What's new

Does having a particular knowledge makes you more a better person than the others?

Status
Not open for further replies.

Cerebellum

Eternal Poster
Joined
Oct 31, 2021
Posts
1,183
Reaction
532
Points
423
Somehow, napapaisip talaga ako. It's a question na naglalaro sa isip ko. Dahil ba sa ang isa ay mayroong kaalaman, whether it is from a holy book or it is gained through basic education (gaya sa college, mga theories or philosophy), eh ibig sabihin, mas better person na siya kaysa sa mga wala nito?

Kasi, when it comes to morality daw kasi, kahit may religion, or naniniwala sa Diyos, or hindi, bakit may nakagagawa ng krimen?

Dahil ba sa mas marami ang naniniwala sa Diyos at nakukulong dahil sa nagawa nilang kasalanan na labag sa batas ng tao, puwede na ba yon gawing dahilan para sabihing ang kanilang paniniwala sa Diyos ang naging reason para makagawa sila ng kasalanan, or to categorize them as immoral?

Kung gayon, bakit may mga taong kahit edukado (or, nakatapos sa kolehiyo) at may awtoridad eh nagiging disrespectful at pumapatay pa nga ng kapuwa tao? Isipin mo yon, nag-aral pa nyan sila ng mga theory, philosophy, and science pero same results sa mga taong naniniwala din naman sa Diyos, nakagagawa pa rin ng krimen or kasalanan na dahilan para ikulong sila. So, bakit palilitawing 'mas masama' yung karamihan ng naniniwala sa Diyos, dahil convicted, kung same lang naman sa mga edukadong tao na nakagagawa pa din naman ng krimen kahit nag-aral ng mga theory, philosophy and science?

What's the difference ba?

(Just wanna ask, if you asked and I didn't answer, it's my choice, choice mo din naman kasi kung sasagot ka sa tanong ko or hindi eh) 😉
 
Last edited:
May demonyo kasi na manunukso at ang laman ng tao ang tinatarget nyang tuksuhin , pinapainan niya ng makamundong pagnanasa mga earthly things, kaya nakapag aral ka man o hindi subject ka ng demonyo para e corrupt ang isipan mo, hindi na nakapagtataka iyo ts, tapos ang mga may religion naman ay depende sa religion at depende sa pagtanggap ng tao sa doctrines ng religion na iyon na kinaaniban nila kung magiging masama sila o hindi
 
Last edited:
Somehow, napapaisip talaga ako. It's a question na naglalaro sa isip ko. Dahil ba sa ang isa ay mayroong kaalaman, whether it is from a holy book or it is gained through basic education (gaya sa college, mga theories or philosophy), eh ibig sabihin, mas better person na siya kaysa sa mga wala nito?
no, it will not make you a better person because all others are acquiring same knowledge as well

Dahil ba sa mas marami ang naniniwala sa Diyos at nakukulong dahil sa nagawa nilang kasalanan na labag sa batas ng tao, puwede na ba yon gawing dahilan para sabihing ang kanilang paniniwala sa Diyos ang naging reason para makagawa sila ng kasalanan, or to categorize them as immoral?
no, it does not mean na ang pagtiwala sa god ang dahilan ng pagkakasala, it only means religion has nothing to do for being a good/bad person

Kung gayon, bakit may mga taong kahit edukado (or, nakatapos sa kolehiyo) at may awtoridad eh nagiging disrespectful at pumapatay pa nga ng kapuwa tao? Isipin mo yon, nag-aral pa nyan sila ng mga theory, philosophy, and science pero same results sa mga taong naniniwala din naman sa Diyos, nakagagawa pa rin ng krimen or kasalanan na dahilan para ikulong sila. So, bakit palilitawing 'mas masama' yung karamihan ng naniniwala sa Diyos, dahil convicted, kung same lang naman sa mga edukadong tao na nakagagawa pa din naman ng krimen kahit nag-aral ng mga theory, philosophy and science?
no, it does not mean na mas masama ang theists, it only means that religion has failed to deliver their expected output: good persons, if further refind, religion failed to make difference with the non-believers
 
no, it will not make you a better person because all others are acquiring same knowledge as well
yan din naman ang point ko ..

no, it does not mean na ang pagtiwala sa god ang dahilan ng pagkakasala, it only means religion has nothing to do for being a good/bad person
It depends sa turo ng religion at kung paano nakakaimpluwensiya sa paraan ng pamumuhay niya yung kaniyang beliefs .. so, may papel pa din pero depende ..

no, it does not mean na mas masama ang theists, it only means that religion has failed to deliver their expected output: good persons, if further refind, religion failed to make difference with the non-believers
so, your only point here is that the religion (had) failed to make difference with the non-believers ..

Walang kinalaman dito kung maraming naniniwala sa Diyos ang nakulong kundi kung paano nagfail ang religion when it comes sa pagpo-produce ng mga tao na hindi nakapipinsala sa iba ..

Marahil sa bagay na yan ay, kahit papaano, naiiba kami ..

Pero, sa kabilang banda sang-ayon ako at hindi sang-ayon na nagfail ang religion ..

Sang-ayon ka na nagfail ang religion dahil hindi nila naituro ng tama sa mga tao ang katotohanan tungkol sa Diyos at kung anong uri ng pamumuhay ang gusto niya para sa mga tao .. Sa kabilang banda eh, hindi ako sang-ayon na nagfail ang religion, dahil its individual choice naman kung susundin niya ang paniniwala niya or hindi ..

Kasi may mga religion naman na may magagandang turo para sa buhay ng mga tao, pero dahil sa mas pinili ng mga miyembro nito na suwayin ang kanilang paniniwala, kaya nakapipinsala sila sa iba .. Dahil dyan, naisisisi tuloy sa kanilang relihiyon at paniniwala ang mga kasalanang nagawa nila ..

malalim ata yung tampo mo sa mga militant atheist. ganun talaga tactics nila, aatakihin nila yung sanity mo as a believer.
hindi naman po, sakto lang .. may mga bagay lang din ako na kinukuwestiyon pagdating sa kanilang mga katuwiran at pinaniniwalaan ..
 
Last edited:
It depends sa turo ng religion at kung paano nakakaimpluwensiya sa paraan ng pamumuhay niya yung kaniyang beliefs .. so, may papel pa din pero depende ..
until now walang output na makikita na meron isang religion within the theists group na totoong nakiki-alam sa being a good/bad person, ang nakikita lang is it doesn't make any difference

Marahil sa bagay na yan ay, kahit papaano, naiiba kami ..
easy to claim but finding the output is very difficult

Kasi may mga religion naman na may magagandang turo para sa buhay ng mga tao, pero dahil sa mas pinili ng mga miyembro nito na suwayin ang kanilang paniniwala, kaya nakapipinsala sila sa iba .. Dahil dyan, naisisisi tuloy sa kanilang relihiyon at paniniwala ang mga kasalanang nagawa nila ..
still can be considered failure of religion knowing it had become ineffective on producing good persons
 
until now walang output na makikita na meron isang religion within the theists group na totoong meron kinalaman ang religion, ang nakikita lang is it doesn't make any difference
nakadepende yan sa kung paano mo tinitingnan ang mga religion at ang mga naniniwala sa Diyos ..

i'll try to make an example para mas madaling maunawaan ..

easy to claim but finding the output is very difficult
nakadepende din yan sa kung paano mo sinusuri ang isang religion ..

still can be considered failure of religion knowing it had become ineffective on producing good persons
puwedeng oo, puwedeng hindi ..

Let's try this example:

Remember the police na pumatay sa mag-Nanay?
1659762075237.png

Nakatapos naman siya sa college at sa pinasukan niyang kolehiyo. Tinuruan din naman silang maging disiplinado at maging masunurin sa batas. Pero ang tanong, why did he done such heinous crime?

Dahil ba sa ginawa niya eh nagfail na ang school na pinasukan niya? o ang mga itinuro sa kaniya? o ang kapulisan na kinabibilangan niya?

Sasabihin mo bang, "well, the whole policemen is a failure".
What do you think?

What about the doctor who shout and disrespects the driver na nakasagutan niya?

1659762260919.png

Dahil ba sa ginawa niya eh nagfail na ang school na pinasukan niya noon, o ang mga itinuro sa kaniya o ang mga doktor at ospital na kinabibilangan niya?

Sasabihin mo bang, "well, all doctors are a failure".
What do you think?
 
Attachments

Last edited:
nakadepende yan sa kung paano mo tinitingnan ang mga religion at ang mga naniniwala sa Diyos ..

i'll try to make an example para mas madaling maunawaan ..

nakadepende din yan sa kung paano mo sinusuri ang isang religion ..

puwedeng oo, puwedeng hindi ..
still no output, hanap ko yung output e at yun sana susuri-in ko

Let's try this example:

Remember the police na pumatay sa mag-Nanay?
View attachment 2068518

Nakatapos naman siya sa college at sa pinasukan niyang kolehiyo. Tinuruan din naman silang maging disiplinado at maging masunurin sa batas. Pero ang tanong, why did he done such heinous crime?

Dahil ba sa ginawa niya eh nagfail na ang school na pinasukan niya? o ang mga itinuro sa kaniya? o ang kapulisan na kinabibilangan niya?

Sasabihin mo bang, "well, the whole policemen is a failure".
What do you think?

What about the doctor who shout and disrespects the driver na nakasagutan niya?

View attachment 2068529
Dahil ba sa ginawa niya eh nagfail na ang school na pinasukan niya noon, o ang mga itinuro sa kaniya o ang mga doktor at ospital na kinabibilangan niya?

Sasabihin mo bang, "well, the all doctors are a failure".
What do you think?
school is common to all, so being in school does not make you any better since all others are going to school

religion is not common to all and it is expected that those have religion should be way better than those have none
 
to answer your question, "Does having a particular knowledge makes you more a better person than the others?" Yes. Having a certain knowledge on something gaya ng mga nagaral at nagaaral ng philosophy, theory, at science ay kumg ikukumpara sa mga taong di nakapagaral nito ay in some way, better compared sa taong hindi nakapagatal nito. Ang tawag sakanila ay experts. Now, this varies depending on your definition of "better", if in knowledge yes it does make you a better person but if your definition of a better person is based on their morality, no. You should know na no matter what someone's belief is, mapa theist ka man or atheist ay walang makakacontrol sa actions mo as an individual. kaya nga tayo may free will. Ngayon, bakit may mga masasamang tao na naniniwala sa Dyos at mga nakapagaral ng philosophy, theory, at science ay nakakagawa pa rin ng kasamaan? Gaya nga ng sabi ko, may free will tayo, may sariling desisyon ang tao kung susundin nya ba ang norms ng simabahan o magpapainfluence sya sa mga bagay na umuudyok sa tao na gumawa ng masama. This applies sa atheists also, iba iba ang reason ng mga atheist kung bakit hindi sila naniniwala na may God, however this does not affect their morality. Nasa atheist na yan kung hahayaan nyang maimpluwensyahan sya ng bagay na magdudulot para sakanya na gumawa ng masama.

To sum it up, maraming bagay sa mundo na nakakaapekto sa desisyon nating mga tao, alam natin ang tama at mali may pinaniniwalaan man o wala. Mayroon tayong freewill na nagbibigay satin ng pagkakataon na pumili kung ano ang ating susundin; tama o mali.

p.s. nagreply ako dito para sa mga makakabasa nito at hindi para sa iyo dahil base sa mga thread mo ay isa kang firm believer and I don't plan to bend or make you believe what i believe, Just don't generalize atheists and agnostics na dahil lang sa nabasa or nakausap mo na atheist ay ganun na ang reasoning ng lahat ng hindi naniniwala sa Dyos. Piliin mo mang hindi magreply dito, ts nasabi ko na ang piece ko, we can agree to disagree naman :D
 
nahhh .. paano mo nasabing hindi common eh sa buong mundo napakalawak ng impluwensiya ng relihiyon .. Bago pa umusbong ang paniniwala na "walang Diyos" eh nauna na ang paniniwala na mayroong Diyos .. So, paano mo nasabing religion is not common to all?
those have religion should be way better than those have none
but I also expected din kasi na those have gained education should be way better than those have none .. kasi hindi naman lahat nakakapag-aral ..

I love your comment .. Thank you .. Hahahaha .. Hindi ko naman gine-generalize yung mga atheist .. But some of them lang naman ..
 
nahhh .. paano mo nasabing hindi common eh sa buong mundo napakalawak ng impluwensiya ng relihiyon .. Bago pa umusbong ang paniniwala na "walang Diyos" eh nauna na ang paniniwala na mayroong Diyos .. So, paano mo nasabing religion is not common to all?

but I also expected din kasi na those have gained education should be way better than those have none .. kasi hindi naman lahat nakakapag-aral ..

I love your comment .. Thank you .. Hahahaha .. Hindi ko naman gine-generalize yung mga atheist .. But some of them lang naman ..
yes ts, may iba talagang ganyan ang analogy gaya ng sinabi mo sa taas. May iba rin namang hindi kaya nakadepende na yan sa maeencounter mo. Hindi marerepresent ng isang tao ang belief nila as a religion and as an atheist. :))
 
nahhh .. paano mo nasabing hindi common eh sa buong mundo napakalawak ng impluwensiya ng relihiyon .. Bago pa umusbong ang paniniwala na "walang Diyos" eh nauna na ang paniniwala na mayroong Diyos .. So, paano mo nasabing religion is not common to all?
education is compulsory but religion is voluntary which makes it not common to all

but I also expected din kasi na those have gained education should be way better than those have none .. kasi hindi naman lahat nakakapag-aral ..
education is compulsory, those who did not comply are in a very few numbers, and education teach sciences which have nothing to do with getting into heaven or doing good things
 
yes ts, may iba talagang ganyan ang analogy gaya ng sinabi mo sa taas. May iba rin namang hindi kaya nakadepende na yan sa maeencounter mo. Hindi marerepresent ng isang tao ang belief nila as a religion and as an atheist. :))
very good po ... thank you ... basta I like your answers, para kang nagrecitation sa college .. hahaha
 
education is compulsory but religion is voluntary which makes it not common to all
but it has the same idea na nakakakuha sila dito ng knowledge, isn't it? whether it is compulsory or voluntarily, eh sa bagay na yan, parehong may concept ng pag-adapt at pag-apply ng mga natutunan ..

I expected na those people na nakakapag-aral, eh sila yung matitino at marunong rumespeto sa iba ..
hahaha pwede na ba ts, incoming college ako this year hahahah
ayos yan .. focus lang .. hahahaha ..
 
but it has the same idea na nakakakuha sila dito ng knowledge, isn't it? whether it is compulsory or voluntarily, eh sa bagay na yan, parehong may concept ng pag-adapt at pag-apply ng mga natutunan ..
knowledge from religion is different from knowledge from school, kasi if same lang naman pala ang knowledge no need kana mag religion since we have schools
 
but do you think, religion and schools, has different goals pagdating sa pagpapabuti ng komunidad?
 
yes different, for me schools focus on survival in order for human to maintain being the surviving variant, it does not care if what you do is good as long as you have the required intellect to survive

religion teaches how to please someone by doing good things
 
so, do you think, its for survival lang? .. basta makasurvive, kahit idominate yung iba kasi ganun naman nag-evolve ang mga tao noon, ika nga ninyo ..

hindi niya goal na mapabuti ang komunidad? hindi niya goal na i-please ang sinuman sa pamamagitan ng paggawa niya ng mabuti?

ahhhh. so, yan na yung pinaka-paniniwala mo tungkol sa religion?

hindi ba goal ng religion na mapabuti ang komunidad?
 
yes hindi niya goal iyon, it does not care nga sabi ko

ahhhh. so, yan na yung pinaka-paniniwala mo tungkol sa religion?

hindi ba goal ng religion na mapabuti ang komunidad?
nope, look at your bible, it does not teach all good things (on the community's perspective) but all good things on (god's perspective)
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top