What's new

Help Dumi na may dugo

ShadowsucksR

Forum Veteran
Elite
Kanina lang nag cr ako may dugo ung dumi ko, tapos konti lang ung buo na dumi puro matubig na dugo lumalabas, pero wala naman akong naramdaman na masakit kanina nung ngyari yun, nitong mga nakaraang araw napapansin ko kapag dumudumi ako medyo may kulay na ung tubig sa bowl na papunta na sa kulay ng dugo, hindi ko masabi kung anong kulay yun.
 
Maaring mayroong ilang posibleng dahilan kung bakit mayroon kang dugo sa iyong dumi. Maaaring ito ay sanhi ng mga sumusunod:

1. Hemorrhoids - Isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng dugo sa dumi ay ang hemorrhoids o mga namamagang ugat sa paligid ng anus. Ang pagkakaroon ng dugo sa dumi ay karaniwang kasama ng pangangati, pananakit, at pamamaga ng anus.

2. Anal Fissure - Ito ay isang maliit na hiwa o sugat sa anus na maaaring magdulot ng sakit at pagkakaroon ng dugo sa dumi.

3. Inflammatory Bowel Disease - Ito ay isang pangkalusugang kondisyon na kung saan ang immune system ay nagkakamali at nakakapinsala sa mga pader ng bituka. Nagdudulot ito ng mga sintomas tulad ng pagkakaroon ng dugo sa dumi, diarrhea, at sakit sa tiyan.

4. Colon Polyps - Ito ay isang uri ng bukol na nagbibigay ng posibilidad ng pagkakaroon ng kanser sa bituka. Kadalasan ay walang sintomas ang colon polyps, ngunit minsan ay nagdudulot ito ng pagkakaroon ng dugo sa dumi.

Kailangan mong makipag-ugnayan sa iyong doktor upang masiguro na malaman kung ano talaga ang dahilan ng iyong mga sintomas. Maaring magrekomenda ang doktor ng mga laboratory tests tulad ng fecal occult blood test, colonoscopy, o sigmoidoscopy para malaman kung ano talaga ang nangyayari sa iyong katawan.
 

Hemorrhoids

Also called piles, are swollen veins in your anus and lower rectum, similar to varicose veins. Hemorrhoids can develop inside the rectum (internal hemorrhoids) or under the skin around the anus (external hemorrhoids). Nearly three out of four adults will have hemorrhoids from time to time.

Symptoms of Hemorrhoids:
  • Bright red blood in your stool, on toilet paper, or in your toilet bowl.
  • Swelling or a hard lump around your anus.
  • Itching.
 
Kung pula or fresh na dugo almoranas. Kung brown or darkish at clots dun ka na kabahan patingin ka na agad. Simple lang solusyon sa almoranas, vitamin c lang. Lam ko dahil may almoranas din ako.
 
Ulcer or almoranas yan ts ang nanay ko my dugo dindumi niya pinatingnan namen sa ospital my ulcer pala kaya my dugo ang dume punta ka ospital para maagapan mo yan ts
 
ask ko lang po, nagdudugo po ba kahit hindi kayu tumatae?
Hindi

delikado na yan boss signs na rin yan ng colon cancer
Oo nga eh nag search ako, naninigarilyo pa naman ako

Kung pula or fresh na dugo almoranas. Kung brown or darkish at clots dun ka na kabahan patingin ka na agad. Simple lang solusyon sa almoranas, vitamin c lang. Lam ko dahil may almoranas din ako.
Para syang light red, kakulay ng EMPi pero walang brown
 
nangyari din sakin yan wayback 2020 ts dahil sa sobrang init at pagkain ng maanghang, sinaggest sakin ng doc nun na kain ng more fiber na gulay/prutas, saging 3x a day tapos inom madami tubig after 2 - 3 weeks nawala .
 
nangyari din sakin yan wayback 2020 ts dahil sa sobrang init at pagkain ng maanghang, sinaggest sakin ng doc nun na kain ng more fiber na gulay/prutas, saging 3x a day tapos inom madami tubig after 2 - 3 weeks nawala .
2 - 3 weeks rin may dugo yung dumi mo? Tsaka anong sakit ung sinabi nung doktor?
 

Similar threads

Back
Top