What's new

Delivery rider at hari ng raket Ax Valerio graduate na ng magna cum laude

Sulit ang dugo't pawis ni Francis Jan Ax L. Valerio, 23, na nagtapos bilang magna cum laude sa kursong Bachelor of Arts in Communication sa Adamson University.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
© Provided by PEP.phDelivery rider and hari ng raket Ax Valerio graduates magna cum laude
Simula high school, kung anu-anong raket ang pinasok ni Ax matustusan lang ang pag-aaral.

Naging delivery rider at virtual assistant siya para suportahan ang kanyang edukasyon sa college.

Dati rin siyang naging service crew sa fast-food, tagagawa ng assignments ng mga kaklase magkaroon lang ng extra income.

Sa katunayan, nag-viral si Ax noong 2020 nang ma-post ang kanyang mga larawan na naka-uniporme ng online delivery service at nakaangkas sa kanyang motor.

Nakaparada si Ax sa tabi ng kalsada, nagsusulat sa kanyang notebook, at nakikinig sa online class.

Nagbunga ang lahat ng pagpupursige niya dahil bukod sa graduate na siya ay magna cum laude pa.

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
© Provided by PEP.phdelivery rider
PHOTO: TikTok (Ax Valerio)
Ang nag-viral na photo ni Ax Valerio noong 2020

RAKET DITO, RAKET DOON​

Post ni Ax sa Facebook nitong July 13, 2022, "High school ako noong mamulat ako sa hirap ng buhay.

"Nagtinda ako noon ng suman at graham balls sa school.

"Gumawa din ako ng mga assignments at activities ng mga kaklase ko kapalit ng konting halaga para lang may pang-baon ako sa eskwela.

"Hanggang sa naging service crew, call center agent, delivery rider, VA [virtual assistant], at iba't-ibang klase ng raket ang pinasok ko para lang kumita ng pera."

Pati raw gabi ay ginawang umaga ni Ax para makapagtrabaho.

Aniya, "Magdeliver umaraw man o umulan, mapuyat sa gabi para pumasok sa isa pang trabaho, sabay na din dun 'yung paggawa ng mga school works."

Hindi rin daw mapigilan ni Ax ang maiyak nang malamang magna cum laude siya.

Dugtong niya sa kanyang post, "Sulit ang pagbibilad sa ilalim ng tirik na araw, sulit lahat ng luha kasabay ng pagbyahe sa gitna ng malalakas na ulan, sulit lahat ng puyat maipasa lang ang mga kailangan ipasa sa eskwela."

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
© Provided by PEP.phax valerio
PHOTO: Facebook (Ax Valerio)

ANO ANG SUSUNOD KAY AX​

Nakapalitan ng mensahe si Ax ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Biyernes, July 15.

Tinanong namin, ano ba ang trabaho ng isang virtual assistant?

Sagot niya: "I get clients from U.S. ‘tapos pag may mga kailangan sila sa business nila, like in general, ako po yung gumagawa."

Ngayong nag-graduate na siya, ano ang susunod na plano ni Ax?

"I will pursue my dreams na po and continue to do the side hustles."

Itutuloy pa rin daw niya ang pagiging delivery rider, "Minsan magde-deliver pa din pero focus na sa career."

Push pa rin kasi sabi nga ni Ax, "Mas maraming source of income, mas maganda."

Saka sa pag iba ng tono ng tao po kapag kakatok bawat customer. 😅

FROM: PEP.PH
 
nakaka proud naman malaman ito. Sana lahat ng pilipino ay ganito , marunong dumiskarte at hindi papadala sa mga sinasabi ng ibang tao at patuloy lang sa pagsulong .. Congrats sayo Ax 👏 👏
 
Salute galing nya, nakaka inspired yung mga ganito, kung kaya nya, wag tayo mawalan ng pag asa, tuloy lang sa mga hamon ng buhay hanggang makapag tapos ng pag aaral.
 
I hope na hindi magiging curse sa kanya pagiging cum laude nya. hehe for safety mag apply sa government.
iyan ang big advantage sa cumlaude grads. hindi na kailangan ng licensure or civil service exams.. lakas talaga ng utak nito!
 
iyan ang big advantage sa cumlaude grads. hindi na kailangan ng licensure or civil service exams.. lakas talaga ng utak nito!

thats why i said na sa government sya mag apply, kasi pabor sa kanya. my kapamilya ako cum laude din, magaling talaga utak nila, parang v12 engine compared sa ating mga normies na naka 3 cylinder mini sedan engine.
 
Back
Top