What's new

Ex ko or yung bago ko?

Crepepaper

Addict
Joined
Mar 16, 2018
Posts
30
Reaction
7
Points
74
Mahal na mahal ko ex ko, kaso nakipag break sya sakin.

Pagkalipas nong 8 buwan nagkaroon ako ng gf sa ibang college. Crush nya daw ako, so interesado ako sa kanya. Kaso mahal ko siya pero biglang nag paramdam ex ko na namiss nya ako. Inaamin ko mahal na mahal ko ex ko. Pero napakaunfair sa bago kong gf. Feeeling ko ako pinakagagong tao sa mundo. Patulong nman 😔
 
Sino mas mahal mo? Bago mo o Ex mo? Left or Right lang 'yan TS.

Kung bago 'yung pipiliin mo 'wag kana makipag-usap sa Ex mo, tanggalin mo na agad 'yung communication.
Kung Ex mo pipiliin mo, makipag break kana agad, 'wag mo na isipin 'yung mararamdaman ng bago mo.

Natural lang ang manghinayang pero hindi ibig sabihin non mahal mo na.
 
Isipin mo nalang kong ikaw yong bagong babae na gf mo ano kaya pakiramdam pag binalikan mo ang ex mo? Nag aaral ka pa nga lang yan pa uunahin mo haha. Pag nakatapos kana at maayos na trabaho pag ibig na lalapit sayo magandang ugali nalang kikilatisin mo niyan
 
mas piliin mo na yung present.. dahil kapag binalikan mo pa yung ex mo sa huli masasaktan ka ulit.. nasa sayo na yan kung handa kang masaktan kapag hiniwalayan ka nya ulit..
 
yup. tama ka ikaw pinaka gagong tao sa mundo. dapat di ka muna nag girlfriend ng ibang babae kung masasabi mo pa rin sa sarili mo na mahal mo pa pala yung ex mo. masakit sakanila yun. wag ganun pre
 
nasa bagong putahe kana babalik kapa sa luma. sa present gf ka nalang tutal yung ex mo naman nakipagbreak sayo. makalimutan morin yang ex mo pag tumagal na kayo bi fresh gf
 
Up. Wag ka kasi mag madali makahanap ng iba. Mas okay kung magka gf na kahit may bumalik o magparamdam alam mo na yung nararamdaman mo hindi napapadala sa mga tukso.
 
Ibig sabihin di mo talaga gusto yung bago, di ka pa talaga nakaka move on.. Grabe ka pumasok ka sa bagong relasyon na di ka pa ayos, eh di nasira mo lang buhay pagibig niya
 

Similar threads

Back
Top