What's new

First monthsarry namin ngayon

4reulyin_

Forum Veteran
Elite
Joined
Feb 2, 2021
Posts
432
Reaction
136
Points
606
Gusto ko po i-share sa inyo yung naranasan ko sa love [LDR]

I met him, June 13, 2020. Sa game kami nagkakilala. Nung unang week talaga, malamig pakikitungo ko sa kaniya kasi that time, ayoko siyang kausapin kasi kagagaling ko lang sa heartbreak sa long-time crush ko(di naging kami). Naisipan ko siyang kausapin. Then, dun kami nagkamabutihan.

July 2020, umamin siya na gusto niya ako. Duda na ako that time kung totoo ba yung nararamdaman niya. He said yes. Hinayaan ko nalang siya, pero di pa ako umamin.

August 2020, I confessed. Di siya mahirap pakisamahan kasi masaya siyang kausap.

Sa mga nagdaang buwan, naging maayos yung takbo ng relasyon namin kahit na wala kaming label. Mahal na mahal ko yung taong to.

October 2020, nalaman kong chinat niya yung dati niyang crush. Sobrang sweet ng pagkakabati niya. Sobrang sakit pero hinayaan ko. Naging okay ulit yung takbo ng relasyon. Yung di pagkakaintindihan, nalulutasan agad.

2021, naging madalas na pag-aaway namin. Tampuhan, galit, inis, nagiging normal nalang. April 2020, binigay niya account niya sakin... Iniskrol ko pababa yung chatbox niya...di lang pala ako, may walo pa, and lahat ng yun last year lang.
Sobrang sakit para sakin kasi di ko alam san ba ako nagkulang. Naging matino naman akong jowa.

Dun na nagsimulang magkagulo ang lahat. Mas nagiging galitin na ako, napapadalas na din yung bangayan. Lagi ko na ring nasusumbat sa kaniya yung panloloko ko. Ilang beses ng nabitawan yung katagang "ayoko na". Pinili kong mag-stay kasi mahal ko siya.
April 18, 2021, tinanong niya ako kung gusto ko raw ba na kami na. I answered yes. Isa sa araw na pinakamasaya para sakin, nung araw na naging kami.

Pero nagpatuloy pa rin yung awayan until this time, May 18, 2021... Nag-away kami ng sobra. Kasi hiningi ko sa kanya yung isa pang account. May kinausap siyang babae dun, ka-*** on chat, June 2020-July 2020 (first week). Sobrang sakit lang para sakin. Siya yung kusang sumuko. Sobrang sakit. Sinabi ko sa kaniya na bigyan niya ako ng 1 week para mahalin yung sarili ko, and then I'll come back.

Iniba niya kanina yung password ng mga account niya sa fb. In-expect ko siyang hihingi ng tawad at ic-console ako, pero it ended up na sukong suko na siya. Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, nagmakaawa akong mag-stay siya. Pero pinaglandakan niyang ayaw niya na. Sobrang sakit lang. Kasi parang balewala sa kaniya yung pinagsamahan naming dalawa. Sobrang mahal na mahal ko siya....

Ano po sa tingin niyo..?
 
Ganyan po kasi kasakit sabi nga nila..

Alam nyo yung masakit, kasi minahal nyo yung taong dapat ka-chat nyo lang 😢.


Makakahanap ka rin po nang taong magmamahal sayo na tapat at mamahalin ka nang buong-buo Walang labis, Walang Kulang 😄
 
Sobrang mahal ko yung taong to. Alam kong nagbago siya nung January. Pero nakakasama pa rin ng loob ts...
 
[XX='4reulyin_, c: 1213310, m: 1820599'][/XX] Sobrang Mahal mo nga sya pero ikaw nman mas mahihirapan kasi di mo mawaLa sa isip mo ung mga nagawa nyang kalokohan before ?Kung Hindi maaLis ung pag iisip na un sa utak mo hanggang keLan kayo mag aaway bati?hanggang sa magsawa na ung isa sa inyo?Kung baga ung advice ko Lang para sken ikakabuti mo sa darating na panahon 👍
 
lantaon kana sweety btw:unsure:? (if your a Girl) . Nah! It'll pass .Just find sometime to let yourself enjoy life. Time will heal. Let that be a good history of yours. or maybe just take a BREAK.
 
Masakit man tanggapin pero kailangan mag move on. Marami naman jan sa tabi tabi mga matitinong tao na di ka susukuan darating din ang time na makakahap ka ng tunay na para sayo.

keep safe.! spread love 🥰
 
nakita mo na lahat ng kalokohan.. bakit pa mag stay, hanap agad ng iba ts try dating apps
mas madali makahanap diyan pero dapat maingat kapa rin wag bibigay agad
 

Similar threads

Back
Top