What's new

Eyeglass tipid tips

_ASTA_

Honorary Poster
Established
Joined
Oct 23, 2018
Posts
193
Reaction
38
Points
145
Age
29
Hello po. Tip ko po sa mga kapwa kong bulag hahhaha.

Para malaman nyo ang grado nyo punta kayo sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan (tiga-Muntinlupa pa ako pero dumadayo talaga ako dun). Libre lang pacheckup dun tsaka opthalmologist talaga unlike sa optical shops na optometrist lang. Sabihin nyo lang sa nurse na magiinterview na nasakit ang mata nyo tas namumula para di po kayo kwestyonin.

Tapos bili na lang kayo sa Shopee ng salamin na may grado, 199 yung pinakamura sa market. Para lang po ito sa parehas ang grado ng mga mata.

Kung di pa tiwala sa Shopee. Try nyo sa Paterno Street, Quiapo, madaming optical shops dun. Dun din naman nagpapagawa at kumukuha ng lenses and frames yung mga optical shop sa mall. 400-600 lang ang multi-coated lense, may kasama na rin na frame :)

Advisable po ang yearly checkup sa mata kasi nagbabago din ang mga grado natin :) kaya talagang magastos ang pagpapasalamin lalo na kung sa mga optical shop sa mall ka bibili. Share ko lang po ito da iba, baka kasi marami pang di nakakaalam nito. Sana makatulong.
 

Attachments

ako nagpagawa ng salamin pero di ko suot haha nakakainis kasi pag naka mask nagffog imbeg na luminaw paningin bulag ka haha
 
ako nagpagawa ng salamin pero di ko suot haha nakakainis kasi pag naka mask nagffog imbeg na luminaw paningin bulag ka haha
Same here.. gawen mo sikipan mo top part Ng mask tas malowag bottom part para dun simingaw ung steam .. tas mag mask ka muna Ng mga 5m-10 min ma steam talga pag bagong suut Ng mask , after dat pede muna suut eyewear mo
 
Sa Paterno, Quiapo na lang po kayo kung ganun. Ang alam ko meron din sa Landayan sa Laguna. Di ko nga lang alam kung bukas pa ngayon kasi three years ago nung huli kong pagawa dun. Baka may ibang lugar pa siguro na nagmamanufacture ng lenses.
 
Haha uu muntik na ko mahulog sa hagdanan ng footbridge dahil sa kakapunas. 😂
 
Yes po. Laking tipid kasi. Pero dahil nga pandemic tas same naman grado ng mata ko, sa shopee na lang muna ako.
 

Similar threads

Back
Top