What's new

Deep thought sa aking crush noon

Hazew17

Forum Veteran
Joined
Nov 3, 2016
Posts
1,508
Reaction
2,230
Points
935
Gagi napa isip ako ngayong madaling araw hahaha pero nasa 3 years relationship na rin ako
Kasi noon first year highschool ako mga 2012 isang dekada na pala puro laro lang sa computer alam ko nun hahah saka may kunti kunting crush sa mga kaklase pero may isa talaga ako nun crush. Magkatabi lang kami ng upuan. Natatawa lang ako ngayon kasi sobrang lapit lapit ko na pala nun hindi ko man lang kinausap at saka torpe ko nun ni hindi ko alam pano mag simula ng pag uusapan at nagpa hirap pa nun hindi sya masalita. Kahit ganun ganado ako pumasok araw araw. Diba ganyan naman yan pag may crush ka parang isang inspirasyon mo yan sa buhay. Hanggang mag fourth year highschool kami, hanggang sulyap na lang talaga ako hahah saka nakabuo na rin sya ng circle of friend na hindi ko kaya ang mga standard nila parang kahit maki bagay ka para sakin di ko kaya makisama sa kanila kaya yun hanggang sulyap nanaman ang torpe hahah. Kahit senior night at graduation namin walang kaming picture at di nya pa rin alam na crush ko sya. Siguro mabait talaga si lord sakin na implement ang k-12 swerte ko nun kasi kaklase ko nanaman sya. Nag kakausap naman kami pero tungkol nga lang sa mga groupings at nauutal pa magsalita pag kaharap sya di alam gagawin hahah saka sobrang torpe ko talaga nun kaya sumuko na talaga ako at di alam gagawin pero yun na pala yun ang last na chance ko. Nag college ako parang nawala na rin sa isip ko sya. 2019 Friend naman kami sa fb at nag shared post sya bale naisipan ko syang istalk sa fb saka naka link na rin sa instagram sakanya may nakita akong picture ng baby katabi nya. Ang sabi ko sa sarili ko " Ang cute ng pamangkin nya" At sabay log out na rin busy sa school eh. Nagkaroon na rin ako ng gf. At ngayong madaling araw napaisip talaga ako kung pamangkin nya talaga yun sa instagram hahah. Yun pala anak nya pala☺

Kunting oras ko lang sinisi yung sarili ko hahaha pero kahit ganun wala na akong karapatan at manghimasok sa buhay nya at saka di alam to ng gf ko kaya ayaw ko lumagpas sa limitasyon ko.

Kung kayo may intensyon din maganda sa isang tao dapat sabihin nyo na ang panahon ay lumilipas ng mabilis

Salamat kung nagustuhan ninyo
 
Last edited:
I feel bad paps sa nararamdaman mo, maiisip mo nalang na kung ako yun, mangangarap ako ng ganito ganiyan di ko sya gaganitohin.

Pero yan paps pinili nya, wala kana magagawa. same tayo paps na may ganyan naranasan nung highschool life, pero sakin nakapag pa picture ako nung graduation namin🤣🤪, last time na din yun hahaha. Now naman masaya na and gusto makita muli ang nakaraan after ilang years if successful na at ano mga mukha ng dating kaklase haha

You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
 
I feel bad paps sa nararamdaman mo, maiisip mo nalang na kung ako yun, mangangarap ako ng ganito ganiyan di ko sya gaganitohin.

Pero yan paps pinili nya, wala kana magagawa. same tayo paps na may ganyan naranasan nung highschool life, pero sakin nakapag pa picture ako nung graduation namin🤣🤪, last time na din yun hahaha. Now naman masaya na and gusto makita muli ang nakaraan after ilang years if successful na at ano mga mukha ng dating kaklase haha

[Hidden content]
Dun na lang talaga tayo babawi sa mga kaklase natin hahahha
 
same tayo pero nung gr9 lang kami nagmeet talkative kami sa chat at sari saring usapan, parehong memers at medyo malas kasi pandemic nung gr10 nung 2020, di nga rin nasagad sa last day ng school year ng gr9 kasi march 2020 nagpandemic e dpat april matatapos yun, tas nung nag shs na pag 2022 lumipat na sa malayo hanep coincidence nalang siguro ang kelangan kung paano ako makakalapit dun haha hirap kasi basta basta lang manghimasok, inspiration ko pa naman yun para kahit papaano ayusin ko sarili ko at ang ugali e ambait non, same rin di ako mareach ang standard nila may circle of friends den napaghalataan na rin ako thru chat maybe at kusang pabor (currently gr11 going to gr12 na walang ganap iba na ang buhay dahil pandemic)

sana di humantong sa pagsisisi na kahit umamin man sana di pa nagawa ganoon kaduwag ako .-. habang buhay ko siguro dadalhin to kung mangyari nga
 
Sana maging tulay na ito sayo lods para umamin ka. Di naman ibig sabihin pag umamin ka eh talo ka malay mo nag hihintayan lang pala kayo. Wag ka na gumaya sakin☺
 
Single mom ba un crush mo? Un crush noon hayskul patay na. Nalaman ko lang na nagpatiwakal. Ewan ko bakit.
 
Hanggang dun na lang ako paps sa stalk at saka may gf na rin ako pero sa tingin ko single mom eh wala akong nakitang lalaki
 
I feel you brader! Pareho lang tayo magkatabi din kami ng high school crush ko mula 3rd year to 4th year madalas kaming nagbibiruan hanggang na fall na nga ako pero dko masabi sabi dahil torpe nga. Pero during our high school reunion dun ko nalaman na may feelings din pala siya sa akin noon ng magka aminan sa mga high school crush namin.. hahaha sad pero sobrang late na e engage na kasi siya ngayon🥲.
Siguro tanggapin nlang talaga natin na "First love never works out"
 
Sakit naman nyan paps pero pano naman tayo matuto kung hindi tayo masasaktan diba
 
Tama ka dyan brader! Share ko lang din tong qoute sayo.
"One of the happiest moments in life is when you find the courage to let go of what you cannot change.”
 
nagkita ko din ultimate crush(15years din nakalipas)ko nung highschool sa reunion namin last year e nung nag kwento na e kala ko iisa lang tatay sa 4 nyang anak, e iba2x pala tapos sinabihan lang kami select and collect daw pero maganda padin sya walang kupas at maalaga sa katawan.
 
Ganda ng qoute mo boss

Grabe naman yan hahah
 
Back
Top