What's new

Closed Depression alamin baka di mo akalain nakakaranas kana pala nito

Status
Not open for further replies.

theSecond

Honorary Poster
Joined
Oct 2, 2016
Posts
345
Reaction
230
Points
171
Ang depresyon ay isang karaniwang sakit sa pag-iisip kung saan nakakaramdam ang isang tao ng labis na kalungkutan. Ito ay namamana o kaya’y sanhi ng mga pagbabago sa utak at hormones, problema sa neurotransmitters (mga kemikal na naghahatid ng signal mula sa katawan papunta sa utak), mga pangyayari sa buhay, stress, at trauma. Ito’y maaaring pangmatagalan o pabalik-balik.

“Talagang dumadaan sa depresyon ang bawat kabataan lalo't nasa edad sila na hindi na bata, pero hindi pa rin matanda. Ito ang puntong naghahahanap siya ng kalayaan. You have to respect also na ang teenager would want privacy,” paliwanag ni Dr. Genuina Ranoy, Child and ãdül† Psychiatrist sa The Medical City.

Sa huling tala ng You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now., umaabot na sa 350 milyong tao na may iba’t ibang edad ang naapektuhan ng depresyon. Bagama’t may mga gamot dito, kakarampot lamang ang nalulunasan. Ang isa pang nakakalungkot na katotohanan: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now. na dumaranas ng depresyon ang natutulungan.


Hindi kagaya ng matatanda, karaniwa’y umaasa pa rin ang mga kabataan na mapapansin ng kanilang mga magulang o ng iba pang nakatatanda ang kanilang nararamdaman.

Ayon sa mga eksperto, mahalagang malaman ng magulang ang mga palatandaan ng sakit na ito. Kapag hindi agad natulungan ang bata at hindi naiwasan ang masasamang dulot nito, maaari itong mauwi sa pagpapakamatay.

Palatandaan at Sintomas ng Depression

  • Kalungkutan at kawalan ng pag-asa
  • Walang interes sa mga gawaing bahay at eskwelahan
  • Iritable at magagalitin
  • Madalas na pag-iyak nang walang dahilan
  • Lumalayo ang loob sa pamilya at kaibigan
  • Pagbabago ng gawi sa pagkain at pagtulog
  • Hirap sa konsentrasyon
  • Mababa ang tingin sa sarili
  • Pagod at kulang sa sigla
  • Sumasagi sa isip ang pagpapakamatay
“Kung malala ang nakikitang sintomas, huwag balewalain! It's a must to seek professional help. May mga anti-depressant na nakakaganda o nakakawala ng physical symptom ng depression. Meron ding psychotherapy, dito pinag-uusapan kung ano ang problema. Habang ginagamot ang bata, kasama ang family. Dahil sila ang kasama sa bahay, sila ang makakatulong o makakapag-monitor sa bata,” paalala ni Dr. Ranoy.

Dagdag pa ni Dok, sa mga magulang o tagapag-alaga, mahalagang suriin kung gaano na katagal lumabas ang mga sintomas na ito, kung gaano na ito kalala at kung malaki na ang ipinagbago ng ikinikilos ng kanilang mga anak sa normal.

Tagubilin sa mga Magulang

  • Maging bukas sa magandang pakikipag-usap sa anak
  • Maging mahinahon sa pakikinig sa kanilang problema
  • Iwasang sumigaw o manumbat
  • Tanggapin ang inyong anak bilang sila
  • Iparamdam na may karamay sila at may maaaring sandalan
  • Ipakita sa anak ang pag-aaruga
  • Ibalanse ang mga panuntunan sa bahay
Kung ang magulang naman ang isa sa stressors sa pinagdaraanan ng anak, kailangang maging bukas sila na sumailalim din sa psychotherapy para mas alam nila ang gagawing solusyon sa depresyon ng anak.

Hindi biro ang teenage depression ngunit sa husto at tamang gabay ng magulang, katulong ang payo ng eksperto, maaari itong mapagtagumpayan at maiwasan.

Papaano malalaman at malulunasan ang depresyon upang hindi mauwi sa pagpapakamatay?

Published August 13, 2014 6:00pm
Sa panayam sa "News To Go" ni Kara David kay Ms. Jean Goulbourn, presidente ng Natasha Goulborn Foundation, isang grupo na tumutulong sa mga taong nakararanas ng depresyon o matinding kalungkutan, tinalakay kung ano ang mga sintomas ng depresyon at kung papaano ito malalabanan para hindi mauwi sa pagpapakamatay ang sitwasyon gaya nang nangyari sa Hollywood actor na si Robin Williams.

Narito ang kanilang talakayan:

Kara: Bakit niyo po itinayo itong foundation na ito? I understand yung anak niyo po si Natasha also passed away dahil nag-suicide?

Jean: After she committed suicide about 12 years ago, napansin ko na walang organization o association na nakakatulong magbigayan ng information sa tao tungkol sa sakit na ito. Maraming belief sa Filipino na this is not the right information. Akala nila baliw ang depression, or malungkot, acting self-centered, makasarili lang siya. 'Yan ang symptoms 'pag may depression. Mood swings, 'di naiintindihan ng pamilya. Nung napansin ko 'yan, seven years ago, nagtayo kami ng foundation.

Kara: Sa kaso po ng anak ninyo, wala po kayong inkling that she’s depressed?

Jean: No inkling. As far as I know, parang sadness, break up with a boyfriend. Pero may sintomas na at that time, 'di ko alam. To understand the symptom, makilala niyo ang sintomas, 'yan ang pinakaimportante.

Basahin:You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


Kara: Sinabi niyo po na may mga sintomas na hindi niyo po nakita sa anak ninyo dati?

Jean: Ang isa, hindi sila makatulog, insomnia. Natutulog siya alas-tres, alas-kuwatro ng umaga. Nagigising siya ng alas-11 ng umaga. Yung mga kulang sa tulog kahit na yung night shift ang trabaho, after 3-4 months, talagang aabutin sila ng depression.

Kara: Hindi makatulog, ano pa?

Jean: Number 2, ayaw kumain. Kinakain ay gulay lang talaga. Walang gana saka pero mayroon din siyang bago na ngayon [ay] in review sa past life niya na palaging sinasabi niya, 'mommy, hindi ako maganda. Baka 'pag pumayat ako, gaganda ako.' Feeling ko nung una anorexia kasi ang favorite singer niya si Karen Carpenter, anorexic 'yon. Dun ako nag-umpisa na sa tingin ko kailangan dalhin ko ito sa duktor.

Kara: Base po sa inyong pag-aaral, ano po yung iba’t ibang symptoms ng depression na maaari nating maibahagi sa ating mga manonood?

Jean: Puwede ring gustong-gustong matulog, ayaw nang magising. Mood swings, palaging mainitin ang ulo, nakikipag-away sa kapatid, kasama sa trabaho at kahit na sa boss. Pero ang karamihan ngayon, maraming boss na may depression at ang trato nila sa workers nila ay iba na, nagwawala sila, hindi na sila normal. Chemical imbalance ang tawag diyan.

Kara: May kinompile tayo na ilang symptoms ng depression, over eating...

Jean: Puwedeng grabe ang tulog, 14-17 hours a day, tapos mayroon din na dalawa o tatlong oras lang sa isang araw ang tulog.

Basahin:You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.


Kara: So puwedeng nag-o-over eat, puwede rin walang ganang kumain. Pag-iisip tungkol sa suicide, pagnanakit ng katawan, ulo at pagkakaroon ng cramps or digestive problem na hindi gumagaling kahit magpagamot. So kahit yung mga ganun?

Jean: Anxiety. There are four other causes that are very normal to us. One is postpartum pagkatapos manganak. Normally between 2-7 months or 1 year, pwede tamaan ng depresyon ang isang nanay right after child birth.

Kara: Yung mga ipinakitang symptoms kanina parang napakanormal ng mga ito, baka iisipin mo lang na baka magana lang sigurong kumain or wala lang gana. Pero kapag nangyari na ito sa isang prolonged period there is something wrong?

Jean: Normally within 3 months, 'pag tuloy-tuloy itong mga characteristic na lumalabas sa isang tao within 3 months, kailangan kunin na talaga at ipakita ang assessment sa isang duktor, psychiatrist or psychologist.

Kara: Ito pa yung ibang symptoms ng depression, palaging malungkot o nababahala, parang walang ng pag-asa, pagiging iritable o balisa, pakiramdam na walang pakinabang, at kawalan ng interes sa activities. So hindi lang walang gana sa pagkain kundi parang wala nang ganang mabuhay?

Jean: Sabi ng anak ko, para daw yung mga punong kahoy hindi na berde. Kasi she loves nature. Ang ocean, di na raw blue. Sabi niya sa akin, 'mommy parang black and white na lang siya.' Sinabi niya 'yan sa akin after syang binigyan ng gamot ng duktor.

Kara: Ang depression po ba can hits anybody or may certain age po ba ito? Kahit bata?

Jean: Anybody, any age. Ngayon sa Pilipinas, ang pinaka-youngest na nagpakamatay is 10 years old, anak ng isang OFW, depression.

Kara: Ano po ang maaaring gawin sa mga ganitong tao na depressed?

Jean: Ang kailangan na tulong, unang-unang kailangang malaman ng publiko na ang edukasyon na ang depression hindi baliw. Ito ay isang sakit na puwedeng mapagaling. 'Yan ang unang kailangan nilang dapat paniwalaan at maisip. Number 2 yung ating mga government agencies at yung mga malalaking corporations magtulong na magbigay ng mga lifestyle preventive measure. Lifestyle ang pagtatakbo, running everyday, exercise, tamang pagkain. Exercise, [because] the hormone, the endorphin, so yung happy felling, being in love with life, being in love with yourself, makukuha natin ,yan 'pag everyday active. . Brisk walk, yung mabilis na paglalakad, [pero] hindi sa shopping mall.

Kara: Sinabi rin 'yan sa aking ng aking fitness coach, na kapag you’re always exercising, yung overall mind mo natutulungan.

Jean: Tapos ang pagkain natin ngayon karamihan de lata, instant noodles, grabe ang seasoning, synthetic drug. That gives us body chemical imbalance. Dugo pa lang, imbalanced na tayo.

Kara: I'm sure importante din na magkaroon ng bond ang pamilya?

Jean: Very important.

Kara: Ano po ang puwedeng gawin ng mga kaanak or magulang kung napapansin nila na ang anak nila ay hindi na kumakain at malungkot?

Jean: Karamihan ng magulang ngayon nagtatrabaho talaga. Minsan dahil sa traffic, pag-uwi nila 10pm or 9pm na, kinabukasan magmamadaling magtrabaho ulit kasi dalawang oras na naman sa traffic. So, ang mga bata nagmamadali rin pumasok sa school. Saturday and Sunday lang pwede magkasama, kung wala pang pasok nung ang magulang. Madami rin OFW [ang parents] abroad. Ang mga bata lumalaki sila cell phone ang dala-dala, nagti-tv, lahat sa cell phone at saka mga games. Wala nang communication, kulang ang bonding sa pamilya. Wala na ring pagdadasal. Yung public schools ngayon, wala nang prayer, wala nang physical education, so wala nang body exercise. Pagdadasal, yung 'pag malungkot ka meron kang hope kasi 'pag dinasal mo 'yan pwedeng mapakinggan ni Papa Jesus, pwedeng maayos pa rin siya.

Kara: Ano po ba ang pwedeng maging trigger ng depression?

Jean: Normally combination na araw-araw may nangyayari na palaging frustrated ka sa trabaho mo, tapos yung hours kung sa gabi ka nagtatrabaho, 'yon ang pinaka-worse. Na kapag nakikinig ka sa phone minumura ka, lets say nasa call center ka, minumura ka sa kabila. Talagang grabe 'yan kasi lahat ng negative naa-absorb. So kailangan ng tao marunong mag-shield ng sarili niya, na yung energy niya hindi mawala.

Kara: We need to surround ourselves with happy people.

Jean: Happy people at saka happy habits and hopeful people. Tapos happy habits, yung pagsasayaw, makikinig ng magandang music, tapos marunong mag quiet ng 15 minutes. Mag-visualize those are like yoga practices.

Basahin: You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.

Kara: Saan po maaaring tumawag ang mga tao na nakararanas ng depression or kaanak nila na napapansing depressed ang kanilang kaanak?

Jean: Meron kaming hope line. Pwede silang tumawag. Pero next year mag-e-encourage kami ng kumpanya na magbukas ng hope line na konektado sa amin para makakuha kami ng statistics at survey sa nangyayari sa kanilang company.

Kara: Aside sa hopeline pwede silang kumonsulta sa psychiatrist.

Jean: Yung good news ko, yung CBCP, gagawing focus ang depression and mental health sa kanilang cultural and wellness event (Sept. 5-6). This is the first time. Hinihingi ko rin sa mga pari at kay Cardinal Tagle na magbigay ng pastoral letter na ang nagpapakamatay, puwede na magkaroon ng Catholic burial, yung din kasi ang kinatatakutan ng mga parent.

Kara: Isa ring magandang ipunto rito yung mga taong depressed na hindi lumalapit sa psychiatrist dahil sa stigma na kapag kumunsulta ka dito automatic baliw ka na.

Jean: Kailangan talagang matanggal 'yan kasi iba-iba ang kultura natin sa Chinese, Japanese and Korean, parang talagang sign of weakness 'pag may depression ka, 'di nila maintindihan. Kaya mataas rin ang suicide rate sa China, Japan and Korea.

Kara: Tanggalin na natin ang ganyang pag-iisip. Kung pumupunta tayo sa cardiologist para sa puso, kung pumupunta tayo sa dermatologist para sa ating skin, meron ding mga duktor para sa ating mental health at hindi ibig sabihin nun na baliw ka na.

Jean: At saka mali rin ang ating denial kasi kahit sa Department of Health, nakausap ko si [Secretary] Dr. Ona, “Dr. Ona tulungan mo naman kami sa mental health.” Sagot niya, “We are a very happy race, walang nalulungkot sa Pilipinas.” Medyo ako...sabi ko, “[Sec] Ona ang daming nagpapakamatay po, hindi lahat happy.” Hindi naman po na hindi tayo happy, kasi even like Robin Williams, he made people happy, he looks happy. It’s not about being happy. 'Pag tinamaan kayo ng depression, para kayong tinamana ng flu, dengue, cancer.

Kara: Ang maganda rito ay maagapan.

Jean: Ngayon may isang doctor, puwedeng i-Google, Dr. Daniel Amen, ang kanyang brain scan nakikita na iba-iba ang itsura ng brain natin. Pag *******ic, iba ang kulay ng brain. Pag schizophrenia, bulimic, bipolar, anorexia iba ang kulay at formation ng brain. Dapat ang parents, they should not feel guilty. Kasi may parents na nagi-guilty sila, sabi nila, "ano walang nangyayari sa anak ko, okey lang siya." In denial sila kasi ayaw nilang ma-feel na baka kulang ang panahon nila sa paglaki ang anak nila. Like a lawyer student ng big university, nagpakamatay, hindi nila ma-take yung tatay successful na abogado, nagpakamatay yung anak niya. It’s not them. Dapat matanggal ang guilt, embrace your child. Say, “alam ko may sakit lang ito, maaayos natin 'yan, magpa-assess tayo sa isang duktor, magpagamot tayo.”

Kara: Depression is a real problem na talagang puwede tayong maapektuhan pero maraming tao ang handang tumulong.

Jean: Pero talagang happy people tayo at yung pamilya natin 'yon ang makakatulong sa atin, at yung impormasyon galing sa government agencies at association..

copy paste ko lng eto sana my natutunan kayo, share ko lng eto dahil isa din ako minsan nakakaranas ng ganito
 
May sakit na rin ako neto kasi pag na tau ako sa inu upuan ko pa balik balik ako puro kaiisip minsin gusto kong maging super hero min san naman gusto kong maging si batman nga kala ko si spider man na ko kaka isip sa kaka nuod nga lng ng bassket ball d naman ako marunung nasa isip ko ako si stephen curry minsan naman walking trip pa baclaran to pasay
 
totoo yan.ako mismo ay may depression.one of the symptoms na nararamdaman ko ay nagkakaroon ako ng feeling na maaaksidente ako o ang pamilya ko kaya ayokong lumabas ng bahay.nagiging paranoid din ako.at super irritable.kahit simple things lang,nagiging cranky na ako.kahit mga kapatid ko napansin rin na naging mainitin ang ulo ko.nagsimula kasi ang depression ko magmula noong magstop ako from schooling.dahil sa poverty,di ako nakapag college.huhu sad life
 
May sakit na rin ako neto kasi pag na tau ako sa inu upuan ko pa balik balik ako puro kaiisip minsin gusto kong maging super hero min san naman gusto kong maging si batman nga kala ko si spider man na ko kaka isip sa kaka nuod nga lng ng bassket ball d naman ako marunung nasa isip ko ako si stephen curry minsan naman walking trip pa baclaran to pasay
Hahah ibang sakit na at a yan
 
totoo yan.ako mismo ay may depression.one of the symptoms na nararamdaman ko ay nagkakaroon ako ng feeling na maaaksidente ako o ang pamilya ko kaya ayokong lumabas ng bahay.nagiging paranoid din ako.at super irritable.kahit simple things lang,nagiging cranky na ako.kahit mga kapatid ko napansin rin na naging mainitin ang ulo ko.nagsimula kasi ang depression ko magmula noong magstop ako from schooling.dahil sa poverty,di ako nakapag college.huhu sad life
Ako nmn dumanas ng matinding depression ng magkalayo kami ng bestfrend ko , kasi Sya lng bukod tangin nagpapasaya sakin ng lagi pa kami magkasama balewala sakin mga problema, pero sa isang iglat kailangan nmin magkalayo dahil kailangan niya ng lumipat, ng makabili ng bahay ang magulang niya sa mynila, so ayon parang nawalang ako ng isang mahalagan kayamanan ng nasa mynila na sya, nawalan ako ng masasandalan, malayo din kasi ako sa mga magulng, kasi my maliit akong business sa malayong lugar kun saan KO nakilala ang besfrend ko,
mga symptoms namn na nanyari sakin, gusto ko lagi mapag isa, ayaw ko makipag-usap kahit kanino, nawalang ng gana kumain, saka maiinitin ang ulo, dina makatulog, at yun parang kalaban muna yun sarili mo na isip ka ng isip na kahit ayaw muna mag isip ng kahit anu madamin pumapasok sa utak mo, hanggang sa dumating na nagkaroon uli ako ng mga barkada na matitino ayon nalulong sa alak at sumubok mag drugs, na inaakala KO makakatulong masolved problema ko, tapus non mejo wala na ako sa katinuan, isang araw my isa pa akong kaibigan inakit ako magtrainin mag Army ayon sumama nmn ako iniwan KO yun maliit na negosyo KO ,kahit wala namn sa isip ko magsudalo sumama nalng ako, tapus yun sa Cafgu lng kami bumagsak mag training, pero malaking tulong sakin ng magtraining na kami kasi naging challenge yun training kun makakapasa ba ako, saka dina pwede umatras kasi wala na ako mapupuntahan, kahit mejo mahirap kasi halos wala nmn pinakaiba sa regular na sundalo yun training. nakatulong talaga sakin yun trainin siguro dahil sa mga activity nabago yun kaisipan ko, sa awa ng diyos ayon nakapasa nmn
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top