What's new

Closed Dell Optiplex 210L - Mabagal na video pagkatapos ma upgrade sa Windows 7

Status
Not open for further replies.

AEZAKMI_12

Eternal Poster
May computer kami dito sa bahay. Actually old computer na, 2006 model siya — Dell Optiplex 210L (4Gb RAM, Intel Celeron D — You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.). Recently lang ulit nagamit. May Windows XP pa siyang OS. Nung ginamit ko 'to habang nasa Windows XP, ayos naman. Kasi yun yung bundled os nya from the beginning. Tas nag decide ako na i-upgrade siya sa Windows 7 para mas 'recent' na OS. Balak ko talaga Windows 10 kaso sa specs lang parang di ata kaya, kaya pinili ko Windows 7 SP1 — may nakita akong video sa YøùTùbé, Windows 10 na siya, same model. After maformat, ayos naman. Working siya. Yung video lang ang ayaw gumana ng ayos. Kung baga parang 1-5 fps lang siya. Hindi ko po balak mag laro dito, sa mga Document and YøùTùbé ko lang po ito gagamitin.

"Upgrade/update mo yun Video/Graphic/Display Drivers" — Na try ko na po iyon, kahit i-install ko pa po ng nasa Compatibility Mode yung Drivers, ayaw nya.

Ayon po dun sa spec sheet na PDF, ang Video Graphics Controller nya ay "Intel Graphics Media Accelerator 900 (GMA 900)". Base sa mga na research ko, parang di siya working sa Windows 7. Mukang Windows XP lang siya working.

"Bili kang bagong Video Card, etc" — Willing po ako bumili, sadyang di ko lang alam kung anong bibilin — I mean yung klase po ng component.

Sa ngayon po, balak ko i-upgrade yung CPU sa Intel Pentium 4 (mukang puro second hand nalang meron).
 
gamitin mo ing mismong id ng device mo sa pag search ng device driver sir.

ex. PCI/VEN_8089&DEV_A011&SUBSYS_147A103C&REV_00

ganito sir ung hardware ids ng devices mo if ever na may problem sa drivers.😊
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top