What's new

Face Shield kelangan pa ba?

teamzatres

Honorary Poster
Marami nagsasabi,di na daw kelangan gumamit ng face shield, tayo lang daw ang bansang required gumamit ng face shield.

Mataas pa talaga covid cases natin, marami pa ring nagkakasakit at namamatay,

Kalat na rin ang mas deadly Delta variant, at e iba pang variants na nadidiskubre.

Marami pa rin ang hindi tama ang pag gamit ng face mask, kundi nakkababa sa bibig lang, minsan nasa baba pa.

Ang mga face shields naman, ginagawang head gear.

Sa akin naman, dagdag proyeksyon ang face shield basta tama ang pag gamit. Kaya pag lulalabas ako at pamilya ko, sigurado nka face shield kami at hindi namin inaalsa sa ulo.

Amo sa palagay nyo?
 
mas okay na yung may kasiguraduhan tayo syempre ganun nga lang ang nagiging gamet ng karamihan nilalagay lang sa ulo nila yung faceshield at dina binababa kaya useless lang pag ganun ang paggamit kaya tama po yang ginagawa niyo para safe sa lahat pero syempre hugas padin ng kamay at palit ng damit pag nakauwi na para sure na walang naiuwing virus
 
Kailangan sa..

Pag pupunta sa mga palengke, supermarket at iba pang pamilihan.

pag pupunta sa malls or sa kulob na lugar

o kaya pag nag cocommute.
 
okay sana kung ginagamit ng maayos kaso hindi eh kaya wala din kwenta, nasa tao padin kung papano nila hahayaan sarili nila upang mahawa ng sakit,
 
dapat yung pagsusuot ng Faceshield ay i-required nalang sa mga clinic/Hospital, kasi yung "faceshield, yung tig 10 or 15" na ginagamit natin eh hindi naman ganun yung ginagamit ng mga Medical Frontliner sa loob ng Hospital, pag crowded ang tao, then naka faceshield ka, ma i stay yung virus sa loob mismo ng faceshield (vortex) then pwede mo yung malanghap.

facemask is enough..

(minsan nagiging walang kwenta rin yung faceshield lalo na sa mga kainan, papasok ng may faceshield, then pag kakain, tatanggalin so nonsense yun)
 
Omsim agree ako dito. Di naman talaga dapat sa paglabas naka faceshield at sa totoo lang 1 time use lang dapat ang faceshield di yung galing na sa mahabang byahe hanggang pag uwi dala parin yun then gagamitin nanaman kinabukasan. Facemask lang at maging responsable tulad lang pag didisinfect sapat na.
 
Disiplina talaga ang kailangan may face sheild at facemask man, kung hindi tama ang pagsusuot wala rin, dapat may bastonero.
 
Ako nagsusuot pa rin para iwas sa mga dumi at alikabok sa daan. Maski siguro back to normal na eh magsusuot pa rin ako ng face shield at face mask ahaha
 
Similar threads

Back
Top