Mas maganda sana kung gawin natural. Ang nakikita ko ay parang nagmamadali na makalimot agad. Dahil kung ganyan ang scenario, may posibility na ang outcome ay hindi maganda ang result. Baka magkaroon ng harmful effect.
Madami naman ata pwede pagkaabalahan at hindi lang gagamit ang tao para makalimot agad. Pwede mag yoga, mag exercise, focus sa dreams and ambitions, focus sa spiritual growth, aliw-aliwin ang mga cute cats or cute dogs kung meron pet, magmeditate...... mga ganun ba?
Para kasing ang bilis. 2 weeks ba kamo diba nagbreak up? Iyon. Parang ganyan ang nangyari sa akin noon teenager ako. Pinagbigyan ko lang siya dahil halatang hindi maka move on.
Wala ako gusto sa kanya. Friends lang kami pagkatapos nagsasabi siya ng hinaing niya na meron iba raw ang girlfriend niya. Mga ganun ba? Naiintindihan ko naman siya. Pagkatapos ganun din, nagyayaya sa mall, nililibre ako ng pagkain kahit meron ako sariling pera. Wala ako magawa? Gusto niya. Binilhan pa niya ako ng stuff toy na pusa. Natuwa ako sa stuff toy na pusa dahil mahilig ako sa pusa, but wala ako gusto sa kanya.
Friends lang talaga. Appreciation lang ba sa ginagawa niya. Ganun lang. Pagkatapos narinig ko na lang sa kanya na girlfriend na daw niya ako. Mabilis. Tuwang-tuwa pa nga. Pinautos pa sa akin na tawagin ko daw ang ex girlfriend niya at sabihin ko daw na ako ang new girlfriend niya. Ginawa ko naman dahil pinagbibigyan ko lang and of course, halata naman na nakakaawa. Pagkatapos ang funny pa, nang nag usap kami ng ex girlfriend niya , sabi, dalawa ang boyfriend niya. Siya ang pangatlo.
Hindi ko siya kinoconsider na boyfriend pero kinoconsider niya ako na girlfriend. Mabilis. Marami din ibinibigay sa akin pagkatapos nang sinabi ko na stop na, naiyak na sa akin at ako ang sinisi na tinake advantage ko daw siya. Wala naman ako hinihingi. Siya lang naman ito bigay ng bigay.
Unfair iyon dahil siya ang nagbigay, pagkatapos mahihiya na lang ako tumanggi dahil effort nila so eaappreciate na lang kung ano binigay and yet, in the end, kapag hindi naayon sa gusto nila, kami ang sisisihin na keso tinake advantage namin.
Clueless talaga ako nun and iyon ang experience ko kaya that time, ayoko na kung ano-ano ibinibigay sa akin na hindi ko naman hinihingi kapag meron lalake ang nagkakagusto sa akin. Ayoko.
Kaya for me, parang ang bilis ng scenario based sa kwento. Wala naman masama ma inspired at kiligin pero siyempre diba? Hinay-hinay lang. Hindi pa nga sure sa babae na iyon kung iyon na talaga ang inaasahan mo or malay natin, nagkamali ka ng akala pagkatapos in the end, siya ang sisisihin mo na keyso tinitake advantage ka niya dahil meron ka ng ibinigay sa kanya.