What's new

Do You Love Being a Filipino?

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,885
Reaction
855
Points
527
Do you love being a filipino? Ako , ayaw ko. Nang sinabi ko sa pinsan ko na ayaw ko maging filipino. Naiiyak-iyak siya. Na hurt siya masyado. Alam ko na nasaktan ko ang feelings niya kahit hindi niya sabihin sa akin. Wala naman ako intention saktan siya pero siyempre , nag-uusap usap kami then biglang na bulgar ko sa kanya na matagal ko na ayaw maging filipino na in fact , hindi lang sa ayaw ko maging filipino. Ayaw ko talaga ng bansang Pilipinas. Ayaw ko ng Philippine culture natin na kung baga andoon ang kinamumuhian ko. Minsan na tritrig ako at minsan hindi. It is a reason why ayaw ko mag participate kung ano meron sa bansang Pilipinas katulad ng nanonood ng filipino movies , filipino teleserye , filipino TV shows , hindi ako bomoboto kung sino ang presidente , hindi ako nakikinig ng filipino songs lahat na except lang ang food. Siyempre , wala naman tayo choice kung iyon ang hinanda sa atin o tipong kapag gutom na gutom ay kailangan bumili ng pagkain sa kalenderya na lutong ulam na pang filipino.

Marami kase ako ayaw. Hanggang sa ginive up ko na ang bansang Pilipinas at tumitingin-tingin ako sa ibang bansa like U.S.A , South Korea at China. Iyon lang naman kase ang napapanood ko na ibang movies at teleserye. Mas interested ako sa ibang culture at kapag curious ako sa ibang culture and nagustuhan ko , nangangarap ako na sana ibang bansa ako ipanganak basta huwag lang dito sa Pilipinas.

Kaya kapag meron nag iimitate from filipinos to South Korea or other countries , na ooffend ako. Wala kaseng ka orig-orinality. Basta , mahirap na eexplain.

Kayo? Do you love being a filipino? Or sadyang ayaw niyo rin? Kung ayaw niyo rin , congrats! Same tayo dalawa 😁

Nagpapasalamat ako at democratic country tayo dahil kung communist country ang atin ay kapag sinabi ko na ayaw ko ng filipino at ayaw ko ng bansang Pilipinas , siguro death penalty na ang aabutin ko.

 
Technically hindi na ako filipino. Kinailngan ko irevoke citizenship ko pra sa citizenship dito sa US.

Naiintindihan kita. But i dont feel the same way.

Naiintindihan kita dahil napansin ko kramihan ng mga toxic feautures ng cultura natin. For example: We have a disgusting level of nationalism. We get offended easily pag nacriticize ang lahi, ang bansa o ang kultura natin. But at the same time, we are inherently racist.
Eto p example. When we identify as "mahirap" nagagalit tayo sa mga myyman. Pero anytime na maramdaman natin na ung mga tao sa paligid natin ay lower hierarchy, we tend to expect to feel that difference in power and aura. May kilala ako ineenglish pa yung fishball vendor, samantalang sa bukid nmn siya lumaki, at npakadrama dahil inaapi daw sila ng pamilya nila na mas may kaya.
The thing is maraming concept at tradition ang ntutunan natin without even realizing na mali na pala yun. Pero pag pumunta tayo sa ibang bansa, at ginawa nila mga practices natin, we get offended or bothered.

Pero i dont hate being a filipino. Sa ibang bansa ako pinanganak, at sa ibang bansa na citizenship ko ngayon. We are a flawed nation just like everyone else. Nothing will change the comfort of being home.
 
yes natural .kaso pinaka toxic ang ugali ng pinoy!
kaya na baband na sa global chat sa games ang pinoy 🤣🤣🤣 asar talo pa 🤣🤣
 
i love being me but not being a filipino dahil mga pinoy are so culture hugging and religion hugging
 
well mukang ayaw nia lang ung culture na meron dito at inggit sya sa culture ng iba yun lang un di niya na kikita ung maganda sa culture ng Philippines and di din niya na kikita ung negative sa culture na gusto niya.
 
It's funny lang.. sabi nya...
ayaw ko mag participate kung ano meron sa bansang Pilipinas katulad ng nanonood ng filipino movies , filipino teleserye , filipino TV shows , hindi ako bomoboto kung sino ang presidente , hindi ako nakikinig ng filipino songs lahat na except lang ang food.

Tapos naka JOINED ka dito sa PHCorner which is a "FILIPINO" forum for tech and other discussions related to the PHILIPPINES!

Then ano pa ginagawa mo dito?


Hahahha.jpg
 

Attachments

Last edited:
Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay..Imbes na yan isipin mo ineng/iho eh gumawa ka ng ikakaproud naten mga pinoy.kahit bilang mabuting mamayan lang eh malaking kontribusyon yun sa bansa. malalaman mo yan kapag nasa ibang bansa ka. Maaring now eh ayaw mo maging Pinoy pero kung mamahalin naten yun bansa kung saan tayo malaking matutulong para pagkakilanlan naten sa buong mundo.May mga pangit tayo katangian at magandang katangian, Anu pa man yun tayo eh mga Pinoy.Walang magmamahal sa bansa naten kungdi tayo mga Pinoy
 
It's funny lang.. sabi nya...


Tapos naka JOINED ka dito sa PHCorner which is a "FILIPINO" forum for tech and other discussions related to the PHILIPPINES!

Then ano pa ginagawa mo dito?


View attachment 2311065
Hindi ko naman nabasa iyan at saka hindi pa naman ako bina-ban. Wala silang rules about banning people who did not love being filipinos. Meron silang rules dito sa thread at discussion kung ano ang ebaban dapat pero hindi patungkol sa ganyan.

Pangalawa. Wala naman ako option at no escape ako and so wala akong choice kung hindi mapadpad dito dahil kung lahat naman din halimbawa , e ayaw ko na magparticipate sa lahat ng philippine forum , well , saan ako mag eexpress ng ideas ko? Quora? Hindi naman ako ekspert in spoken english.

Nakiki-ride on na lang ako dito kunyari para you know , I am one of them dahil kapag absolute ako nagpakatotoo ay magiging outcast ako malamang. Maaaring ikamatay ko dahil nasa Pilipinas tayo at dagdag na kapag absolute din na hindi ako magparticipate sa ano man philippine forum , wala ako masasabihan in the online world dahil kapag sa real world ay mas malala pa since wala naman nakakaunawa sa akin kungdi ako.

Mahirap maging outcast. Nasubukan niyo iyon? Kapag nasubukan niyo iyon , mapipilitan kayo mag suicide or magkaroon ng criminal acts like killing someone or ano dahil hindi siya kabilang sa group.

Tingnan niyo ang nangyayari sa ibang bansa. Struggling ang ilan na mga Pagan witch na andoon since Christian society sila. Hindi sila lumalabas sa lungga dahil sa takot na baka ma discriminate sila ng mga Christian. Maaari na hindi sila makakuha ng trabaho.... mga outcast kung baga? Pero hindi naman nagtagal , nag vo voice out na rin sila.

Malamang hindi ako makakakuha ng trabaho at mamamatay din ako sa gutom dahil nakakulong na ako sa bahay hanggang mamatay which is hindi siya maganda sakaling lahat na lang ay hindi ko e paparticipate. Yeah. Hindi ako nagpaparticipate as long as kaya ko pero kapag no option kase , nakiki-go with the flow na lang ako. No choice.

Minsan lang na natritrig ako na magkaroon ako ng kamumuhian sa bansang Pilipinas pero nawawala naman siya kapag finofocus ko sa ibang sitwasyon. Minsan lang naman dahil ako lang ang nag susuffered kapag masyado ko iniintindi ang philippine culture. Nakakaisip nga ako mag suicide pero sabi , huwag daw kontrolin ang sitwasyon na hindi ko kontrol. Kontrolin ko lang raw kung ano ang makakayanan ko e kontrol.

But willing ako na e ban nila ako if gusto nila since ganyan pala ang nakasulat pero wala naman kase silang rules about banning members na hate to be a filipino.

Ang haba ng sinabi mo, ni hindi mo naman sinabi kung bakit ayaw mo maging Filipino.​

Ayaw ko ng Philippine culture as a whole. Karamihan pero hindi lahat but kung gusto mo malaman ang isa-isa na ayaw ko , o sige , e lilista ko pa siya dito.

Ang ayaw ko ay pagdating sa...

-love , relationship and marriage.

Okay lang ang love , relationship and marriage. Ang ayaw ko lang ay kung pa paano mag behave ang lalake at babae sa bawat isa.

You know na meron sila social behavior something like ang lalake ay kinakailangan manligaw ng babae at ang babae ay kinakailangan na ligawan ng lalake. I am just being honest with myself and kapag lumampas ang kahit anong gender sa role na ginagampanan nila , andiyan na ang isang katutak na diskriminasyon na wala na freedom makapag express sa self kung ano ang gusto natin as individuals.

Suppressed kung baga dahil we need to follow a social standard norms na acceptable sa mga tao bilang kung ano ang dapat e behave ng lalake at babae.

Ang sunod ay sexuality. Womens' sexuality is still consider a taboo o forbidden. Uso pa dito sa Philippine culture na womens' vlrginity is a first gift to a first husband although meron ibang tao na hindi na sinusunod ang mga ganyan klaseng ideology , majority wins ay ganyan pa rin ang na cultivate sa mentality ng mga tao and what worse na record sa isip ng mga tao sa Pilipinas na keyso meron silang palantandaan sa babae na hindi na vlrgin. Meron naman explaination patungkol doon na it is a myth nga lang siya but still , people rely on the bible na totoo daw siya na meron bleeding na nangyayari kapag first sexual interaction. Since bible lang ang the only truth para sa kanila , iyon lamang ang susundin at paniniwalaan. Wala ng iba pa. So kawawa ang babae na vlrgin pa na nagkataon na hindi naman nag bleed during first sexual interaction na iniiwan ng boyfriend o kung sino man dahil lang sa nalaman lang na hindi nagbleed ang babae.

Sunod , well , ang ayaw ko ay extremely religious na sobrang religious ang bansang Pilipinas ay nagiging hindrance na ang creativity at critical thinking ng mga filipino kung kaya walang development ang bansang Pilipinas. Bawat meron idea na lumalabas , based on concience ay ererely pa ng mga tao kung ano ang nilalaman sa written bible.

Sunod , walang gender equality ang Pilipinas. Though meron ng mens' right at womens' right ay hindi ako kuntento sa nakikita ko dahil kulang pa rin. Alam ko na naman na hindi naman pwede bumagsak ang patriarchal culture dahil malakas ang influence ng relihiyon diba? Given na iyan. Alam niyo naman ang ambiance ng patriarchal culture ay majority of the people are following the masculine moral authority in the society kung kaya kapag meron isang tao na bukod tangi iba sa kanila , automatic diskriminasyon ang aabutin.

Magaling ang mga filipino na mag imitate sa ibang bansa. Walang originality.

Proud to be a filipino pero proud naman mag spoken english at lahat ng businesses ay puros english kahit sa job interview mismo.

Sensitive ang mga filipino kahit kaunting humor lang from outside Philippines.

Walang lesbian and gay marriage dahil consider a taboo o forbidden.

Parasitic family na iba na ata ang definition ng filipino oriented nila na tipong imbis sariling disisyon , hihingi pa ng approval galing anak to parents or sabihin natin from whole family. So kung disisyon ng family ay " no " , well , susunod malamang ang anak or anyone in the family. Halimbawa , kapag sinabi ng family o parents na ang anak must give money sa kanila , ayaw sa gusto , magbibigay talaga and kahit sariling pangarap ay esasacrifice.

Ang pagiging mayaman sa bansang Pilipinas ay hindi aware ang mga filipino dahil nasa mentality pa rin nila na ang pagiging ambisyoso ay makasalanan.

Madami.

Nasubukan ko mag open up about a Goddess sa meet up galing forum na nasalihan ko dati , natakot talaga sila sa akin kung kaya nang nagkaroon ng meet up uli , hindi na ako sinama. Nawalan ako ng friends.

P.S.

Hindi ako Pagan Witch.


 
i don't mind being a filipino, at all. ang ayaw ko lang siguro sa (mga) filipino is that most are close-minded. mapa-politics o religion man ang usapin.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top