What's new
  • Welcome to PHCorner forums. Take a moment to sign up and gain unlimited access and extra privileges that guests are not entitled to, such as: All that and more! Registration is quick, simple and absolutely free. Join our community today!

Freelancing Story (My bread and butter - How I Earn Money Online)

dkjj03

Elite
Joined
Apr 27, 2018
Messages
1,194
Reaction
341
Share ko lang kung paano ko kumita online from 2010 strugle - 2011 - hanggang ngayon :)

Nag umpisa po ito nung nag lalaro ako ng ragnarok online private server year 2011. Wala pa pong smart phone noon.
Ang uso pa po noon eh Facebook tapos FarmVill.
Bantay po ako ng comp shop dahil wala po akong natapos. 2 years IT vocational course lang natapos ko.
Sa probinsya po ako nakatira, sinubukan ko po mag apply at makipag sabayan sa City, pero lagi po akong rejected. Lagi kong kasabayan mga Nursing Grad dahil uso nursing noon. Pag wala kang natapos auto reject. "Bakit pa mag aabala mag basa ang interviewer sa profile mo eh 2 years lang tinapos mo."

So, ayon po umuwi ako sa probinsya. umiiyak walang pera, ubos. walang trabaho, pagod pa. nagkataon yung tropa ko na madalas kalaro ko sa dota1, yung tita nya mag bubukas ng comp shop dahil nga malakas din dota1 dati. Ako kinuha dahil may alam ako sa computers. Malakas din mag dota1 😂 (5k mmr lang sa dota2)

Sa sobrang hirap ng buhay, 100 per day lang sweldo ko. hindi po sapat para makabili ng gusto mo. sakto lang para mabuhay. Bata pa lang po ako gusto ko na magka bahay. wala kasi kaming sariling bahay.

So ayon, balik tayo sa Ragnarok. Bantay nako ng comp shop, libre laro ng ragna syempre :)
kakatambay ko sa ragna, nag shout yung GM. "Kung gusto nyo ng tips and tricks hanapin nyo sa forums" dun nako nag simulang ma aware sa mga forums. Na amaze ako dahil ang daming tips and tricks nga.

Na punta ako sa Online Section, tapos nakita ko mga threads may mga earn money online. Sobrang naging interesado ako. Halos lahat tintry ko. nag sisign up ako, nag brobrowse ako.

Na punta ako sa NeoBux. kung hindi nyo alam yon. Paid to click websites. So, per nasa 0.01 cents ang kita.
Nag isip ako ng strat. What if mag sign up ako sa 30 paid to click websites?
Meron akong 0.30 cents per day
In a month may $9 ako?
Pero hindi, di lahat ng paid to click websites eh paying. Halos lahat scamaz. 😂

Dumating yung araw na nalugi yung comp shop. Dami na kasing nag bukas na bago tapos may mga promo pa.
Wala nakong work. tag gutom uli. :(

Asa uli sa magulang "bente araw araw" nakaka iyak. Walang akong cp "3310" tambay sa comp shop lagi.
Tuwing uuwi laging tulala, bat pa ko nabuhay :( Di ko man lang magawang maging proud parents ko. Wala kong silbe :(

So, ginawa ko, araw araw may bente ako, 10php for 1hour sa comp shop para mag friendster. tingin tingin ng chix :)
tapos 10 pang yosi :ROFLMAO:
tapos naalala ko mag forums uli.

Napunta nako sa captcha typing. Legit? yes legit pero napababa ng kita. Halos di kaya icover yung bente araw araw.
nagka laman paypal ko noon, kahit di verified.

Since may pera nga sa online, nag sipag ako. kahit pa bente bente lang araw araw, nag sscout ako ng opportunities.

Napunta naman ako sa mga VPN. Freenet in short.

Ganito na uso noon :D
globe1.jpg

Tapos naging reseller ako ng VPN. nag benta kami ng tropa ko ng VPN account 300php per month, unli data, no capping. (alam nyo na yan)

Syempre nag uupdate si Globe, napagod na kami ng tropa ko kakaupdate ng config everytime nag mag uupdate si globe.

So, nag hanap uli ako ng possible income. Balik uli sa mga kung saan saan na forums.

Year 2011 na discover ko na yung oDesk saka OnlineJobs.ph

So para mejo maging short to.
Wala akong alam sa online jobs or freelancing.
Ang apply ako ng kahit anong jobs, kahit yung english ko eh baluktot 😂😂😂

Nag start ako sa CENTS! wala pong nag sstart ng malaki. lahat po nasa maliit nag uumpisa. Gaano ka baba ako nag start? Ayan po screenshot. (oDesk/UpWork)

Di ko na mabilang kung naka ilang rejection ako bago ko nakuha yang cents na work.
Kahit cents lang po yang work na yan, inabot po ng 3months bago ko nakuha yan. :(
Napaka hirap sobra, halos nawawalan nako ng pag asa sa buhay.

Screenshot 2020-12-13 194749.png


1 week po yan. tinrabaho ko po yan sa comp shop. "bente araw araw na sustento ni erpat" 😂

Nakaka proud dahil may work ako online tapos kumita akong $2.61
Nag apply ako uli.

Screenshot 2020-12-13 194829.png


This time, tinaas ko ng konti. May kumagat.

Nagkataon. yung kapatid ko nag wowork part time sa school nya. Yung isang pc sa laboratory nila naiuwi nya.
Pentuim Proc pa. Windows 98.
Balik uli sa forums. Kuha ng Free VPN Freenet. para may freenet yung old pc.
Panay apply ko, yung pc na ginagamit ko, sirain pa. Panay crash kasi yung RAM 2GB lang. Tyaga lang noon. basura ng iba, treasure na sakin. 😂
Lahat ata ng Jobs na madali yung description inaaplyan ko. Tapos pag nag reply or email yung client. Saka ko pag aaralan yung work tapos sasabihin ko. "Yes, I can absolutely do the job. blah blah blah..."

Tapos apply uli ng jobs. After ilang weeks nakakuha uli. Hindi po madaling makakuha ng jobs online, sipag at tyaga lang po ang puhunan. gising ng madaling araw para mag job hunt.

Screenshot 2020-12-13 194929.png


This time naitas ko uli yung rate ko. Unti unti ko pong naitaas yan.

Screenshot 2020-12-13 195048.png


Hanggang sa tumaas pa ng tumaas.

Kung maitatanong nyo, "ano po ba work nyo online?"

Sari sari po! Parang Tindahan. General Store 😂
Wala po nagturo sakin nito. Lahat po SelfStudy. Research, Basa ng blogs, nuod ng videos. Download ng Free tutorials. Never ako umattend ng paid training or webinars. Kung aattend man di ako mag babayad. Dahil ang knowledge sa web eh libre po.
Virtual Assistant
SEO
SMM
Administrative
Customer Services
Promoting etc. etc.


Lahat po ng job post, binabasa ko po. Tapos kung ano yung na mentioned na task gingoogle ko lang po, sabay YôùTùbé. Kung yung job post nag mentioned ng online tools o software. YôùTùbé is your bestfriend. Research lang ng research tapos sabay apply. Sabihin mo nyo lang sa employer, familiar at eager to learn. Wag matatakot sa mga interview mga boss.

So, di lahat ng work ko nasa UpWork. Yung iba sa FB or sa ibang platform ko nakukuha. Pero lang yung kinita ko sa UpWork.

Screenshot 2020-12-13 212145.png


Pero sadly dahil noong mga year 2015. Dumadami na po nag o-online jobs. dumami kacompetensya. Pati mga indiano kalaban na din. Ang baba ng rates ng mga indiano. Same services but cheaper salary. Tapos magagaling din mag english. Hayup!

Kaya nag hanap ako ng ibang online income.

Kung ayaw nyo mag apply sa mga ganyan may ibang raket naman online.
Like facebook fanpage for rent. Kung meron kayo facebookpage na may traffic.
Blogging din kung may magaling kayo mag sulat or may kilala kayong writer, makipag partner kayo.
Fiverr
PeoplePerHour
Onlinejobs.ph
99 Designs kung magaling kayo mag design.

Tulad ng na mentioned ko. Research lang yan. SelfStudy Sipag Tyaga lang. No need money investment.

Kung di kayo confident sa Voice call tulad ko. May mga non-voice naman po na mga work. "Research" isang keyword lang ang daming results sa FB.


Screenshot 2020-12-13 224233.png


Meron din ako napansin na work jan. Chat Moderator. Kung di nyo alam yun. Alam nyo na gagawin nyo. Wag spoonfeed mga boss. Research research din.
Chat Moderator tapos cp lang gamit nila.
Actually na try ko din yun. kaso di ako nag tagal, may mga offer kasi na mas malaki kaya binibitawan ko mga low offers. Ok yung mga low paying jobs, pang part time lang or need mo ng experience para sa resume mo.

Tigil nyo na yang kaka SANA ALL. Wag maging tamad. Ibahin nyo mind set nyo.
Porke ba, "ay kumplikado, ay ang hirap, ay pucha ubos oras, ay tagal kumita, ay ang liit ng kita" Big NO NO mga boss. Si Mark Zuckerberg noong ginawa nya yung facebook, eh sikat agad? Hindi diba.
Parang pag lalaro ng RPG or ML or kung ano pang laro jan. Grind Grind lang yan. Lalakas ka din.

Sana po eh ma inspire kayo na humanap ng pagkakakitaan online. Di po porket wala kayong pc or laptop. hindi po yan rason. Karamihan satin dito may smart phone. Sapat na po ang smart phone para kumita online. Napadaming gigs online. Ang sisipag nyo nga mag rank sa ML, mag hanap ng h@cks, mag edit ng apk or mag mod ng laro. Mag ka freenet with or without load. Lahat po may paraan. Kung napapaligiran kayo ng tropa nyo na puro games lang ang alam, mag isip isip po kayo.

So, where to start?
When to start? ikaw lang makakasagot nyan.
Ayan may screenshot na. Basa, Research, Nuod tutorial. Wag magpapaniwala sa mga paid seminars. Lahat napag aaralan ng libre. Goodluck Have fun mga boss.

Feel free to ask questions.
"(Globe tatoo image from google)

Update:
Eto yung pc na ginagamit ko dati. napaka slow ng pc na yan mga boss. Hahaha
Pansinin nyo naman yung lamesa Hahaha
Di ko na din maalala, ang alam ko yung cp na itim ginagamit namin yan for free net eh.

Siguro nga pag laki ka sa hirap matututo ka talagang mag sipag.

oldpc.PNG



Ngayon may dalawang Gaming PC nako.
Isa para sa anak ko saka isa na personal use ko for games and work.
 

Attachments

Last edited:
Thanks for sharing! I hope this post will be useful on our most needed countrymen struggling on their income, finding jobs, or in this time of pandemic. I find this topic to be a hint that you can earn legit online.
 
1 Comment
D
dkjj03
Kaya na isip ko po ishare, dahil napaka daming gusto mag home base dahil nga sa pandemic. :)
 

aclenx

Established
Grabi nakaka inspire si tS!
Tama ka po.. Nakay google lahat ang sagot... Sipag at tyaga lang tlaga..
 
Comment
Thankyou isa din ako sa mga naghahanap ng online work . kaya ako nakapagtapos ng pagaaral dahil nakakapagipon at nakakatulong ako sa magulang ko kaya tama ka sir walang imposible kapag gusto talaga (Y) <3 .
 
L
Lianhua
Pag basic mga 1 week lang yan. Aralin mo lang muna yung theme/plugin basics, etc. Mas madali kung may local dev ka sa PC para pwede ka mag-practice/prototype ng themes at plugins na gusto mo i-code. Install ka lang ng Laragon/XAMPP. Ako gumagawa ng sariling plugins/themes ko noon nung active pa ako sa wordpress dev. Pwede mo rin pagkakitaan through freelance/custom dev or magbenta ng self-made themes/plugins sa sites tulad ng codecanyon.

Pero mas prefer ko na ngayon kumita sa paggawa ng sariling webistes through other frameworks. Mas malaki kita tapos ikaw ang sarili mong boss lalo na kung marunong ka gumawa ng custom automations/scrapers at SEO. Pero sa wordpress talaga ako nagsimula ng self-study webdev dati, kaya recommended pa rin siya as a low-barrier entry kahit na sa mga di IT-related ang tinapos.
 

Mr Rong

Established
Thanks lods ,naghahanap ako ng mapagkitaan sa online. 6 months na akong laging rejected :D hehe hanap ulit ng hanap. Salamat sa pag share ng story mo lods.
 
1 Comment
D
dkjj03
Browse2 ka ng mga job post boss pag di mo alam, try mo mag watch ng tutorials sa utube. pag nakuha mo basic, applayan mo. HAHAHA sabihin mo familiar ka. Ok lang mag sinungaling boss basta di lang sobrang hirap ng job na naaplayan mo. basta pag na hire ka. mag sunog ka ng kilay para mag self study.
 
Nakakaiyak nakita ko lahat ng pinagdaanan mo sa simpleng thread lang ts. 🥺 Maraming salamat inspirasyon ko talaga mga taong tulad mo nakakatuwa lang na nagsimula ka sa maliit talagang tuloy tuloy na yung progress mo at tumaas pa kita.

Gusto ko maging tulad mo, gusto kong tumaas din confidence ko. Ang hirap labanan ng katamaran bakit ba ako kinapitan ng ganto gusto ko rin kumita kaso may pasok din ako.

Ano po ba magandang part time ngayon may online class din po kasi baka may masusuggest po kayo... At ano na po pala trabaho niyo ngayon ts? Since matagal na rin po kayo at madami nang experience alin po dun yung mas napagtuunan niyo ng pansin.
 
Comment

Popular On This Forum

Online statistics

Members online
1,755
Guests online
2,152
Total visitors
3,907

Forum statistics

Threads
1,042,876
Messages
17,761,923
Members
1,502,993
Comments
877,445
Attachments
1,328,819
Profile posts
97,057
Top