What's new

Family problem I need some advice

marjuri7

Addict
Joined
Aug 25, 2016
Posts
175
Reaction
72
Points
106
Age
25
Hello mga ka PHC. I'm 23 years old, male, student at pangay ako sa (3) mag kakapatid.

Kasal ang mama at papa ko (sa huwes). nung ako palang ang anak nila, alam ko na ang hirap ng buhay. Nasa level kami ng poor status. Then dumating yung sumunod sakin na kapatid. Ganun parin ang stado ng buhay kain tuyo tapos madaming utang sa tindahan. Nung lumabas yung pang bunso naming kapatid dito kami medyo nakakain na ng tatlong beses sa isang araw. In short wala na kaming problema sa financial.

Nung ako palang ang anak ng parents ko nakita ko na sila mag lambingan at mag away.
Si mama during our times na ako palang mag isa (Housewife) sya at si papa naman ay suma sideline lang (Sprayer, construction worker).
(Nung pinanganak na ang pangalawa kong kapatid same scenario as i mentioned above sorry kung paulit ulit.)
Nung dalawa palang kaming anak nila, every new year and Christmas walang palya ang nanay ko kakaiyak sa tatay ko kasi kada salubong (Pasko & New year) umuuwi si tatay na laging lasing. So ang nanay ko palaging naiyak dahil hindi namin si papa kasama tuwing ganung special event. Si mama that time umaasa lang sa sahod ng tatay ko sa pag sa sideline.

Nung pinanganak na yung bunso namin, ang nanay ko nakakita ng chance na makapag abroad sa tulong ng kapatid nya sa canada. Hindi naging madali sa nanay ko that time kasi kaylangan ko mag sacrifice, ako ang mag wowork nuon at the age of 18 years old para ang nanay ko ang mag aaral at makakuha ng certification of Caregiver.
Sa part naman ng tatay ko no comment naman sya sa plano ni mama. (Nanay at tatay ko palaging nag tatalo sa maliit na bagay in short mataas pride nila).

Kaunting idea lang sa Nanay ko before sya mag seperate at mag work now sa abroad. Si mama ang iniisip lang nya (ang pag kakaalam ko) ang sinasabi nya samin makapag aral kami at makapag tapos. Hindi ko narinig sa kanya na hahanap sya ng ibang guy or meron syang past before na hanggang ngayon ay kausapin nya parin. So wala akong naririnig sa kanya na ganon kasi madalas ang nanay ko ang umiiyak sakin that time .(Sinasabi nya pag nakaalis sya sa bahay kukuhain nya daw kaming mga anak nya kasi pagod na pagod na sya sa tatay namin then she always cried.) Si mama medyo mahilig mag sugal like nung mga baraha etc.

Kaunting idea sa Tatay ko, si papa ay hindi nananakit physical more on verbal lang sya may time(s) nuon na nag away sila ng nanay at nag babasag na ng mga gamit. Siguro na experience din ng ibang ka PHC natin yan dito. Ang papa ko mahilig sa alak, barkada, at pag aalaga ng manok.(Never ko sya nakitang nag sugal ex.Baraha etc. I dunno if sugal yung ****** kasi minsan ginagawa nya yun.) That moment na nalaman kong may mga kapatid pala ako sa labas, hindi isa kundi marami at ayaw na ikwento ng lola ko(Sa tatay ko na part) kung sino sino sila, pero ang ex ng tatay ko may isa na nakakausap ko at friend ko yung mga kapatid ko sa labas.

Now for the main reason why I badly needed your advice:

Ang nanay ko ngayon ay nasa abroad na. Nung unang láρág nya okay naman sya at buti sa tulong ng Video call nakakausap namin sya. But one time nag kausap kami ng nanay ko at may inamin sya sakin up until now. Inamin ng nanay ko na may nakakausap syang childhood friends nya dito sa pilipinas. I ask my mom kung papano sila nag karoon ng contacts, sabi ng nanay ko nakita daw dahil sa friend suggestion sa FB. Nag kamustahan daw sila etc. Sa akin sinabi ng nanay ko yun at pinaalam din ni mama sa pangalawa kong kapatid which is babae na kapatid ko (ang bunso namin ay lalake). Walang idea ang tatay ko sa ginagawa ng mama ko(Pero parang may kutob si papa kasi may moment na nag huhulihan sila ni mama at papa nag aaway sila sa Video call . Ang alak ko nakita ni papa yung picture nung childhood friends ng nanay ko.). Yung kausap ni mama na childhood friends ay nakita ko na rin in person at nakita narin ng kapatid kong babae(yung sumunod na kapatid ko).

The other part sa side ng tatay ko naman since kasama ko si papa dito sa bahay, ang katabi nya matulog ay ang kapatid naming bunso. Hindi directly yung information sakin pero may pinakita ang nanay ko sa litrato ng isang babae at sabi ng nanay ko sakin ayan ang bago ng tatay mo. So sa part ko hindi ako agad naniwala kasi picture lang naman. Pero bilang panganay pag dating sa financial sa bahay, ang perang pinapadala ni mama ay saakin pinapahawak hindi sa tatay ko and i don't know why. May times din na sinasabi sakin ng nanay ko na nakita ng bunso namin na may CNDOM sa bag ng papa ko. To make it confirm yung kapatid kong babae nag kausap kami at tinanong ko kung may nakakausap si papa na ibang babae and sabi ng kapatid kong babae ("oo" kuya kinamusta pa nga ako nung babae ni papa.) May times din kasi ang papa ko pag may ka VC sa phone malakas ang boses natural na kasi sa kanya yon eh. Pero may times na may ka VC sya at ang tahimik ng boses nya. Kilala ko si papa at syempre ma oobserve ko at nagkakaroon ako ng idea. Esp. nag tatanong sakin ang tatay ko about sa messnger (about sa mga ignore calls, kung papano daw mag block ng kausap, kung papano bumili ng bagong simcard etc.) lahat ng yon na usapan namin ni papa act normal lang ako.

In short ang alam ko lang na problem is sa side ng mama ko. Lahat ng narinig ko about sa papa ko ay no direct evidence even the conversation wala akong nababasa (more on observation lang). Ngayon pag tinatanong ko ang mama kung nag kakausap pa sila ni papa, ang sagot lagi sakin ni mama ayaw nya ng kausap si papa. Everytime na tatawag si mama sakin, madalas kausap nya rin sa another phone nya yung childhood friend nya at nag sasabihan na sila ng I love you sa isat isa.

Yung babae kong kapatid(Yung sumunod sakin) galit na galit sya kay mama. Palaging naiyak nanay ko sakin parang ang nangyari
AKO KAMPI SA NANAY KO | KAPATID KONG BABAE KAMPI SA TATAY KO.
Ang sinasbi ng kapatid kong babae kay mama. na hindi si mama nakuntento sa pamilya na meron sya, napipili pa daw ng nanay namin na humanap ng iba kesa samin.

Ayokong depensahan sarili ko kasi kaylangan ko ng advice. Much better kung direct to the point nyo sakin sasabihin kung may pag kakamali ako sa pag kukunsinti. Thankyou PHC .
 
[Hidden content]
Thankyou papi. Oo nga eh siguro yung kapatid ko lang na babae ang sobrang laki ng galit sa mother side ko. Yet nag eexist na talaga yung ganitong problema nuon pa at madalas sa ibang bansa ganito. Noted yung nasusustentohan dapat ng parents. Sa part na yan mother ko ang nag susustento samin since sya yung nasa abroad. College time ako ngayon at sana di makaapekto ng malaki tong problem namin while studying. Thankyou ulit paps same pala tayo halos

[Hidden content]
malaking tulong yung sinabi mo lods lalo na't andito ako sa point kung saan na fi feel ko na hindi ko kayang kontrolin yung mga bagay bagay. I guess need ko nalang mag pray at mag tiwala at tanggapin kung anong magiging resulta. Yep no worries :) as of now since I'm 23 wala naman akong sama ng loob sa kanila i think that's good news hehe. Thankyou ng marami sa inyo mga lods anlaking tulong nito para sakin. Noted lahat !
 
Last edited:
I know what you feel. Feeling mo ikaw ang nasa gitna at naiipit ka. Yan ang iniiwasan ko at ayaw na ayaw kong makaranas ako ng ganyan kasi napakasakit sa damdamin, parang feeling ikaw humawak sa lahat ng problema niyo. Just pray nalang po.
 
lods focus kana lang sa inyong magkakapatid at pakatatag kayo. bilang panganay dapat mong ingatan sila. maaring mag rebelde sila at mauwi sa maagang pagaasawa or masira ang buhay nila. matanda na parents mo para malaman nila ang tama at mali. doon ka sa mga kapatid mo na kailangan ng gabay.
 
focus nalang sa future nyu boss, wag kayo mag kimkim nang galit sa kanila... kapag nakaraus na kayo sa career at buhay malaya na kayo ano gagawin nyu.
 
Wag kayong magtanim ng galit sa inyong mga magulang kasi once na sila ay nawala sa mundong ibabaw ay kayo rin ang makakaranas ng guilt kaya mas mabuting mga focus nalang sa mga bagay na importante para sa inyong kinabukasan. Dahil ang mga magulang natin ay may mga problema na di natin nalalaman kasi ayaw nila na malaman natin kasi iniisip nila na baka makasama ito sa atin ayaw nila na tayo magisip ng kung ano ano
 
Boy I Love YOu! Ngayon mas nafeel ko na grateful ako, Wala pa sa katiting mga family issues nmen sa inyo samen the same din kami Ng papa ko laging conflict kse lasengero sya ako ayuko Ng bisyo kse nakikita ko sa mama ko na gantong buhay Ang paparamdam mo sa asawat anak mo kpag nalulong ka sa bisyo, so kmi tlga Ng papa ko madalas mag away through words at physical dumating pa sa point na malaking sugat na nakuha ko sa knya pero mga 17-18 ako nyan Nung grumaduate ako (20) dun nako naging think pinakita ko sa knya na POTANGINA eto na yung gagu na palamunin na walang kwenta ( pero sa utak ko lang yan ah) Di nako nakikipag talo parang napagod na ako kkse ganun na tlga si papa dipako pinapanganak ngayon 23 Nadin ako boy may sriling bahay at lupa pero walang tao, walang jowa may businesses malapit paren sa magulang nakatira pero yung fact na Hindi ako nagfocus sa issues Ng magulang ko hiniwallay ko yung srili kung pangarap sa mga problema Ng bahay yun yung proceso na kelangan mo I practice and then one day puckshet mga magulang mo kusang magsosory mga yan naexperience kona yan, mama at papa ko dati sinabi nila saken mismo sinukuan na nila ako kse tlga matigas ulo ko gusto nila ako sa Engineering pero matigas ulo ko boy pinasok ko Ang Finance at ngayon nagaaral pako uleT sa 2nd degree ko na BSIT Plano ko naring magabroad ngayon Masaya ako magisa walang problema may bunso din akong kpatid ayun from time to time naexperience nya din ung lasing na papa kaya ako nman nag aadvice sa knya. Yun lang paps be strong lang tsaka connection sa diyos para maganda takbo Ng isip mo
 
boss tama yung naunang comment mag focus ka sa future mo para ma kuha mo yung dream mo. Para yan sa sarili mo at matulongan mo ang kapatid mo kung may care ka, be a good influence na rin lalo na ikaw panganay.
 
Ang dami ko gustong sabhin at iadvise sayo TS, but i cant.

But anyway, Thank you for sharing your story,
apakatamad ko magbasa ng mahahabang posts pero nakuhannneton attention ko. ingat lagi
at walang ibang ibang Magandang bagay sa Mundo ngayon kundi PAGDARASAL
 
Hindi ako religious, pero religious context ang una kong sasabihin. Diba sabi sa 10 commandments "honor your parents" siguro may mga translation na nagsasabi mahalin mo magulang mo, o igalang mo magulang mo. Pero sa original na hebrew ang pinaka accurate "honor" your parents.

Sa sitwasyon mo at ng kapatid mo, wala kayo sa posisyon sabihin kung sino sakanila may sala, at ung mali. Keep a good and neutral relationship with both without judging. Ano man mangyari, magulang mo sila.

Nakakalungkot man isipin na iniwan ng nanay ung tatay mo in time he is vulnerable, pero baka pareho lang silang biktima ng toxic social pressure nung panahon nila pra magpakasal, gayon hnd pla sila dapat sa isa't-isa. Our culture has a tendency to cement any mistakes we made in our past. Pag naranasan mo saka mo lang maiintindihan, you may have done the same thing (na mali sa pananaw mo ngayon) to be honest.

Ang role nyo nlng magkapatid ay ayusin ang buhay nyo at tulungan kung sino man sakanila ang nangangailangan in time. At much better nga kung parehas sila makahanap ng partner kung saan magiging masaya sila.

You did not lose your family. Every members just sometimes need to change their circumstances.
 
Back
Top