yan ang tinuturing ko na street food dito sa uae, pag naiinip ako sa gabi at bitin ang dinner, yan binibili ko lagi. galit na galit ang gf ko kada uwi ko at maamoy nya hininga ko, amoy arabo daw hahhah. meron kasing parang sauce or ingredient sila na ewan basta ang papasok nalang sa isip mo eh lasang arabo pero másáráp naman. ahha 2 for 5aed solve na.
paminsan shawarma, ang shawarma naman dito punong puno ng meat tsaka hindi parang giniling na sa pagkakaktadtad, dito mala mini strips ang pagkaka slic. its either, mutton, chicken or mixed at may konting cabbage, may jalapeno pag spicy ang order mo. 1 jumbo spicy shawarma for 10aed, medyo namamahalan ako, pero sulit naman sa sarap haha.