Gusto ko lang kwento itong delivery boy na nagdedeliver sa amin ng tubig. Lumipat kasi ako ng kinukuhanan dahil mas mura sa kanila. Late na nun nagdeliver siya tapos nabigla ako kasama ang tatlong anak na batang babae. Eh krung krung un, motor na may sidecar, at pinilit pagkasyahin un mga bata. Tinanong ko bakit kasama ang mga chikiting. Sabi nun delivery boy wala daw si misis, ofw abroad at di na umuwi dahil may iba na. Tapos hinihingi un isa ko apron dahil daw lagi siya nababasa pag naglilinis ng mga bote. Sakto bumili ako ng limang apron dahil sale noon sa lazada kaya binigyan ko ng dalawa. Binigyan ko na din ng malaking tip at binigyan ko din ng allowance ang mga bata. May business din kasi kami noon na water station at alam ko ang hirap na pinagdadaanan nya tapos maliit pa sahod ng delivery boy. Yun lang gusto ko lang kwento. Mahina kasi puso ko pagdating sa mga bata. Naawa talaga ako. Kaya balak ko bawat delivery bigyan ko siya malaki tip. Dun sa misis niya pagdasal ko na lang na magbaso isip niya at balikan sila.