Yung leecher, journeyman, addict at iba pa bale RANKS yung mga 'yon. Determined yan base sa dami ng posts/messages mo. Yan yung parang tinitingnan para malaman kung gaano na karami ang na-post o na-reply mo sa forum.
Yung "Established" para yun magawa at ma-enjoy mo yung features dito sa PHC. Pwedeng addict ang rank mo tapos established ka. Yung "established" kailangan mo yun para ma-enjoy mo yung ibang features dito. Mas advantageous kapag established member ka. Kapag established ka na, pwede ka na makapag-message at ma-message ng ibang members. Pwede ka na rin magpalit ng avatar o profile picture kung tawagin. Makikita mo na rin yung mga naka-spoiler. May iba pa. Yan din yung basehan kung gaano ka ka-active lately kumbaga kasi para maging established ka dapat may at least 5 replies at 1 thread ka per month. Halimbawa, ngayong araw naka-5 replies ka na sa threads tapos may isang thread ka na rin e'di established ka na kaya magbibilang ka ng isang buwan mula ngayon tapos dapat maka-post ka ulit ng limang posts or replies at isang thread para ma-maintain mo yung pagiging established.