What's new

Closed Diy dummy battery for pocket wifi huawei e5573

Status
Not open for further replies.

nocchilda

Addict
Joined
Nov 17, 2014
Posts
287
Reaction
52
Points
115
Gumagamit ba kayo ng pocket wifi ng 24/7? Naranasan nyo na bang lumobo at tuluyan ng na-shortend ang battery life ng pocket wifi nyo?


Well gusto kong i-share itong ginawa kong alternative na paraan upang pwede nating ipangharabas pocket wifi natin na hindi natin iintindihin ang pagkasira ng battery nito.


Kung may background ka sa pagsolder ng components or kahit basic lang sa electronics eh pwedeng pwede mo itong gawin. Ako nga zero knowledge ako sa electronics pero nagpaturo lang ako magsolder at magbasa ng simple schematic. Kung as in wala talaga kayong background, eh di padiskarte nyo nalang itong ipopost kong DIY sa kakilala nyong marunong.


Ang DIY na ito ay specific for pocket wifi na Huawei E5573 modem
Ito lang kasi ang pocket wifi na meron ako kaya pasensya na sa mga may ibang model pero atleast magkakaroon kayo ng idea
huawei-mobile-4g-wifi-modem-e5573.jpg

Hindi ko ito "Original" creation kaya credits nalang sa respective creator nito. Pero dahil sa kagustuhan kong makagawa ng dummy battery napadpad ako sa mga indonesian forums regarding sa dummy battery. Mostly sa mga nakita ko iba iba ang schematic ng mga nakagawa na nito at yung iba naka-censored yung mga value ng resistor dahil binebenta nila yung gawa nila. Pero sinuwerte ako dahil may nagpost ng nabili nilang dummy battery na hindi tampered yung value ng resistor, yun nga lang low resolution kaya tsinambahan ko nalang yung color code ng resistor based dun sa image na nakita ko.



Okay tama na introduction ko, eto mga materials na kailangan natin
Gumastos lang ako ng Php130 sa lahat ng materials

  • PCB (64mmx40mm) (walang available na ganitong size kaya bili nalang kayo ng malaking dimension at ipa-cut nalang sa pinagbilhan nyo)
  • 100uF/16v capacitor = 6 pcs.
  • 4.7k ohm resistor = 1 pc.
  • 150 ohm resistor = 2 pcs.
  • Etching solution para sa PCB (Nood nalang kayo sa YøùTùbé about sa pag etch ng PCB)


Self explanatory na tong ipopost kong schematic diagram ng DIY na ito
Marami naman tutorials sa pagsolder online, para hindi na humaba pa post ko at sabi ko nga kung hindi alam padiskarte nyo nalang

i1qGl2L.jpg


Eto naman ang gawa ko, medyo panget dahil nga newbie pa
PWYzsK5.jpg

Eto ang demo video ko sa actual dummy battery na ginawa ko

===========[ Note ]===========
  • Kapag ginamit nyo na yung pocket wifi nyo na inserted na yung dummy batt. magbiblink ang light at hintayin magstop magblink (as seen on video above)
  • Once hindi na nagbiblink yung light ng wifi, pwede na itong i-on basta i-hold down lang yung power button hanggang limitaw lahat nung lights (as seen on video above)
  • Kapag biglang nagblink ulit yung power light indicator nya pagkatapos nyong i-on yung wifi, don't worry i-on nyo lang ulit. (naranasan ko kasi ito)
  • Minsan nag-ooff mag-isa yung wifi kapag walang nakaconnect na active connection sa kanya (na-experience ko ito twice pero hey no big deal naman)
  • HINDI ITO ALTERNATIVE BATTERY, KAYA HINDI ITO MAG-OON NA WALANG CHARGER, PANG-BYPASS LANG SYA SA DUN SA BATTERY SENSOR NG WIFI KYA IISIPIN NG POCKET WIFI NA MAY BATTERY ITO
  • I can't say na perfect itong dummy batt na ito dahil diniskartehan ko lang ang yung mga nakalap ko info, kaya sa mga actual electronic tech diyan feel free to correct me kung may mali sa schematic ko

Lastly do this at your own risk, I shared this kasi nagawa ko na sya at so far wala pa naman akong naencounter na problems regarding sa DIY na ito.
 

Attachments

henji said:
ilang watt ang carbon resistors?

1/2 watt po


---------------------------
hindi ko maedit post ko, may mali sa PCB (with components) diagram pero tama naman schematic at may added akong diagram ng pCB layout... eto updated

AqXyaEn.jpg
 

Attachments

Last edited:
Ive discovered an alternative method using recycled materials and it will just take about 5 to 10 mins to assemble. Ill post the instructions later.
 
No need na for this. Meron nag tutorial to bypass the battery via command. Gagana na yung pocket wifi kahit walang kung ano mang nakakabit
 
^^Turns out E5530bs pala model ng pocketwifi ko kaya di ko mahanap hanap yan suggestion mo bro. Hindi yata pwede flash custom firmware for this model. So DIY battery bypass pa din yata ang only option at this point.
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top