What's new

Tutorial DIY Car Headlight Restoration (Steaming Method)

Kaplok Kaplok

Forum Guru
Elite
Joined
Oct 19, 2020
Posts
2,971
Reaction
1,283
Points
2,030
Sa mga may oto dito na ka-PHC at mejo may edad na ang sasakyan, mapapansin natin sa katagalan lumalabo ang headlight. Unti-unti naninilaw ang kulay, at nagkakaroon ng oxidation kung saan tumatama ang beam ng ilaw. 20230506_091516.jpgMapapansin mo nlng parang ang dilim mag drive sa gabi, lalo kung silaw ka sa kasalubong. Bukod pa dyan nakakamukhang luma ng sasakyan.​



PREPPING

1. Syempre siguraduhin kumpleto ang materyales.
-Sandpaper (180, 280, 400, 600, 800, 1200, 2000 grit)
[Optional ang 180 depende sa condition, at ang 2000 depende sa gagamitin final coating]
-final coating
-masking tape or painter's tape
20230506_092221.jpg
-water sprayer bottle
16833996048226195356189822985858.jpg
-microfiber cloth for drying

2. Iparada ang sasakyan kung saan hindi expose sa araw, -para maiwasan ang kung anong adverse UV reaction - at hampas ng hangin, para maiwasan malagyan ng alikabok ang gingawa.

3. Paligiran ng masking tape ang20230506_091502.jpg headlight. Buksan ang hood if necessary. The point is maiwasan ma liha ang mga hindi mo gusto lihahin. Maaring kailanganin ng dyaryo ung mga gagamit ng spray paint for final coat.​


SANDING

Graduated ang sanding kung saan papa taas ang grit. Lower grit means mas magaspang at aggressive. I started with 280. Pwede magsimula sa 180 kung mejo malalim ang mga bakbak at gasgas ng headlight. (Eto ang pinaka labor intensive part ng process)

Wet sanding ang ginawa ko para less dumi sa sandpaper at hindi "pumurol" ang kagat. Pwede din kasi mag cause ng malalim ng gasgas ung mga naiipit na residue.​

20230506_095351.jpgTipikal na mejo madilaw at milky ang lumalabas na tubig during first sanding sa lower grit. Pag sure na nadaanan na lahat at puti na ang residue, proceed to higher grit. Mapapansing hazy ang appearance ng sanded na headlight pag natuyo.
20230506_101635.jpg20230506_103203.jpg20230506_104146.jpg20230506_105411.jpg20230506_110422.jpg

Sanding tips: Hindi kailangan diinan ang sanding. Parang nagpopolish lang ang diin. Circular motion. Hayaan ang sandpaper ang gumana at hindi ung diin mo. Make sure pantay at madaanan ang lahat ng surface.

FINAL COAT

Maraming posibleng gamitin as final coat. Mahalaga ito upang proteksyonan sa araw ang plastic/resin na headlight sa pagkadilaw at future oxidation.

Meron headlight rated na mga clearcoat paint.
Screenshot_20230506_114520_Chrome.jpgKung confident ka gumamit ng spray paint, this is your way to go. Eto ang tipikal na gamit ng mga pro sa restoration sa US.



At meron din naman wipe-on type na kasama nabibili sa mga kit.
Screenshot_20230506_114550_Chrome.jpgito pinaka mabilis i-apply ng protectant, iyong nga lang ay wala kang msyadong room for error. Minsan din ay nagiiwan ng bakas sa direksyon ng punas mo.

For this method gagamit ako ng acetate/resin liquid solution na i-steam para mas pantay ang application at walang overspray. Ang recommended ng manufacturer ay 1/3 nung heating cup.​
20230506_110558.jpg20230506_111430.jpg
After magsalin ng ⅓ nung cup, isaksak sa car outlet (12v) socket in my case. (Meron din optional kit na pwede isaksak sa wall outlet ang power supply.)

Hintayin uminit around 5-10mins. Itutok sa hazy headlight para makita mo kung gumagana na.



FINAL RESULT:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Reminder: iwasan munang maghugas or magpunas ng sasakyan within 24 hrs after application para masigurado na cured na ng maigi ang solution.

Kung interested subukan ang parehong method here is the lazada product link:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

[I am not affiliated with the sellers of this product in the links. This is just an example to show that the product is obtainable in the Philippines]

The actual store na pinagbilhan ko ng kit ko ay ito:
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 

Attachments

Last edited:

Similar threads

Back
Top