What's new

Closed DICT Sec. Gregorio Honasan nag-sorry sa nauna nitong pahayag na hindi na masama ang internet speed sa bansa.

Status
Not open for further replies.
Humingi ng paumanhin si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan sa nauna nitong pahayag na hindi na masama ang internet speed sa bansa na 3 hanggang 7 mbps.

Sa pagdinig ng panukalang P7.4 bilyon pondo ng DICT para sa 2021, sinabi ni Honasan na kaya pang mapaganda ang internet speed sa bansa.

“I apologize. I should have really said, it is not yet that good, but we are trying to improve it,” pahayag ni Honasan sa Senate finance committee na pinamumunuan ni Senador Sonny Angara.

“Based on global surveys, we are not doing that good yet, but we are not doing that bad. We are somewhere in the middle,” dagdag pa ng dating senador.

Ayon kay Honasan, ang P2.7 bilyong Free Public Internet Access Fund na kukunin mula sa Spectrum Users Fees na kinokolekta ng National Telecommunications Commission (NTC), ay hindi sapat para pondohan ang Free Wifi for all Program para sa 2021.

Aniya, nahihirapan silang kumbinsihin ang gobyerno na buhusan ang maraming pondo information at communications technology.

“We are having a hard time convincing the government. Mas gusto kasi iyong tulay, kalsada, nahahawakan,” ani Honasan.

Source: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
kinda absurd na ginaya din ni Pduts yung style ni ate Glo na appoint yung mga x-military official sa kanyang cabinet. Pero yan lang talaga yung band-aid sulotion para di gamitin nang mga opposition.

ano ba yung alam ni Gringo sa internet bakit sya na appoint dyan... nakaka-awa kasi yan lang yung paraan para di ma isturbo yung continuous progression government na tinatawag.
 
sa wakas na acknowledge din ng DICT, sa dami na ng administrasyon. pag nagmura internet, edi di na sila mahirapan magimplement free wifi.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top