What's new

Tutorial Deskarte Tips part 2

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,933
Solutions
6
Reaction
66,347
Points
16,618
May nabasa lang ako upon scrolling in web, and it might help to those guys na medyu nahihirapan mag approach sa babaeng gusto nila.
This can be applicable to real life as well so take time to read ,enjoy and learn;);)

Maraming boys ang gwapings pero bibihira lang ang marunong mag-handle ng isang conversation sa isang babae. Well,
ito ang ilang tips to make sure na magugustuhan kayo sa dinidiskartehan niyong chicks

Note: Ang girls kinikilig yan sa cute at gwapings pero nagugustuhan at minamahal nila ang ugali at character ng guy

Dapat emotional pero hindi madrama
pag kakausap ka ng babae dapat
targetin mo ung side kung saan kilala ang mga babae… sa PUSO pwedeng ang kausap mo ay astigin or boysih type pero at the end of the day… BABAE parin siya at puso parin ang weakest link sknya kaya better yet talk about childhood memories, dreams, mga gusto at ayaw niyang gawin and reasons ng mga ito. these topics kasi mga brad ang mag oopen ng kanyang emotional floodgates kung saan maaring maging daan sa isang deeper conversation or even relationship.

Be in control – huwag kang papauna ,always remember ang mga babae gusto ang mga lalakeng hindi takot or chope so pagdating sa kwentuhan huwag kang mag-aantay na siya ang mag gagawa ng move para lang may mapagusapan kayo… wrong move yun... you have to take control of the conversation at all cost! pero siyempre hindi naman dapat OA…

Mapagmasid – dapat pagmasdan mong mabuti ang mga movements ng girl dahil doon mo malalaman kung ano ang tinatakbo ng conversation niyo. ito ang mga non verbal cues gaya ng pag sway ng buhok, pag beautiful eyes at kung ano ano pa…

Enjoy yan dapat ang magiging reaksyon ng babae pag kasama ka or kausap ka. always remember,kung ang lalake nakukuha sa sarap ng luto… ang babae nakukuha sa sense of humor.

tease her wag kang matakot na basagin si girl. ok lang yun paminsan basta alam mo lang ang tamang timing… pag dito nagkamali ka… dalawa lang yan,, kundi basag ang diskarte mo, muka mo ang mababasag.

you have to be intimate
-you have to be sensitive when to take your conversation into intimate level… another tip: pwede mong laruin, intimate, emotional, humor personal… depende sa diskarte mo.. pag maganda ang timpla mo sa mga tips


Bola
ito ang pinaka basic at pinaka madali sa lahat ng mga tips ko… pero ito rin ang pinaka tricky… you have to make bola pero without her knowing! paano?? thru opinion, gusto ng mga girls na pinupuri sila pero allergic sila sa bola.

Boy Abunda
dont be a tito boy brad… ndi naman kailangan na question and answer ang conversation niyo… you have to share your insights din… dito lalabas ang pagiging witty mo na isa sa mga gustong gusto ng mga girls… again, iwasan ang interview style na usapan. para maiwasan ang interview style of conversation gawing statement ang mga question sample: kesa magtanong ka ng dito ka ba sa manila lumaki? ang gawin mo na lang: mukang laking probinsya ka ah… <insert a very good reason or a banat>

free – ang pinaka secret sa magandang kwentuhan ay ang pagiging totoo at free so let your character do the moves.

friend zone ito ang dapat mong maiwasan kung sisimulan mo ang conversation sa girl… paano? maliban sa pagiging intimate let her know subtly na ang lakas ng alindog niya sau… (gusto ng mga babae yan.. ndi lang nila inaamin).

Relaks sa kabila lahat ng tip ko, dapat tandaan mo na dont ever tell her directly na gusto mo sya
lalo na ang mortal sin na “iloveyou”. gusto ng mga babae ang mga guys na challenge.. i mean, gusto nila in a way na nagtataka sila kung bakit sa kabila ng lahat ng sinasabi mo ndi mo sila diniderekta… pa kilig ba. dapat unti unti niyang nararamdaman na ung move mo… para ndi siya mawalan ng interest sayo.

Final reminder
hindi mahirap dumiskarte sa isang babae… ang kalaban mo jan sarili mo… again always remember you have to be fun, playful pagdating sa conversation tsaka you just need to be aware of what they are turned on by and what turns them off. siyempre dagdagan mo yan ng santong dasal, tamang diskarte, malupit na swerte ang saktong timing.ang equals niyan Lovelife......
- Goodluck-





Excerpt from:Lorenztanjocowordpress
 
Last edited:
Okay.. tama nga naman ang mga nakalista dyan.. pero may kulang na isa..

RESPECT- syempre dapat kapag kakausap ka ng babae nandon yung respeto mo sa kanya hindi ka dapat bumabanat ng kung ano anong kagaguhan para lang makuha mo ang matamis na oo ng babae..

-Like freefire kaba? Kasi gusto kitang putukan.

Dapat bilang lalake maging sensitive at wag maging insensitive sa mga babaeng nililigawan natin.

At yung sinabi dyan na di naman mahirap manligaw ng babae.. come on sa reality tayo kahit lahat yan may katangian ka at di ka bet ng babae in the first place balewala din.. kahit may sense of humour kapa at di ka gwapo wala rin.. pero di ko naman sinasabi na lahat ng babae gwapo hanap meron parin iilan na sa personality bumabase.
 
Okay.. tama nga naman ang mga nakalista dyan.. pero may kulang na isa..

RESPECT- syempre dapat kapag kakausap ka ng babae nandon yung respeto mo sa kanya hindi ka dapat bumabanat ng kung ano anong kagaguhan para lang makuha mo ang matamis na oo ng babae..

-Like freefire kaba? Kasi gusto kitang putukan.

Dapat bilang lalake maging sensitive at wag maging insensitive sa mga babaeng nililigawan natin.

At yung sinabi dyan na di naman mahirap manligaw ng babae.. come on sa reality tayo kahit lahat yan may katangian ka at di ka bet ng babae in the first place balewala din.. kahit may sense of humour kapa at di ka gwapo wala rin.. pero di ko naman sinasabi na lahat ng babae gwapo hanap meron parin iilan na sa personality bumabase.
I guess so....thanks for suggesting that 💕
 

Similar threads

Back
Top