What's new

Closed [essay-essayan] Removal of headphone jack in smartphones

Status
Not open for further replies.

fazz12

Honorary Poster
Joined
Aug 3, 2013
Posts
605
Reaction
291
Points
213
sorry mejo rant, at mejo FYI din.

apparently ginagawang trend ng phone manufacturers na tanggalin ang headphone jack para raw sa "more battery capacity", para raw "waterproof" at makaluma na raw at "analog" ang headphone jack. ang malungkot don sinusuportahan na ng ilang consumers yun. popularized by Apple, ngayon nagsigaya na sila Google, Samsung, at kahit si Asus.

sa tingin ko talaga d*ck move yun. ok lang sana kung sa signal ng bluetooth nagchacharge or nagkakapower yung mga wireless headphones e. kaso hindi. charge mo na si phone, charge mo pa si headphone. hindi ka na rin makakapagtuluy tuloy sa soundtrip, videocall o mobile games kasi halos kada dalawa hanggang tatlong oras ichacharge mo yung bluetooth headphone mo. isa pa mas maganda pa rin ang quality ng sound sa wired headphones kesa wireless sa ngayon. isa pang nakikita kong dahilan kaya nila ginawa yan eh kasi gusto lang talaga kayong bentahan ng wireless headphones ng mga kompanya ng smartphones. wala nga naman kasi silang dagdag na kita dun sa binili mong phone na may libreng wired headphone.

yung sa para gawing waterproof ang phones, oo useful ang pagiging waterproof. kasi halimbawa umulan wala kang masilungan, karamihan sa mga pinoy una pang macoconcern sa mga gadgets nila na mababasa kesa sa sarili nila. pero gano ba kadalas mangyari yun? araw-araw ko bang sinasawsaw sa kape yung smartphone ko? kachat ko pa rin ba si jowa hanggang sa pagligo?

sa isang iglap lang wala nang silbi yung wired headphone mo. ok lang sana kung singkwenta lang bili mo jan noon, minsan nga kwarenta lang, sa cdr king pa. e pano kung wired na skullcandy yan, o yung mamahaling sony?

sa ngayon hindi nyo pa gaanong mararamdaman sa pinas yan. onti pa lang ang portless smartphones. mukha ring di pa nila target gawing portless ang mga midrange at budget phones, na karamihan sa mga pinoy, yun ang gamit. mejo late rin ang pinas na sa pagtanggap ng mga bagong techs. pero ilang taon pa, magiging talamak na rin yan dito.

masaklap nyan pag pati mga laptop at pc manufacturers magsigaya na rin. pano na yung mga call centers? every two to three hours magchacharge ng headphones nila. di na pwedeng tuluy-tuloy ang trabaho hanggang walong oras. maybe later in life makakamove on din ako pag powered by bluetooth na yung mga wireless headphones at nag improve na yung quality ng sounds sa bluetooth. pero for now, it's an annoying "innovation" kuno, really.
 
Last edited:
totoo yan lods pero may converter pa naman para magamit si 3.5 mm jack kung type c si android may pin dun for audio .
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top