- Joined
- Sep 19, 2016
- Posts
- 3,556
- Reaction
- 7,216
- Points
- 2,570
Noong 1802, ipinaliwanag ni William Paley, isang klero at teologong Ingles, kung bakit siya naniniwala sa isang Maylalang. Sinabi niya na kung mapadaan siya sa isang latian at makakita ng isang bato, baka isipin niyang naroon iyon dahil sa likas na mga proseso. Pero kung isang relo ang makita niya, siguradong hindi iyon ang iisipin niya. Bakit? Kasi kitang-kita namang may nagdisenyo sa relo at ginawa ito nang may layunin.
MALAKI ang impluwensiya ng ideya ni Paley kay Charles Darwin, isang siyentipikong Ingles. Pero taliwas sa pangangatuwiran ni Paley, ipinaliwanag ni Darwin nang maglaon na ang sinasabing disenyo sa nabubuhay na mga organismo ay produkto lamang di-umano ng proseso ng ebolusyon. Para sa marami, ang teoriya ni Darwin tungkol sa ebolusyon ang pinakasagot sa pangangatuwirang may nagdisenyo sa kalikasan.
Mula noong panahon nina Paley at Darwin, marami nang naisulat tungkol sa paksang iyan. Ang argumento ng mga naniniwalang may nagdisenyo sa kalikasan at ang pangangatuwiran ng mga pabor sa ebolusyon ay ilang beses nang niretoke, nilinaw, at binago. Malaki ang impluwensiya ng dalawang paliwanag na ito sa paniniwala ng tao kung may layunin—o kung walang layunin—ang uniberso. Anuman ang paniwalaan mo, malaki ang epekto nito sa pangmalas mo sa buhay. Bakit?
Epekto ng Paniniwala kay Darwin
Maraming tao ang naniniwala sa teoriya ni Darwin. Para sa kanila, wala talagang layunin ang kanilang pag-iral. Kung ang kosmos at ang lahat ng narito ay bunga lang ng di-sinasadyang kombinasyon ng mga elemento matapos maganap ang big bang, talagang walang layunin ang buhay. Ang biyologong si Jacques Monod, na ginawaran ng Nobel Prize, ay nagsabi: “Alam na ng tao na nag-iisa siya sa isang walang-buhay at napakalawak na uniberso, kung saan basta na lang siya lumitaw. Walang patutunguhan ang kaniyang buhay pati na ang mga ginagawa niya.”
Ganiyan din ang pananaw ni Peter William Atkins, isang propesor ng kemistri sa Oxford. Sinabi niya: “Hangang-hanga ako sa kagandahan ng natatanging unibersong ito. Kung titingnan mo, napakaringal nito at napakalawak, pero walang silbi.”
Hindi lahat ng siyentipiko ay sang-ayon sa pananaw na iyan. Bakit?
Napakaayos na Uniberso—Katibayan na Dinisenyo Nang May Layunin
Kapag sinusuri ng maraming mananaliksik ang mga batas ng kalikasan, hindi nila matanggap na walang layunin ang kosmos. Halimbawa, hangang-hanga sila sa pangunahing mga puwersa na nagpapanatili sa kaayusan ng uniberso. Ang mga batas na nasa likod ng mga puwersang ito ay mukhang isinaayos na mabuti para may mabuhay sa uniberso. “Ang kahit katiting na pagbabago sa mga batas na ito ay maaaring humantong sa kapaha-pahamak na mga resulta,” ang sabi ng kosmologong si Paul Davies. Halimbawa, ang proton ay mas magaan nang kaunti kaysa sa neutron. Pero kung magiging mas mabigat nang kahit kaunti lang ang proton sa neutron, lahat ng proton ay magiging neutron. Makakasamâ ba iyon? “Kung walang proton pati na ang mahalagang electric charge nito,” ang paliwanag ni Davies, “wala ring atom.”
Dahil sa puwersang elektromagnetiko, nagdidikit-dikit ang mga elektron at mga proton, anupat nabubuo ang mga molekula. Kapag humina ang puwersang ito, ang mga elektron ay mawawala sa orbit ng nukleo ng atom, kaya walang mabubuong molekula. Kapag napalakas naman ang puwersang ito, didikit ang mga elektron sa nukleo. Sa ganitong kalagayan, imposibleng may mabuhay dahil walang reaksiyong kimikal na magaganap.
Ang katiting na pagbabago sa puwersang elektromagnetiko ay puwedeng makaapekto sa araw at sa enerhiya nito na nakakaabot sa planetang Lupa. Kapag ganiyan ang nangyari, magiging mahirap o imposible pa nga ang potosintesis sa mga halaman. Kaya nakadepende sa eksaktong lakas ng puwersang elektromagnetiko kung may mabubuhay sa lupa.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Gamit ang isang paglalarawan, ipinakikita ng aklat na Science & Christianity—Four Views ang kahalagahan ng pagiging balanse ng mga puwersa at elemento ng kosmos. Hiniling ng manunulat sa kaniyang mga mambabasa na gunigunihin ang isang taong nasa loob ng “control room ng buong uniberso.” Pinag-aaralan niya roon ang mga hilera ng mga pihitan na puwedeng i-adjust, at natuklasan niya na bawat isa’y kailangang nasa eksaktong setting para masustinihan ang buhay. Ang isang pihitan ay para sa grabidad, ang isa naman ay para sa puwersang elektromagnetiko, at ang isa pa ay para sa proporsiyon ng neutron at proton, at iba pa. Habang pinag-aaralan niya ang iba’t ibang pihitang ito, napansin niyang puwedeng baguhin ang setting ng mga ito. Matapos ang masinsinang pagkalkula, natuklasan din niya na kung babaguhin—kahit katiting lang—ang setting ng alinman sa mga pihitan, mababago ang pagkakaayos ng kosmos, anupat lahat ng nabubuhay ay maglalaho. Pero ang bawat pihitan ay nasa eksaktong setting para manatiling nasa ayos ang uniberso at may mabuhay rito. Ano kaya ang ipinahihiwatig nito?
Sinabi ng astronomong si George Greenstein: “Habang sinusuri natin ang lahat ng ebidensiya, hindi natin maiiwasang isipin na may isang makapangyarihan . . . na nasa likod ng lahat ng ito. Posible kaya na bigla na lang tayong makasumpong, nang di-sinasadya, ng makasiyentipikong katibayan na may umiiral na isang Kataas-taasang Persona?”
Ano sa palagay mo? Ano kaya ang lohikal na paliwanag kung bakit napakaayos ng kosmos? Bunga ba ito ng disenyong may layunin o prosesong walang direksiyon?
‘Basta Nandito Tayo—Tapos’
Siyempre pa, may sagot ang mga ateista. Para sa ilan, hindi ang pagkakaayos ng kalikasan ang pinag-uusapan. Sabi nila: ‘Siyempre pa, kayang sustinihan ng uniberso ang buhay ng tao. Kung hindi, wala tayo rito para problemahin iyan. Kaya wala naman talagang dapat ipaliwanag. Basta nandito tayo—tapos.’ Matatanggap mo ba ang ganiyang pangangatuwiran kung bakit tayo naririto?
Ang isa pang argumento ay ito: Balang-araw, mapapatunayan na isa lang ang tamang kombinasyon ng mga numerong puwedeng maging batayan ng mga pangunahing batas ng kalikasan. Ibig sabihin, ang mga pihitang nabanggit ay talagang kailangang naka-adjust sa tamang mga setting para umiral ang uniberso. Ang sagot ng ilan, ‘Iyan talaga ang mangyayari, kasi iyan talaga ang dapat mangyari!’ Ipagpalagay nang tama ang pangangatuwirang ito, pero hindi pa rin iyan sapat na paliwanag kung bakit tayo umiiral. Sa madaling salita, basta na lang ba umiral ang uniberso at ang mga nabubuhay rito?
Sa pagsisikap na ipaliwanag ang disenyo sa kalikasan at ang nakikitang pagkakaayos ng kosmos, ginagamit ng ilan ang teoriyang tinatawag na multiverse, o maraming uniberso. Ayon sa teoriyang ito, malamang na nakatira tayo sa isa lamang sa napakaraming uniberso—na ang lahat ay may kani-kaniyang kalagayan, pero walang isa man ang sadyang dinisenyo o may layunin. Ayon pa sa pangangatuwirang iyan at sa batas ng probabilidad, sa dami ng uniberso, siguradong may isa sa mga ito na makakapagsustini ng buhay. Pero ang totoo, ang teoriyang iyan ay walang makasiyentipikong basehan—puro lang espekulasyon.
Matapos banggitin ni Christian de Duve, isang biyokimiko na ginawaran ng Nobel Prize, na hindi siya sang-ayon sa teoriyang iyan, sinabi niya: “Sa palagay ko, ang buhay at isip ng tao ay kagila-gilalas na, marami mang uniberso ang umiiral o posibleng umiral na hindi pagmumulan ng buhay. Kahit may trilyun-trilyon pang uniberso, hindi maikakaila na may ipinahihiwatig ang natatanging mga katangian ng ating uniberso, na sa tingin ko’y katibayan na may ‘Ultimong Katotohanan’ na nasa likod nito.”
Kakayahan ng Utak ng Tao
Nakakabuo tayo ng mga teoriya tungkol sa pag-iral ng kosmos—iyan mismo ay kagila-gilalas na. Sa isang unibersong walang layunin, ang gayong kakayahan ay produkto lang ng isang prosesong walang direksiyon. Makatuwiran kaya iyan?
Inilarawan ang utak ng tao bilang “ang pinakakamangha-mangha at pinakamisteryosong bagay sa buong uniberso.” Hindi makapagbigay ng sapat na paliwanag ang pisika at kemistri tungkol sa kakayahan ng tao na bumuo ng mga konsepto at sa paghahanap natin ng layunin sa buhay.
Alin ang mas makatuwiran para sa iyo—produkto ng isang matalinong Pinagmulan ang utak ng tao, kasama na ang paghahanap nito ng kaalaman, o basta na lang ito lumitaw?
Isa Pang Paliwanag?
Oo, marami na tayong natutuhan sa siyensiya tungkol sa pagkilos ng kosmos, ng daigdig, at ng nabubuhay na mga organismo. Para sa ilan, habang parami nang parami ang natututuhan natin sa siyensiya, “lalo namang nagiging waring imposible ang pag-iral natin.” Imposible talaga iyan kung tayo ay produkto lang ng ebolusyon. Pero gaya nga ng sinabi ng manunulat ng siyensiya na si John Horgan, “napakahusay ng pagkakadisenyo ng lahat ng nasa paligid natin para sabihing lahat ng ito ay basta na lang umiral.” Halos ganiyan din ang komento ng pisikong si Freeman Dyson: “Habang higit kong sinusuri ang uniberso at pinag-aaralan ang detalye ng sistema nito, mas marami pa akong nasusumpungang katibayan na nagpapakitang tila alam ng uniberso na may iiral na mga tao rito.”
Sa dami ng katibayan—napakaayos na uniberso, mahusay na disenyo, kakayahan ng utak ng tao, at pagiging komplikado ng kalikasan—hindi kaya makatuwiran na kahit paano’y isipin natin na posibleng may umiiral na Maylalang? Mayroon tayong napakagandang dahilan para isipin iyan. Masasabi ng isang Maylalang kung paano lumitaw ang buhay at kung may layunin ang buhay—mga tanong na hindi masagot ng siyensiya.
Masasagot iyan ng Bibliya, o Banal na Kasulatan, na ang mga manunulat ay sinasabing ginabayan ng Maylalang. Bakit hindi mo suriin ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa mga bagay na ito?
[Talababa]
Ang utak ba ng tao ay resulta ng isang prosesong walang direksiyon?
Bakit Posibleng Pag-aralan ang Siyensiya?
Posibleng pag-aralan ang siyensiya dahil may kaayusan ang pisikal na daigdig at hindi nababago ang pagkilos ng enerhiya at materya sa isang partikular na kalagayan. Dito nakabatay ang mga batas ng matematika, pisika, kemistri, at iba pa. Kung hindi ito gayon kaayos, walang siyensiya, walang teknolohiya, at walang buhay.
Kaya ang tanong: Saan ba nagmula ang pisikal na mga batas? At bakit gayon na lang kaeksakto ang mga ito? Marami ang naniniwala na ang pinakamakatuwirang sagot ay isang Kataas-taasang Talino. Ano sa palagay mo?
Nagmula sa Wala?
Ang mga molekula ng DNA (deoxyribonucleic acid) sa bawat buháy na selula ay naglalaman ng detalyadong mga tagubilin at impormasyong kailangan para mabuhay nang maayos ang mga organismo. Bagaman higit na komplikado ang DNA, maitutulad ito sa isang DVD na may nakalagay na mga impormasyon. Ang isang DVD ay nilalagyan ng data para maglaman ng video at music na puwedeng panoorin at pakinggan. Sa katulad na paraan, ang mga molekula ng DNA, na parang hagdang paikot, ay may mga impormasyong nagsisilbing saligan ng lahat ng buhay. Ito ang dahilan kung bakit hindi magkakapareho ang mga bagay na may buhay—ang tao at ang balyena, ang saging at ang beans, ang zebra at ang langgam.
Tiyak na walang magsasabing ang mga impormasyong nasa DVD ay basta na lamang napunta roon. Kaya makatuwiran bang sabihin na lahat ng komplikadong impormasyong nasa DNA ay nagmula sa wala?