What's new

Trivia Eternal life at eternal death

blame it on me

Forum Veteran
Elite
Joined
Jun 27, 2018
Posts
1,005
Reaction
2,880
Points
752
Age
27
Mga kapatid kapag ang mga tao ay hindi nagpasakop sa bagong gawain ng Diyos nitong mga huling araw, at wala pa rin sa kanila ang pag arok sa katotohanan at nabubuhay pa rin sa nakaraan, at kung nananatili pa rin sa mga kuro kuro, ay sinasabi ng Diyos na hindi ka karapatdapat sa kaharian niya, at kung ang gantimpala sa mga nagmahal,sumunod at nagpasakop sa kanyang mga gawain at salita ay tiyak na buhay na walang hanggan magiging patas din sya para sa mga mapaparusahan, at itoy walang hanggan kamatayan.

Sabi ng Makapangyarihang Diyos,😇

🌿🌿🌿Ngayon, ano talaga ang lawa ng apoy at asupre at ang walang hanggang hukay? Sa imahinasyon ng tao, ang lawa ng apoy at asupre ay isang materyal na bagay, ngunit hindi alam ng sangkatauhan na ito ay isang maling-mali na pagpapaliwanag. Gayunman ay nasa isipan pa rin ito ng mga tao. Ang lawa ng apoy at asupre ay ang Aking kamay na naggagawad ng kaparusahan sa sangkatauhan; sinuman ang itinapon sa lawa ng apoy at asupre ay napaslang na ng Aking kamay. Ang mga espiritu, mga kaluluwa, at mga katawan ng mga taong ito ay magdurusa magpakailanman. Ito ang tunay na kahulugan ng Aking mga salita nang sabihin Ko na ang lahat ay nasa Aking mga kamay. Ano kung gayon ang kahulugan ng walang hanggang hukay? Ipinapalagay ng mga tao na ito ay isang malaking bangin na walang katapusan at hindi maarok ang kalaliman. Ang tunay na walang hanggang hukay ay ang impluwensiya ni Satanas. Kung ang isang tao ay nahuhulog sa mga kamay ni Satanas, ang taong ito ay nasa walang-hanggang hukay; kahit na tubuan pa siya ng mga pakpak ay hindi siya makalilipad palabas. Ito ang dahilan kaya tinawag itong walang-hanggang hukay. Ang lahat ng mga taong ito ay isasailalim sa walang hanggang pagkastigo; ganito ang paraan ng pagsasaayos Ko rito.

mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

1670104807904.jpg 1670104809882.jpg 1670104805787.jpg
 

Attachments

Back
Top