What's new

Closed Dear jarred raymond perez part 2

Status
Not open for further replies.

yzelglen

Forum Veteran
Joined
Jan 9, 2016
Posts
1,646
Reaction
2,367
Points
631
Para sa babaeng iyong kasalukuyang mahal.
Sana maisip mo din ang aking kalagayan.
At ang kalagayan ng ama ng anak mo.
O sana mabuo ang pamilya niyo.

Nagsimula ang taon na okey kami sa isa't isa.
Nagtapos nung pebrero nang hindi kami magkaintindihan.
Nawala ang komyunikasyon pagdating ng Marso.
Ikaw na pala ang kausap niya at hindi ako.

Akala ko tuloy tuloy na nun dahil mahinahon na ang lahat.
Balak pa niyang mag-aral dito para kasama niya ang kanyang anak.
Pero isang araw nung marso di na siya sumasagot.
Sinagot mo na pala siya at bigla nalang nakalimot.

Hindi ako hadlang sa inyong pagmamahalan.
Pero sana unahin mo muna ang iyong anak.
Maiisip mo ding kailangan niya ang tunay niyang ama.
Hindi ang ama ng isang lalaking maliit pa lamang.

Ang ama ng anak ko na walang paninindigan.
Hindi kayang magbigay ng oras o kahit sandali man lamang.
Na kahit kamusta man lang ay hindi magawa.
O kahit pakinggan ang boses ng anak niyang namimiss na siya.

Sinabi mo sa akin na nakikipagbalikan ang iyong asawa.
Dahil naghiwalay na sila ng una niyang kinakasama.
Sana naman isipin mo din ang iyong anak.
May ama parin siyang hinahanap hanap.

Kung maaari lang sanang magmakaawa.
Hiwalayan mo muna siya.
Wag kang makihati sa oras at panahon para sa kanyang anak.
Na halos hindi niya maibigay simula ng siya'y maipanganak.

Sa panahon ngayong marami nang nasisirang pamilya.
Wag mo naman sanang dagdagan pa.
Ang pilit kong binubuong pamilya.
Ikaw pa ang isang sumisira.

Oo, matagal na kaming hiwalay.
Ngunit hindi pa huli para mabuo ang aking pamilya.
Kagaya din ng sa iyo, maliit pa lamang ang iyong anak.
Mas malaki ang tsansyang mabuo mo pa ito.

Ang pinapanalangin ko araw-araw.
Sana mapagtanto niyong dalawa.
May sarili kayong anak at pamilya.
Na sana binuo niyo nalang kaysa sinira pa.

Na ang anak niyo ay kailangan kayo.
Sa oras, panahon, at presensya.
Sa araw-araw niyang paggising.
At sa gabi ng kanyang pagtulog.

Dahil ang anak ang isang bumubuo sa pagkatao niyo.
Sila ang responsibilidad niyong di niyo dapat talikuran.
Dahil nandiyan sila at hindi nawawala.
Naghihintay at nananalangin na makasama ka
 
kahapon ko pa
nababasa thread nito about sa ganito
nalungkot nga din ako..
pero hindi na lang ako nagkomento..
move on na lang po mam
yan po pinakatama mong magagawa..
hindi pa po katapusan ng mundo mam ...
yun lang po..
 
kahapon ko pa
nababasa thread nito about sa ganito
nalungkot nga din ako..
pero hindi na lang ako nagkomento..
move on na lang po mam
yan po pinakatama mong magagawa..
hindi pa po katapusan ng mundo mam ...
yun lang po..
Hirap din magmove on. Sa isang taong di kami nagkita akala ko nakamove on na ako. Kaso nung gabing yun bumabalik nalang lahat sa dati. Di ko alam kung kailan ako makakamove on
 
Hirap din magmove on. Sa isang taong di kami nagkita akala ko nakamove on na ako. Kaso nung gabing yun bumabalik nalang lahat sa dati. Di ko alam kung kailan ako makakamove on
focus mo po atensyon sa anak mk mam,
kasi kusa naman darating ang karapatdapat sayo kasi babae ka po mam ikaw naman lalapitan ng lalaki eh, kaya sa anak mo na lang muna ifocus lahat mam ..at kung para padin kayo sa isat isa ng ex mo kayo talaga, kasi kahit pa may asawa na sya at kung hindi naman sila talaga para sa isat isa tadhana na po gagawa ng paraan para magkahiwalay sila..at pagsasamahin kayo ulit kung kayo talaga ang magkapalad...
 
look mo difference ninyong dalawa.. sino mas maayos? sino mas mukhang fresh?.. now tell me.. how can you win his eyes.. payo ko lang.. mag ayos ka
Kaya lang naman mas maayos yun kasi di siya ang nag-aalaga sa anak niya. Walwal parati. Tapos nag-aaral pa. Ako tambay dito sa bahay. Sa ak8n lahat ng gawain. Ako nag-aalaga sa anak ko, pamangkin at kapatid. No time for myself. Kaya di ako makapag-ayos.
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top