What's new

Help Diploma

Premo_

Forum Guru
Elite
Guys pahelp po nadedetect po ba talaga ng company kung fake yung diploma . Kasi gusto ko sana mag pagawa yung college graduate . Gusto ko sana yung I.T graduate kasi marunong naman po ako sa computer . And gusto ko kasi sana makakuha ng magandang trabaho . Sawang sawa na kasi ako sa production operator . Bukod sa pagod stressed maliit pa ang sahod. Please guys respect my post . Alam ko sasabihin nyo na dapat nagtapos ako ng pagaaral guys aaminin ko nag college talaga ako kaso 1year lang and na stop ako kasi financial problem . Gusto ko mang magaral ngayon kaso walang magaalaga sa anak ko . .



Please respect my post❤️❤️❤️
 
'Wag mong ituloy. Marami ng natanggal sa trabaho dahil nahuli sa gan'yan. Hindi lang sa field ng IT. Siguradong mapapasama ka pa niyan kapag nagkataon na nahuli ka. Magkakalamat pa record mo. Mas oks na malinis kasi bukod sa kahihiyan at konsensya mahirap yung consequences kapag nagkataong nahuli at natanggal ka. Isipin mo anak mo kapag nagkataon. 'Wag mong dagdagan ng panibagong problema yung kasalukuyang problema mo, Sir. :)
 
Kung hindi kinulang ng iodized salt yung HR ninyo, kokontak sa registrar ng school yun na inilagay mo kung saan ka graduate at doon malalaman nila agad na nagsisinungaling ka. Pwede ka makalusot siguro initially pero tingin ko lalabas din yung totoo later on lalo na kung 1 year ka lang nag-college. Unless taga-bantay lang ng computer shop aapplyan mo.

Mag-aral ka ulit. May courses naman na dati pa na pang-open university. Yung module ek ek dati pa ginagawa ng ibang universities yun para sa mga kagaya mong hindi pwede pumasok ng regular sa school. Magtanong ka rin ng program sa school na ina-accredit yung work experience mo as college units.

Mahirap talaga 'yan pero diyan ka natututo at kaya yung mga nakapag-aral ang nagiging kasama sa management at may malaking sweldo comparatively kasi napagdaanan nila hirap ng pag-aaral. Iba-iba nga lang ng sitwasyon kasi syempre may malas na katulad natin na ipinanganak ng mahirap at yung iba mag-aaral na lang yung gagawin, may kotse at pang-gimmick pa sa allowance.
 
Huwag po sir. Kahit mahirap ang buhay manatili tayong marangal. Naiintindahan kita sir pero iba ang may alam lang sa computer kesa IT Grad lalabas at lalabas yan pero kung may experience ka naman at skills pakita mo na lang sa CV/portfolio mo. Madaming online classes paps dyan saka mga online course na nagbibigay ng certificates once na matapos mo at mas okay yon kesa peke ipakita mo.
 
Tesda is the key. Di uubra yang pagawa ng diploma. Jusko ang dami pang trabaho na pwedeng pasukan na hindi mahirap. Kung sawa ka na sa pagiging Production Operator. Pwede ka mag call center medyo light lang trabaho. Tsagain mo lang talaga muna makakuha ng kahit anong "NC" certificate. Mag simula ka mag take ng Tesda. Pili ka ng course na gusto mo. Ang alam ko kasi ngayon medyo mahirap talaga mag hanap ng work lalo na't pandemic pa tapos undergrad ka pa. Tsaka isa pa wala namang talagang madaling trabaho halos lahat ata nakaka stress 😅
 
Kung sa umpisa pa lang may hint ka na ng dishonesty what more pa pag nagkaron ka na ng decent na work. Di po natin ineencourage ang ganyan sa anumang aspect ng buhay.
 
Madaming way para makatapos pero hindi yan isa. Hindi masuslusyunan ang problema mo ng isa pang problema. Madaming program para mapabilis ang pag graduate mo ng legit. Katulad ng ETEEAP program. 1 year ka lang papasok saturday at sunday katumbas na nun ay Bachelor's degree. Ang program na ito ay para talaga sa mga nag work na gusto makatapos at ma promote.
 
May kaibigan ako nung shs di na siya nag College kasi financial rin, pero ngayon may trabaho siya computer related. Sa tingin ko nasa diskarte rin ts.

Self taught lang yun pero tignan mo nakabili pa ng sariling PC. Check mo muna kung saang part kaba, anong field tapos gawa ka ng portfolio ata yun nandoon nakalagay mga projects na ginawa mo. Goodluck, ts. Malapit na rin ako saganyan medyo kinakabahan na. 😁
 
May kaibigan ako nung shs di na siya nag College kasi financial rin, pero ngayon may trabaho siya computer related. Sa tingin ko nasa diskarte rin ts.

Self taught lang yun pero tignan mo nakabili pa ng sariling PC. Check mo muna kung saang part kaba, anong field tapos gawa ka ng portfolio ata yun nandoon nakalagay mga projects na ginawa mo. Goodluck, ts. Malapit na rin ako saganyan medyo kinakabahan na. 😁
really ? self taught lang ? anung trabaho yan ?
 
really ? self taught lang ? anung trabaho yan ?
Nung una more on PHP related projects then for sure may mga Laravel din then dinedeploy nila.

Sumunod mga JavaScript related na like React, NodeJS, etc.

Feel ko more on Backend Development siya. Then may mentor din kasi siya. Pero for sure di yun sila tatagal ng years kung di talaga marunong yung klasmeyt ko na yun.
 
May na encounter ako na ganyan ts, alam agad ng nag interview na peke yung document.

At tsaka di dahil marunong ka magcomputer eh pwede kana mag IT, di lang yan yung skill na dapat alam ng IT eh, alam ko may programming pa yan, troubleshooting, at iba pa.
 

Similar threads

Back
Top