Kakabili ko lang sa Dito sim ko, pang 5 days na ngayon tapos kanina nag 1 bar nalang yung signal nya sobrang hina na. Okay naman sa area ko dito sa Pasig, okay din sya nung una sobrang bilis dinaig pa wifi, kanina bigla nalang syang nawawalan ng signal. Tapos ngayon nag 4 bar tapos okay sya mabilis tapos maya maya lang mag 1 bar ulit hanggang sa wala ng net/signal. Baka may solution po kayo, ginagamit ko po kasi sya pang OC mayroon pa akong 21gb sayang.