What's new

Help Electric Fan Capacitor

Pinsan ni Einstien

Honorary Poster
Joined
Oct 21, 2015
Posts
368
Reaction
70
Points
142
Age
31
Ask lang po sa mga expert dito, Nasira po kasi capacitor ng Electric Fan namin 1.2uf Capacitance at 450 v ac sya, ngayon po di ako makahanap ng capacitor na may gantong specs. maliban sa 1.2uf na may 400 v ac na spec. sabi sa store na pinagbilhan ko ok lang daw yun at capacitance lang naman ang concern at hindi yung voltage rating, kaso kasi madami kasi akong nababasa na ok lang sumubra sa voltage rating wag lang bababa sa original na voltage rating nito dahil baka di kayanin at masunog. Ok po kaya na 400 v ac lang ikabit ko? thanks po sa advice in advance.
 
Tama naman yung tao sa pinagbilhan mo walang Kaso don pero kadalasan Kasi mahina ang Palo kaya mahina ang hangin. ayos lang yan kapatid. If humina man try mo nalang bumili ng 450 ulit or 500. Hanggang diyan lang dapat!
 
Update: bale 1.5uf 400v ac po kinabit ko, so far gumana naman, pero di ko na tenest yung number 2 at 3 haha, kontento na ako sa 1, malakas naman na,.thanks po ulit sa advice.
 
Okay lang yan ts kahit 400v ang capacitor mo, dahil 250v a.c. lang naman ang kuryente natin ang mahalaga same ang capacitance at huwag bababa ang indicated voltage ng capacitor kaysa sa input voltage na papasok sa kanya.
 
1.2uf ang orig cap mo at pinalitan mo ng mas mataas na cap 1.5uf lalakas talaga ang ikot nyan... Wag ka lang mag 3 kasi iinit ang motor ng fan mo... Kasi susubra na sya sa rated rpm ng design ng coil...
 

Similar threads

Back
Top