What's new

Discussion: On Covid-19 Pandemic Status, Duration, Vaccines and What You Can Do About It

1617971089673.png


Discussion:​

As of 9 April 2021, Mayroong 840,554 total cases nationwide, (12,225 added on 04/09) 178,351 ang active cases, 647,683 recovered at 14,520 deaths dahil sa COVID-19 dito sa Pilipinas. source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Alam ko na gusto nating lahat or karamihan sa atin ay nais na maging normal na ulit ang sitwasyon sa ating bansa ( o kahit saan man dako kayo ng mundo naroroon ) para makapag-trabaho, aral at iba pang mga bagay na ginagawa natin sa pang-araw araw na buhay natin.

MGA KATANUNGAN:

Sa inyong palagay, gaano pa katagal iiral ang ganitong kalagayan sa ating bansa (o sa bansa kung nasaan ka man ngayon)?
choices: ( bilang ng taon )
  • 1-2 saglit nalang
  • 3-4 matagal pa
  • 5-6 sobrang tagal pa
Bakit yon ang pinili mo?
Bilang mamamayan ng bansa, ( o alinmang lugar sa mundo ) ano ang mga bagay na maari mong gawin sa iyong sarili at ganon din bilang isang pamilya para maiwasan ito? (although mayroon talaga na may nagkakasakit na ganito sa miyembro ng ating pamilya)
Magpapabakuna ka ba? bakit? kung oo, ano ang preferred mo na brand ang ibakuna sayo kung papipiliin ka at bakit ito ang pipiliin mo?

Kahit sino po ay pwede mag-comment basta susundin po natin ang rules at huwag kalimutan ang respect.
Enjoy and Keep Safe!
 

Attachments

Mahirap magbigay ng kasagutan sa tanong dahil "global" ang ating problema, bawat bansa ay may iba't ibang kakayahan at kahinaan, maging yung pagkakaisa laban sa sakit, at marami pang ibang dahilan. Pero kung titingnan natin yung kondisyon ng mundo ngayon (as per link below) ay may posibilidad na makakahinga na ang mundo ng kaunti mula 1 - 2 yrs. Optmistic lang ako.
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Obvious naman kung bakit, dahil meron nang mabilisang ginawang EUA (Emergency Use Authorization) vaccines na available na gamitin - hindi normal vaccines na mas matagal ang proseso. Unawain natin muna yung ibig sabihin ng EUA para sa COVID-19 vaccines bago tayo maghusga (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Yan naman yung malaking kasagutan sa kahit anong epidemya na mahirap iwasan. Kahit minadali man at for EUA use, may potential pa rin sila na mag-protekta sa taong infected at non-infected. Malaki man o maliit, at least meron tayong degree of immunity at panlaban sa sakit, kaysa naman wala. Sa mga nangangailangan lang naman talaga yan as of this moment, at on-going pa rin yung development nila habang nandyan pa yang COVID-19. Nasa tao na lang kung ano ang preferred nilang brand kung may option at choice ka na makapili. Open naman sa publiko ang kanilang datasheets at reports. Type mo lang sa Google yung "effectiveness of vaccines for each type of variant", marami kang pwedeng pagkuhaan ng impormasyon. Be sure, reliable yung first-hand sources na pagbabasehan mo at hindi galing lang sa 2nd hand news sa social media. Kaya mabuti na well-informed tayo sa iba't ibang vaccines at yung kakayahan nila sa mga variants ng sakit na nakakalat sa lugar natin. Kung duda ka pa, mag-intay ka na lang ng next generation vaccines at mga boosters ng unang saksak. It's your choice. Ito lang naman ang pagpipilian natin sa Pilipinas: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
Sa'kin, kung ano lang ang available sa scheduled vaccination ko will do!
 
Last edited:
[XX='dearth, c: 1063459, m: 500388'][/XX]
Susmaryosep, iniwasan ko nga yang h* h*, nabansagan mo pa rin :).
Pero seriously speaking, mahina yung effectiveness ng media ngayon para direktang maunawaan ng karamihan ang dapat nilang malaman, paniwalaan at gawin. Puro kasi half-truths, nag-iiwan ng marami pang tanong at halu-halong saloobin sa publiko. Pati gobyerno ganoon din, urong-sulong yung mga hakbang kaya nahuhuli sa takbo ng pagharap sa problema kaya nalusutan tayo ng kasalukuyang surge infections. Damay lahat sa bawat pagkakamali. Yung "human nature" ng karamihang Pilipino sa resulta ng katagalan ng pandemya ang isang malaking dahilan kung bakit din tayo humantong sa ganitong kalagayan.
Karamihan ng mamamayan ay unti-unting nawalan na ng tiwala dahil di tayo sanay mabuhay na may quarantine restrictions. Dahil sa patuloy na "stress" naligaw na sa katotohanan yung ilan, nadadala sa ingay ng popular mainstream media imbes na siyasatin yung tunay na balita sa mga respetadong sources. Mahirap yon para sa mga nasiraan na ang loob, salat sa kaalaman at walang malay kung saan nila hahanapin yung mga impormasyong dapat sana nilang mabasa, mapanood o marinig.
Ang impormasyon naman tungkol sa COVID-19 ay laging nagbabago ayon sa walang tigil na pag-aaral kaya swerte yung updated. At kahit kailan, walang "magic bullet" sa ganitong klaseng pandemya, pero karamihan ay nadadala sa mga balitang wala namang matibay na ebidensiya at nagtitiwala lang dahil sa popularidad o umaasa sa milagro. Masisisi mo ba sila? Hindi. Dahil lahat tayo ay dumadaan din sa ganyang sitwasyon in our life. Kaya yung namamahala lamang ng " health security" ng bansa (sa ayaw at gusto nila) ang laging "accountable", kasama yung "information dissemination" at di lamang pisikal na kalusugan natin. Yan yung nakaatas na tungkulin nila bilang kasapi ng IHR (International Health Regulations) at ng national government (na maraming ahensiyang hawak ng DOH). Malaki rin ang responsibilidad ng WHO dahil sila yung namamahala sa buong mundo. Since yung WHO ay di naman nag-aapprove ng vaccines, yung Pilipinas (at mga low-middle income na bansang tulad natin) ay dependent lang sa "WHO prequalifications of vaccines" para tayo makabili sa manufacturers. The rest of the COVID-19 response efforts ay nasa balikat na ng ating gobyerno. Their success and failure depends on it, eka nga. Yan yung hierarchy ng responsilidad sa pandemic ngayon. Etsa-pwera yung common folks kahit pa sabihing pasaway. May paraan naman para sila ay kontrolin.
Masuwerte tayo ngayon, sanda-makmak na vaccine brands ang pinondohan para labanan ang SARS-COV2. Maraming "recipes" (types) na pagpipilian, at meron pang mga susunod na brands, revisions na darating - parang free net ng PHC na may no-load /with load variants. Noong kasagsagan ng SARS atbp., ni isa ay wala - katay! Wala na siguro tayong dapat inaangal pa kundi magpaturok na habang "libre" pa ... he he - basta pasok kayo sa 18 - 59 yrs. old for Sinovac, +18 yrs old bracket ng AstraZeneca, +16 yrs old bracket ng Pfiser-BioNTech as example. Basahin niyo na lang yung NITAG-RESO2.pdf ng DOH or INTERIM NATIONAL IMMUNIZATION TECHNICAL ADVISORY GROUP FOR COVID-19 VACCINES RESOLUTION NO. 2 at iba pang infos dito (You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.) para sa ibang detalye. Ito yung dapat alamin for this vaccination program.
 
Last edited by a moderator:

Similar threads

Back
Top