What's new

Closed DI KO KAILANGAN NG KAIBIGAN!

Status
Not open for further replies.

Quantum Supercomputer

Eternal Poster
Joined
Dec 23, 2017
Posts
738
Reaction
249
Points
375
Age
23
Step-by-step guide - The Ultimate Tutorial -

Alam kong klinik mo lang 'to para magcomment ng "Thanks for sharing" dagdag points din kase kapag nagcomment eh, pero seryoso ako ngayon. Kahit mabasa mo lang 'to ngayong gabi, malaking tulong na.

Grade 11 pa ko nun, tuwang-tuwa ako kase wala akong kaibigan, pero meron naman -nasa kabilang section. Tahimik ako sa klase, mabait, pero deep inside gusto kong sunugin ang school namen. Nagresearch ako tungkol sa paggawa nang bomba at habang inaaral ko, naghanap ako ng mga resources, at mga materyal, isa sa mga nakita kong basic na gawin ay yung smoke bomb. Nagpakadalubhasa ako, masaket man sa ulo gawin ang lahat, mas masaket sa ulo magbasa nang arabic, puro Iraq, abusayaff nakikita kong tuts tungkol rito.
Pero gayunpaman, lahat nang enerhiya at motivation ko sa paglikha nito, ay nawala. Di ko alam ang dahilan, pero baka naubos lang, dahil pinasikat ko rin sa ilan kong tropa ung gagawin ko, sa madaling salita, nawalan ako nang gana. Dun ko narealize na, umaasa ako sa mga "sang-ayon" nang ibang tao, kaysa sa mismong gagawin ko. Pero alam kong wala kang pake.

Ngayon, may naisip na naman akong ideya, ano kaya kung gumawa ako ng lason, pagkatapos isa-isahin kong lasunin ung mga may Honor na kaklase ko from top 10 to 1. Interesante un hindi ba?
Pagkatapos kong maisip yan, nasalubong ko yung isa kong tropa, kaklase ko nung grade 7. Sinabi ko sa kanya lahat, napakahusay raw nang plano, pero pano ko raw gagawin?

Habang nagtataka, parang nag new year sa isipan ko. Ano kaya kung ilagay ko ang lason sa mga nagbebenta nang juice? napakagandang ideya. Muli, nagandahan ang kasama ko sa demonyong taktika na nabuo sa utak ko.

Kinabukasan, nawalan ako ng kaluluwa.

nawalan ulit ako nang gana.

Hanggang sa hindi na ko nagbalak pang muli. Sa classroom, nagtataka ako ba't antatanga ng mga nagtataas ng kamay, puro mali mali sinasagot. Araw-araw kong iniisip, ba't wala bang utak 'tong mga 'to? pero di ko lang alam ha, bakit pinupuri pa lalo ng teacher. Ikaw na nagbabasa, ipagpatuloy mo lang magbasa, may makikita ka sa kwento na 'to.

Hanggang sa nag-grade 12 na ko, habang tumatanda mas lalo lang akong naiirita sa mundo, wala akong ka-close sa section namin sa buong grade 11, at ang masaklap pa dyan, kaklase ko parin sila hanggang ngayong grade 12, sa isang taon, ni isa, wala akong ka close, mga b*b* eh

Pero hayaan mo na.

Ngayon, araw-araw akong na-ga-guidance, hindi sa may masama akong nagawa, kundi wala akong kaibigan, nagtataka ako sa adviser naming maliit, twing nasa malayo ako twing tanghali, palagi nyang iniwawagaway-way ang kamay nya para tawagin ako, naging routine 'to sa buong buwan. Bakit raw palagi akong nag cucut ng class? tama, gamer ako eh, araw araw din ako sa computer shop kung di nyo natatanong. Pero balik tayo sa tunay na rason. Di ako makapagsalita, habang kinakausap nya ko dito sa loob na de-aircon na office, bakit raw ganito ako? Sabi ko sakanya, wala akong ka close sa section ko. Hindi ko kayang makipag-usap. Pero hindi ko nailabas yan sa bibig ko. Kaya ang ending tameme lng akong nakaupo. Ngayon, nagtanong ulit ang adviser ko, -"Ayos ka lang?" parang nanghehele ng sanggol ang tunog nang boses nya, maging mga barkada ko nung sinabi ko ang karanasan kong maguidance, sumang ayon silang, "Oo pre, kahit ako, sino ba naman di mapapa-awa sa boses na un" Muli akong tinanong nang adviser namin na syang guidance counsilor din, tinapik nya ko nang mahinhin, at sinabi ulit nang malambot ang "Ayos ka lang?, Mark" nung dinugtungan nang pangalan ko sa huli, di ko maintindihan pero di ko napigilang lumuha, naramdaman ko yun, tumagos. Tinakpan ko nang kamay ko ang mga mata ko para di makita. Nakita nya ang kahinaan ko, ngayon binigyan nya ko nang advice, kung tama ang naaalala ko, eto ang sabi nya :
Ganyan din ako dati, wala din akong ka close samen nung araw, pero ang ginawa ko, nagstrive ako, nag-aral ako, binuhos ko sa pag-aaral lahat, imbes na isipin ko pa yan, nag strive nalng akong magka honor. Kaya mag strive ka rin, sige na, kaya mo yan. Ganito, ang una mong task, magpagupit ka, ah mark?, sige anak, kaya mo yan"

Di ko alam kung bubuhos pa lalo ang patak ng mga luha ko, pero nung sinuksukan nya ko ng pera, dun ako naiyak, 50pesos kaya un?

"pampagupit mo yan, ha anak, sige, alam kong kaya mo yan."

Ngayon, paglabas ko sa office, singhot ako ng singhot dahil sa baradong sipon. Pumunta ako sa nakita kong gripo, tatlong gripong nakahelera at de tiles ang lababo. Naghugas ako ng muka, pero syempre, baka mabasa ung pera kong hawak. Kaya itinabi ko muna, pero pota Isang daan pala un. Kulay violet, Manuel Roxas, alam na.

Ngayon, nakapirmi na ko sa pagbabago, magpapagupit ako at mag pupush up araw araw. Kaso hindi pa dyan nagtatapos ang lahat, mas lalo akong natakot pumasok sa mga subjects ko, lalo na sa adviser namin. Nahihiya ako. Nagpakalayo-layo ako sa eskwelahan at kumain nang fishball. másáráp pala 'to, kapag malungkot ang kapaligiran?

Pero No choice, pumasok parin ako, bagong gupit pero lumang tao. Medyo relax ang pakiramdam ko, hindi ako kinakabahan.
Nasa loob ako ng classroom sa ngayon. As usual b*b* mga nagrerecite. Pero bago yan, may pumansin saken, bago raw ang buhok ko. Malamang may buhay yan. Nagpatuloy ang serye ng mga next period kasama nang tirik na araw. Minsan dinadasal kong vacant sana, pero twing dinadasal ko yan, may nagdadasal din, na sana may klase. Kaya simula nun, hindi na ko nagdasal.

- To Be Continued -
Next
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top