspired kwento mo Lods. thanks for sharing... sobrang Laking tuLong nito para sa mga taong nawawaLan ng pag asa kumita LaLo na't pandemic ngayon.
 
napakaraming opportunity boss nag sstart lang sa maliit. kahit walang sumusuporta satin, tuloy tuloy lang. pag naabot mo yung taas. mapapa WOW ka sa haba ng nilakbay mo. ;)
 
Kahawig pala tauo story ehh😂 true facts mabilis makahanap work pag pc but in android meron kaso matagal magka pera.
 
Sir dkjj03 Anong masasabi mo na expertise mo ngayon? Tapos anong plano mo going forward?
Ako aspiring kasi ako mag business2x. Siguro once or twice failed hahaha. Wala kasi akong skills sa marketing side.
 
True boss. Kaya nung nagka pc ako kahit napaka bagal sobrang tyaga lang. hirap na hirap sa 2GB ram tapos freenet pa.
 
Ngayon po mejo ok, pero di maiiwasan may mga down times talaga. minsan wala ako work, naranasan ko na din na sumweldo ng 2k per week.

Balak ko talaga mag business, gusto ko sana sa online din. pero napakaraming downside kasi ng business online. parang sugal eh.
nauubos oras ko sa work tapos self study. Tapos di naman sure kung kikita ka.

Dati kasi balak ko yung mga passive income. tulad ng blogging. Kelangan mo lang ng writer saka manitong blog. Malaki din kasi kita sa AdSénsé. Basta continues yung blog post mo.

Anong type of business ba pinasok mo?
 
Dati kasama yung kaibigan at kakilala ko nag gawa kami ng company na nag ooffer ng software development services sa Davao. Tumagal ng 1 year pero may months wala akong sahod hahaha :D. Na isip ko yung mali namin wala kaming managerial at marketing skills.
2019 naman gumawa ako ng programming blog at isang android app. Wala naman traction. Siguro mali lang na niche ang pinasok ko sayang lang 28K na hosting ko. Hahahah :D. Pero at least baka maka tulong yung ginawa ko next time mag apply ako sa trabaho pang leverage at mataasan ang expected salary.
This year try ko ulit gagawa ng mobile games at apps.
 

Similar threads

Back
Top