What's new

Dapat pa bang umasa?? Pilipinas??

ferdz67

Eternal Poster
Joined
Jul 15, 2018
Posts
1,132
Reaction
359
Points
326
55 yrs old na ako ,hindi na ako umaasa na titino pa ang sistema ng mga pilipino o ng Pilipinas,,
Itong darating na election ,,nag uumpisa na ang bigayan ng pera,,1k kapalit ng pirma ng bawat tao ,kunwari bibigyan ka id , haiisst,,
Tapos Ang mga kabataan puro tiktok ang laman ng utak ,
Marami parin ang tapon doon tapon dito ng mga basura,,
Ang mga kalsada Lubak lubak parin,,imbes na hukayin ang mga ilog o linisin ,,puro pag papatas ng kalsada ang ginagawa ,para maka kupit sa budget,hayy nako ano ba yan !!
Kahit sino ang maupo na president ng pinas ,walang mababago ,
Mismong pinoy nilalag lag ang kapuwa pinoy ,
Napakaraming religion ,,nag lalakihang simbahan ,,pero hindi nakikita sa gawa ang kabutihan ,,parang takot lang sa impierno kaya nag sisimba kahit paano ha ha ha ,BANAL NA ASO SANTONG KABAYO !!
hay nako buhay pinas ,,nakaka dismaya!!
 
Kahit saan naman lods hinde lang sa pilipinas. Ang magandang gawin focus mo nalang sa pamilya mo at sana'y wag nila pamarisan yung mga nakikita nila sa labas

Kesa ma I-stress ka pa, masakit man, pero eto reality talaga eh.
 
Dito nga, inuna pa yung pagpapatayo ng bagong munisipyo kesa mag implement ng garbage collection sa buong lungsod at di lang dun sa sentro ng lungsod.

Maganda at marami ang source ng tubig pero once a month lang bumubuhos ng tubig gripo namin. (Hindi pa yun whole day lol)

Mga pagkain dito, mapa isda, karne, prutas, mas mahal pa kesa sa maynila. Kahit 1/2 kilo ng calamansi, 80 pesos 🙄

Kaya dedma na lang talaga kami. Wala na din naman tayo magagawa niyan kaya kami na lang nag adjust. Bumili na lang kami ng mga seedlings para itanim. Matagal pa bago bumunga, pero at least, in time, makaiwas kami sa mamahaling bilihin.
 
kahit sa US naman din boss.
di naman nawawala yang curruption. mas malala pa nga sa india boss.

Magagawa lang natin eh bawasan ang curruption. Kaya iboto nalang natin yung sa tingin natin yung mejo matino.

Pero mas bilib ako sayo boss, kahit 55 ka na active ka sa forums :D

Sa panahon ngayon bihira lang mga ganyan edad na nasa forums na ganito.

naiimagine ko na din pag tanda ko Haha
 
Yun nga boss, ako hindi na ako umaasa pero hindi ito naging dahilan para gahayin ko sila.. I'll still remain a good citizen.
 
Mas maganda tlaga maging neutral kapag pulitika na ang pinag-uusapan. Tama po yun kahit sino pa maging presidente walang magbabago sa sitwasyon natin ganito na talaga ang buhay. Nasa sa atin sarili kung gugustuhin natin magpaka stress sa ganyan o mamuhay nalang ng simple at kuntento sa buhay.
 
kahit sa US naman din boss.
di naman nawawala yang curruption. mas malala pa nga sa india boss.

Magagawa lang natin eh bawasan ang curruption. Kaya iboto nalang natin yung sa tingin natin yung mejo matino.

Pero mas bilib ako sayo boss, kahit 55 ka na active ka sa forums :D

Sa panahon ngayon bihira lang mga ganyan edad na nasa forums na ganito.

naiimagine ko na din pag tanda ko Haha
Yung mga kaidaran ko kasi hindi maalam sa internet ,,ang alam lang manood ng bold ha ha ha ,,pag tinuturuan ko naman ,,ok sa una ,,kaso kapag naka tulog ,, pag gising limot na yung mga tinuro koha ha ha
 
1945 pa lang talaga tayo nagsimulang maging totoong "independent" na estado. 72 years pa lang yun. Isang sinok lang ang tagal ng true independence ng Pilipinas kumpara sa mga mauunlad na bansa na ilang centuries na sila namamahala sa sarili nila.

Siguro sa lifetime natin hindi natin makikita na first world status ang Pilipinas pero ako umaasa pa rin. Personally naman at sa mga kapatid ko umuunlad naman standard of living namin kahit papaano so okay na ako dun.
 
hangga't marami ang di nakakapag aral wag na umasa, kung pwede sana wag pag botohin yung uneducated wala sanang maloloko
 

Similar threads

Back
Top